Ganoon din naman lagi ang naging set up namin ni Kian. Lagi niya akong sinasabay kumain at laging libre pa niya. Umaangal ako minsan pero ayaw patinag eh, kapag sinabi niya, yun na yung final.

Siguro kapag nag-jowa 'to, manipulative siya. Charot.

"Hey."

Speaking of Kian.

"Hmmm?" sagot ko. Hindi ako makalingon kasi hindi pa ko tapos sa sinusulat ko.

"After this, go to the mall with me." bulong niya na sa sobrang lapit ay nakiliti ako.

Yung hininga niya kasi, tumama sa leeg ko and I find it sexy.

Seriously what is wrong with me?!?!

I felt something really weird pero pinili kong i-ignore. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.

Bawal kasi mag-ingay, papagalitan kami ng teacher.

Last subject na rin, pinapagawa na lang yung activity at kapag tapos ka na, pwede ka nang lumabas.

Hindi na ako sumagot at binilisan na lang magsulat dahil gaya nga nang sinabi ko, kapag sinabi niya, yun na yung nasusunod kaya alam niya na yung sagot.

Pagkatapos ko magsulat, kinalabit ko na siya saka sinuot yung bag ko. Kanina pa kasi siya tapos, hinihintay niya lang ako.

Pumunta na kami sa harap saka pinasa yung papel. Kumaway na ko kay Adi nung nakita ko siyang tumingin sa'kin para ipaalam na mauuna na ako.

Sabay kaming naglalakad ni Kian. Nakapasok pa sa mga bulsa niya yung dalawang kamay niya. Chill na chill na naglalakad.

"Ano pa lang gagawin mo sa mall?" tanong ko.

"I will buy some stuff." sagot niya.

Pumunta kami sa parking at nakita ko na naman yung magandang sasakyan niya.

May pinindot pa siyang kung ano sa susi saka binuksan yung pinto ng passenger seat, syempre pinapapasok ako.

First time kong sasakay sa kotse ni Kian. Pagpasok ko pa lang eh naamoy ko agad yung sasakyan at ang bango! sobrang linis pa.

Sumakay na rin siya do'n sa driver's seat saka nag-drive.

Paiikot-ikot yung ulo at mata ko sa loob ng kotse. Ang ganda eh! Iba yung mga features nito kesa sa ibang nakikita kong mga kotse.

Pinapanood ko rin siya mag-drive at I have to admit that he looks so cool and handsome in that seat while driving.

I looked away when I felt something in my chest and I don't know what it is.

Nakarating din naman kami agad sa mall.

"Ano ba yung bibilhin mo?" tanong ko habang naglalakad kami papasok.

"I will buy a gift for a friend. For her birthday." sagot ni Kian.

"Girlfriend mo?" tanong ko. Sabi na eh may girlfriend 'to eh. Kung ganyan ba naman ako ka-pogi, magjojowa rin ako agad.

"I just said it's for a friend. Why are you so dumb?" tanong niya bigla.

Luh? "Nagtatanong lang eh!" sagot ko.

Ang sama ng ugali!

"Now help me to choose a gift." sabi niya nung makaakyat kami sa second floor.

"Ano bang sa tingin mo wala siya? Yun na lang bilihin mo." sagot ko.

"She has everything that she wants." sagot ni Kian.

Ha? Edi paano 'yan?

"Edi bilihin mo yung ikaw mismo pumili. Kahit na man meron na siya no'n, mahal o mura yung gift, it's always the the thought that counts." sagot ko, totoo naman eh.

Tumatango-tango pa siya na parang uma-agree pa siya sa'kin. "So what should I buy?"

Taragis 'yan.

"Ikaw nga pumili eh!" angil ko.

"I don't know what to buy! I wouldn't even ask for your help if I know how to handle things like this. Especially she's a girl, I don't exactly know what she wants."  sagot ni Kian.

"Tara!" aya ko na lang sa kanya.

Pumasok ako sa isang shop ng luxury brand, sumunod naman siya.

"Kaya mo naman magbayad dito diba?" tanong ko. Tumango naman siya.

"One of the best things that you can give to a girl, or to boys, and all gender in general is a perfume." sabi ko habang hinahawakan yung mga perfumes na naka-display.

Tumingin-tingin din siya ng mga naka-display. "This is too basic. She has a lot of perfumes already." sabi ni Kian.

"Yes, it maybe basic but when she finally used this, magiging unique 'yong gift mo. Not literally but everytime na gagamitin niya 'to, she will always remember you, the one who gave it to her. Gets?" mahabang paliwanag ko.

Nalaman ko lang din 'yan sa iba kong kaibigan dati kaya kapag wala akong maisip na i-regalo tuwing may birthday, perfume ang binibigay ko.

Tumango naman siya at lumapit sa sales clerk at nakipag-usap.

Naging mabilis naman yung transaction at nakalabas naman kami agad. Hindi ko na tinanong kung magkano yung binayaran niya dahil alam kong mahal talaga 'yon.

"Let's eat first." sabi ni Kian.

"Hindi ako gutom." sagot ko kasi totoo naman. Busog pa ako.

"Then what do you want?" tanong niya. Huminto pa siya paglalakad saka humarap sa'kin.

"I want some iced coffee." sagot ko. Nakita ko kasi si Ate na naglalakad, parang ang sarap nang iniinom niya.

"Okay, let's go." aya ni Kian sabay hila niya sa kamay ko para maglakad.

Nagulat ako sa ginawa niya. Hawak niya yung pulsuhan ko sa kaliwa at sa kanan naman yung paper bag.

Hindi ko alam yung ire-react ko, masyado rin akong na-tense sa sitwasyon kaya hinayaan ko na lang siya.

Nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko sa room at sa kotse niya kanina na kakaiba. So weird.

Malambot lang yung paghila niya sa'kin, sobrang soft kasi ng kamay niya.

Binitawan niya lang ako nung nasa harap na kami ng stall nung nakita kong iced coffee kanina.

"Oder what you want." sabi ni Kian.

Hindi ako nakasagot dahil lutang pa ako dahil sa ginawa niya.

Ewan ko pero parang biglang nahiya ako sa kanya ng slight.

Lumapit na lang ako doon sa tao sa stall saka nag-order.

Invisible String [BxB]Where stories live. Discover now