Itinutok niya na sa'kin yung camera kaya nag-pose na ako. Hawak ko sa kabilang kamay yung iced coffee kaya ginawa ko na lang prop.
Nilagay ko sa bandang dibdib ko, yung casual lang.
"One, two, three." bilang niya kaya huminto na ako sa paggalaw.
"Isa pa!" sabi ko. Mamaya ko na lang titignan pagkatapos.
Umakma na akong magpo-pose ulit, inilayo ko naman sa'kin yung cup at inextend ko yung kamay ko.
"Wait—" naputol na sasabihin ni Kian.
Late na noong na-realize ko na may sumanggi sa kamay ko. Natanggal yung lid at natapon yung kalahati.
Sa damit ng lalaki.
"What the fuck?" angil niya sabay tingin nang masama.
Nag-panic na rin ako. Hindi ko alam gagawin.
"Hala, I'm sorry po." sagot ko. Kukuha sana ako nang pamunas kaso wala akong makapa sa bulsa kong panyo.
Hindi ko alam kung mas matanda siya o hindi pero sa tingin ko ay ka-edad lang namin siya.
Nagulat na lang ako na nakalapit na pala siya.
"Babayaran ko na lang po yung damit niyo." dagdag ko.
Tinulak niya yung kanan kong braso. "Anong problema mo?!" sigang tanong niya. Pagkatapos ay yung kaliwa naman na napalakas kaya medyo napaatras pa ako. "Tignan mo damit ko!" sigaw niya nang malakas.
Pumagitna si Kian. "Hey, It's obviously an accident and besides he already apologized to you and we will pay for your shirt." kalmado niyang sabi.
Napatingin siya kay Kian. "Sino ka ba?" sagot niya.
"You wouldn't even have coffee on your shirt if you're watching your way while walking." sabi ni Kian. "But you're not so honestly, it's your fault too." dagdag niya.
Ayon na yata yung pinakamahabang salita na narinig ko kay Kian.
"Baliw ka pala eh! Ikaw kaya tapunan ko ng kape?" sigaw niya saka lumapit sa'kin at inagaw yung cup na may laman pang iced coffee. "Oh ayan!" sabi niya sabay tinapon sa mukha ni Kian yung natira at hinagis pa sa kanya yung cup.
Tarantado!
"Gago ka pala eh!" sigaw ko saka sumugod at sinuntok siya sa mukha.
Ouch. Pero sapul!
Napaupo siya kasi medyo malakas yung suntok ko.
Nakita ko si Kian at gulat pa niya akong tinignan kahit may iced coffe siya sa buong mukha niya hanggang pababa sa uniform niya.
Hinanda ko na lang ulit yung sarili ko kasi alam kong gaganti 'to.
Suntukan yata hanap niya eh. Akala niya hindi ko siya papatulan?
Hindi naman si Kian yung naka-tapon sa kanya, siya pa yung nadumihan ngayon. Palibhasa hindi yata matanggap ng bwisit na 'to na totoo naman yung sinabi Kian.
Tumayo na siya at hinawakan pa yung labi niya. May dugo eh, pumutok.
That's what you get when you're being an asshole.
Lalapit na sana siya pero nagsalita ulit si Kian. "Don't you dare lay a finger on him or else I will join him to beat your ass up." seryosong sabi ni Kian.
He's always serious but I've never seen him that serious, it's deep.
Natakot yata siya sa sinabi ni Kian at hindi na humakbang pa. "Mga gago." sabi niya saka sumakay doon lang sa katabing sasakyan ni Kian at humarurot paalis.
"Siya yung gago! Nag-sorry naman ako eh, at babayaran na nga yung shirt niya!" sabi ko na lang.
Lumapit sa'kin si Kian at kinuha yung kanan kong kamay.
"You can't just punch anyone like that." sabi niya habang hawak yung kamay ko.
Tinignan ko rin, namumula lang naman.
"He deserves that." sabi ko.
Napatingin sa'kin si Kian.
"Hahahahaha!" tawa ko nang malakas.
"What's so funny?" tanong niya.
Hindi ako agad nakahinto sa pagtawa. "Yung mukha mo kulay brown na dahil sa iced coffee!" natatawa pa ring sabi ko.
"Tss." sagot niya lang pero alam kong nahiya siya. "Let's go."
"Hoy, pasok muna tayo ulit sa mall, maghilamos ka." sabi ko.
"No. I'll just wipe this off then wash my face at home." sagot niya saka naglakad papunta sa kotse.
"Nahihiya ka lang eh! Hahahaha." Pang-aasar ko.
Pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Nakita kong pinupanasan niya ng panyo yung mukha niya.
Tuyo 'yon at malagkit pa yung iced coffee kaya hindi naman natatanggal.
Kinuha ko yung bag ko saka hinugot yung baby wipes sa loob. Kumuha ako ng isang dalawang piraso.
"Tara nga dito." sabi ko.
Nagtataka pa siya kung anong gagawin kaya ako na lang yung lumapit.
Hinawakan ko yung baba niya oara gawing guide.
Nagsimula muna ako sa leeg kasi konti lang naman yung napunta do'n.
Itiningala ko yung ulo niya saka nagpunas.
His skin is so flawless. I wonder kung hindi ba 'to lumalabas ng bahay o nasa lahi talaga nila yung maputi at makinis.
Umangat na ko sa mukha niya kung saan napunta halos lahat ng iced coffee.
Nagsimula ako sa noo pababa.
Hindi ko alam pero nung nasa bandang labi na ako ay may naramdaman na naman akong kakaiba.
Katulad ng mga naramdaman ko kanina. Nasa dibdib, hindi ko alam kung ano.
Napatingin ako sa mata niya at doon ko lang na-realize na nakatingin pala siya sa'kin the whole time.
"O-Oh ikaw na magpunas niyan, konti na lang naman na." sabi ko pero hindi ko pinahalatang nahihiya ako.
Tumingin na lang ako sa bintana nung naramdaman kong nag-iinit yung mukha ko.
Sobrang weird. I felt so uneasy and I can feel my heart beating so fast.
What the hell is happening with me.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Invisible String [BxB]
Подростковая литератураJaycee found himself in a deal with a complete stranger named Kian that turned out to be his classmate. It led to him falling in love to someone that he never imagined. What do you do when the world tells you that it's wrong but it feels so right? ...
Chapter 8
Начните с самого начала
![Invisible String [BxB]](https://img.wattpad.com/cover/257520129-64-k917493.jpg)