Chapter 1- Birthday Party

27 0 0
                                    

Warnings

This chapter contains a lot of errors, such as spelling, typographical, punctuation and spacing errors. So, don't judge my story because this story is not written in a perfect way. Bear with me everyone happy readings...

*******

Chapter 1

Pagkatapak ko pa lang sa main door ay isang malakas na sigaw na ang narinig ko mula sa magaling kong ama. As usual baka nag-sumbong na naman ang pabiba niyang anak. What's new anyways.

Tsk, walang pinagbago the usual and the pabiba daughter na naman ang kakampihan.

"Ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo, Dezekiah?"he asked me.

Nagbingi-bingihan lang ako sa kaniyang sermon at nagpatuloy na naglakad papasok sa loob. Bahala siyang magsisigaw diyan hindi naman ako ang mawawalan ng boses.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng bigla niyang halbutin ang kamay ko kaya medyo na out of balance ako. Mabuti na lang nakahawak ako sa railings kung hindi ay baka natumba na ako.

Inis na inis akong tumingin kay Daddy.

"Ano na naman ba? Papatayin mo ba ako Dad?" Medyo napasigaw kong sabi.

Matalas na tingin lang ang binigay niya sa akin. Galit na galit dahil inaway ko na naman ang anak niya? Bullshit!

"Kailan ka ba titigil sa pang-aaway mo sa kaniya?" Kalmadong sabi niya.

Ngumisi ako ng pagkalawak sa kaniya na mas kinagulat niya pa.

"Kailan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Kapag miserable na ang buhay niya kagaya ko. Titigilan ko lang siya kapag nawala na siya sa landas ko Dad."

Bawat bigkas ko ng salita ay madidiin para malaman niya na galit na galit ako sa anak niya at sa kaniya.

"Tapos ka na ba Dad? Aalis na ako," sabi ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti bago tumalikod.

Tsk, ang arte. Ang drama!

Taas noo akong naglakad paakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Nakasalubong ko pa ang impaktang kapatid ko, she's wearing a yellow above the knee dress.

Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan. She thinks panalo siya? Hell no! Hindi pa nga ako magsisimula eh.

I'm Dezekiah Alcazar and no one can beat me not her and not everyone.

"How was the sermon thingy?" She asked.

Napairap ako sa hangin sa sobrang plastik niya. Akala mo anghel na hulog ng langit 'yon pala may mga sungay at buntot na nakatago.

"Hmm, ano ba sa tingin mo? Maganda! Ikaw kaya sermonan kong demonyita ka!" Kalmadong sabi ko.

Yes! Kalmado pa ako ngayon.

"Watch me! magiging impyerno ang natitirang buhay mo Jessica," nakangiting sabi ko at nilagpasan na niya.

Binuksan ko na ang pinto ng aking kwarto at agad na pumasok sa loob. Pabalibag kong sinarado ang pintuan, edi paayos kapag nasira. Anong silbi ng pera kung hindi gagamitin, tsk.

Imbes na magbihis ay humiga ako sa kama  at agad na pinikit ang mga mata ko. Inaalala ang mga masasayang araw namin ni mommy, ang masasayang alaala ng pamilya namin nang hindi pa dumating sa buhay namin ang babaeng 'yon.

Because of her my mom died. I can't forgive her, them.

This is me, this is real~~~

Napadilat ako ng mata at agad na kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag and it's Dustine.

Miss Bully and the SSG PresidentWhere stories live. Discover now