I don't know but I found myself smiling while holding the perfume that he gave me and I can't help it.

The next day is no different from the other. A typical day from school. A busy and so far, a tiring day.

Kian and I ate together earlier pero sabi niya may pupuntahan pa siya kaya wala pa siya dito.

It's almost time, pero hindi pa rin siya dumarating. Tsk tsk. Mayayari 'yon.

Nakita ko pa si Adi na papunta sa gawi ko. She sat on Kian's seat and looked at me.

"Saan kayo pumunta ni Kian kahapon? Kayo ah." pang-aasar niya sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Baliw, nagpasama lang siya sa mall. Binilihan niya ng gift yung friend niya." sagot ko.

"Wow? close pala talaga kayo?" tanong niya pa.

"Ewan. I consider him a friend but I don't know if we're that close." sabi ko.

Which is true. Hindi ko nga alam kung friend din ba turing sa'kin ni Kian. Basta ako I see him as one.

He seems like a grumpy boy or someone with a bad attitude but when you're alone with him, he's actually kind and caring.

"Weh—" naputol yung sasabihin niya noong biglang pumasok yung teacher namin.

Tatayo na sana kami para batiin siya pero sumenyas siya na 'wag na.

"Change your clothes to your PE uniforms. See you in the gym in 15 minutes." sabi niya lang, tapos ay umalis agad.

Ah yes, Friday is PE day. I hate it here.

Nagkagulo sa classroom at nagsimula na silang magsitakbo sa locker para kuhanin yung mga uniforms nila.

Habang kinukuha ko yung susi ko, naalala ko na wala pa pala si Kian. Tsk!

Hinayaan ko na lang din at tumakbo na rin ako. Kinuha ko sa locker ko yung PE uniform at pumunta sa rest room ng boys.

Papasok na sana ako pero bigla ulit akong napalabas.

Yung mga kaklase kong lalake, doon na sa labas naghuhubad. May mga naka-boxer, merong briefs and I cannot stand seeing them. Nahihiya ako.

Puno lahat ng cubicle kaya wala akong choice kung hindi maghintay!

Kung pupunta ako sa kabilang rest room ng boys, mauubos lang oras ko. Medyo malayo.

Terror pa naman teacher namin sa PE.

Laking pasasalamat ko nung may mga lumabas na kaya pumasok na ko. May isang bukas na cubicle kaya doon ako pumunta.

Isasara ko na sana yung pinto nung may pumasok.

Si Kian!

"Hoy anong ginagawa mo rito?!?" tanong ko pa, nagmamadali na kasi ako.

"I'm gonna change too, obviously." sabi niya at nakita ko nga rin yung PE uniform niya na hawak niya.

"Doon ka sa labas! Maghintay ka!" sabi ko.

"I don't wanna remove my clothes outside." sabi niya lang.

"Labas na!" tinutulak ko pa siya. Kaya nga ako pumasok dito, ayokong may kasabay.

Pero imbis na lumabas, ni-lock niya pa yung pinto.

"If you don't wanna be late, get changed now." sabi niya sabay hubad ng vest niya at polo.

I can't help it but to stare at his body while he quickly removes his sando shirt. I didn't know he has such a good body.

He has abs too, wow.

Nararamdaman ko na naman na nag-iinit yung mukha ko.

And I felt something really weird again!!!

Tumalikod ako nung nakita kong tinatanggal na niya yung belt niya.

Oof. No.

Nagbibihis naman na siya, kaya ako rin nagsimula na ring maghubad para magbihis kahit na nahihiya.

"Faster." sabi niya noong isusuot ko pa lang yung jogging pants ko.

"Tumalikod ka nga! 'Wag mo kong tignan!" galit na sabi ko.

Nakakahiya!

He chuckled. "Okay."

Noong natapos ako, humarap ako sa kanya at nakatalikod nga siya gaya nang sinabi ko. He's facing the door.

"Tara na!" sabi ko saka ako na yung nagbukas ng pinto. Sumunod naman na siya maglakad.

Nilagay lang namin yung uniforms namin sa locker saka dumeretso sa gym.

Medyo na-late kami kaya sa dulo kami pumila. Nakahinga pa ako nang maluwag nung hindi kami pinagalitan.

"Okay, before we start, just a special announcement, You guys will have your prom next month." sabi ni Miss.

Biglang nag-ingay yung mga kaklase ko, mga nag-usap at nag-bulungan.

"Bakit po? Diba sa junior high school lang yung prom?" tanong ng kaklase kong si Kenneth.

"Yes but this year is special. The Principal told us that from Grade 9 up to your level will join the party." she said.

"Ah." sabay-sabay na sagot pa ng mga kaklase ko.

"Yung apo kasi niya is hindi nakaranas nito before." sabi niya. "This is actually good for you guys. You will get to experience it again at doon sa mga hindi nakasali before, this is your chance." dagdag niya.

Pagkatapos no'n ay wala naman nang naging violent reactions yung mga kaklase ko kaya nagsimula nang magturo si Miss.

Nung matapos yung klase, ay umalis siya agad kaya nabuwag na yung mga kaklase ko pabalik sa room.

Kasabay ko maglakad si Kian. Medyo pinawisan kami dahil puro katawan yung ginagalaw namin kanina.

"Hey" sabi niya sabay abot sa'kin ng bottled water na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Kinuha ko naman saka uminom doon. Nauuhaw na kasi ako.

"Come with me tomorrow." sabi ni Kian.

"Saturday bukas ah? Saan tayo pupunta?" sabi ko pagkatapos ko uminom.

"You will meet my friends." sabi niya.

"Friends mo???" nagtatakang tanong ko pa.

I mean, bakit? But I'm excited though. I hope I can be friends with them too.

"Ah yes, you can bring Adi too, your friends with her right? So you won't feel out of place." sagot niya lang.

"Sure, but can I bring Ryan too?" tanong ko.

"Ryan who?" biglang kumunot yung noo niya.

"Friend ko rin." sagot ko.

"Okay then." sagot niya saka kinuha yung bottled water na hawak ko at doon din uminom.

I watched him as he empty the bottle.

Wait. That's what they call an indirect kiss right?

Invisible String [BxB]Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang