>_<NewFriend

30 2 0
                                    


***

(a/n: so, feel ko lang magstart ngayon sa pov ni Yuri eh)

Yuri's POV

At dahil sa kalandian ko, napilitan si CK na payagan akong mag-transfer sa school nila, trip ko lang talagang makita si Cyan araw-araw.

Nauna na si CK sa school, INIWAN AKO?!!

Tagal ko daw magpaganda eh, FYI, maganda na talaga ko, likas na malapagong lang talaga akong kumilos pag wala sa kondisyon.

I jumped on my car and start driving (english yon ah' palakpakan!).

May sarili naman akong sports car, kaya malaya ako kahit san ako maglakwatya.

~pagdating sa school,

"She's the new girl right?"

kailangan pag-usapan?

"Ganda nya pare, sagad!"

tsk. maganda talaga ko.

"Whatever, mas maganda parin ako sa kanya no'"

whatever ka din, face-off tayo oh..

Sabagay, hindi nga naman nawawala ang mga chismosa sa mundo, kahit san, meron talagang mag co-comment sayo.

At dahil maganda ako pumunta na ko sa information office para itanong kung sang kwarto at section ako kasama (anong konek?)

Asan ba dito yung kwarto ni Cyan-tanga? Ano kayang section non?

"Psst! Bago ka dito?" biglang nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko, sang babae lang pala.

"Ah, oo eh. Hinahanap ko kasi yung room A14, pwede mo ba kong tulungan?" sabi ko sa pinakamahinahon kong boses. Eh kasi naman, palagi akong nakasigaw, pake nyo? Pasalamat kayo, nag-effort ako nyan.

"Oo naman, haha! So we're classmates pala, by the way, I'm Brent" sabi nya tapos ngumiti, grabe ang cute nya, mukha syang manika, alam mo yun? Parang cosplayer, tapos anime? Basta ang cute nya talaga ang sarap iuwi eh, mas maliit nga lang sya sakin, pero ang ganda nya talaga pramis (itaas ang bandera ng magaganda! Hala!)

Teka---

"Brent?? Eh diba parang panlalaki yon?"tanong ko. Oo nga naman.

"Haha, Brennyzette Carlos, everybody calls me Brent. Wait, you are?"Brent

"Yuri, I'm Yuri"sagot ko.

"Ah, ok. Tara na sa room dali" hinila nya yung kamay ko tapos kinaladkad papunta sa classroom.

Nang biglang---

BLAG!!!

Ouch...

Nabangga ko lang naman yung pader, ay hindi pala--

"Naman, Brent!! Mag-ingat2x ka nga! Kita mo ng may dinadala ako oh!"sigaw nung lalaking nabangga ko, may dala syang box na malaki kaya di kita mukha nya.

"Sori naman! Ako baga bumangga sayo? Andito ako oh, andyan ka, wag lang tanga tol"Brent

"What?!----"

sya ------> O_O?!

"Witch??! Ba't ka nandito?"

sigaw ng isang gwapong nilalang na mukhang nakakita ng sang katutak na manyak na baklang fans, (imagine nyo nalang). Hehe, pwede magreact din ako?

O sige, 1...2...3---

'OMG!! Cyan! Ang cute2x mo talaga!! Wahh!! Sarap mo iuwi sa bahay at i-display sa shelf!!'

"Teka, you know each other?"Brent

"Yup, kaibigan sya ng pinsan kong si Cjan"sagot ko

"Wait, what? Kalahi ka ng baliw na yon?! Ha! Don't tell me may sira rin utak mo?"Brent

Eh??

"Oy di mo pa sinasagot tanong ko, why are you here?"Cy

"Ah---eh, ahehehe.. Um, bakit? Masama ba magtransfer? Eh dito school ni CK eh, tsaka don narin ako sa kanila nakatira kaya yun"Yuri

"Ahh. Ok. See you" sabi nya na nagmamadali.

yun lang yon? nag-isip pa ko ng dahilan tapos, that's it?

"Uy Cyan-tanga, teka ano ba yang dala mo ha?"Yuri

"Ah eto? Naiwang gamit ng kaibigan ko nung nagtransfer sya ng ibang school"Cy

Then umalis na agad. Ba't atat yun? May karera?

"Tsk. Grabe naman, ba't di nya sinabi yung totoo?"paghihimutok ni Brent.

"Ha? Anong totoo?"Yuri

"Wala, kasi ano, sa pinsan nya yung gamit sa box"Brent

"So? Anong big deal don? Ano naman kung sa pinsan nya?"Yuri

Di sumagot si Brent, umiwas lang sya ng tingin. Anyare dito?

"Are you hiding something or what?"Yuri

"Ha? Ah, w-wala. Tsaka kung meron man, wag mo ng alamin. Mababaliw ka lang sa ka-kornihan nyan"Brent

Ganon??

"Tsk. Tara na nga sa loob"Brent

***

You're My Trophy, Aren't You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon