"Hi, Gio! Dito magla-log in, tama ba?"

My heart hammered as I turned dumbfounded at Seka. I gasped.

How could she question him working that tone? As if they're of the same level? Mr. Giovanni was respected by everyone and the man obviously knew that! She should be careful with her words and tone!

Ako ang kinabahan para sa kaibigan.

From the logbook, Mr. Giovanni shifted his gaze to Seka as he let go of the book. And very different from what I assumed, he wore his beaming smile that his eyes crinkled at the corners.

"Hello, Ms. Benavidez. Yeah, sure. Here you go," he then pushed the book to Seka.

I blinked uncontrollably as I tried to keep my cool in check. Kulang na lang ay hampasin ang sarili sa kahibangan.

What the heck am I thinking? Of course, he's the amiable and kind type to anybody else! Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip at hinalintulad si Seka sa akin gayong...

I shook my head a bit. Bago pa man nito mapuna, tinuon ko na lang ang pansin sa logbook nang turn ko na para magsulat.

Habang sinusulat ang pangalan sa pinakadulo, pinasadahan ko ng tingin ang mga pangalang naka-log in na.

My lips bulged as I realized whose name was the first attendee.

1. Smith, Giovanni Clark A.
BSBA 1-A
SCBA Deputy Project Manager
11:25 AM

I was lost in a trance as I marveled at his penmanship and intricate signature. For some reason, it was familiar to me as it was not.

Naalala ko ang note na kasama sa takeout box dati. Pero dahil kasunod noon ang masalimuot na alaala, napasimangot ako at binalewala na lang ang iniisip.

I wrote 12:51 PM for me. Pero bago matapos, aksidenteng dumako ang mga mata ko sa isang field na nauna kay Seka. Kung bakit, tingin ko ay dahil sa sulat-kamay nito.

Tumuwid ako ng tayo. Sandali kong binalikan ang unang bahagi para makumpara kaya ilang sandali, natanto ko kung sino ang nagsulat nito.

I was certain it was Mr. Giovanni's handwriting, but it was someone else's name.

17. Valencia, Russell K.
1-B
SCBA Auxiliary
12:49 PM

Pilit kong inisip na walang kakaiba roon. Na normal lang iyon. People can fill in for someone else, right? I convinced myself.

Ngunit nang iangat ko na ang tingin para balingan si Seka, natigilan ako nang nakita ang pag-aabang sa mga mata ni Mr. Giovanni, animo'y kanina pa hinihintay ang paglingon ko at inaasahan ang aking tingin.

"Sige po. Pasok na kami! Salamat, Gio, a!" ani Seka.

I silently thanked her for stalling me that moment. Bahagyang natuon sa kanya ang atensiyon ng lalaki kaya nakuha ko iyong pagkakataon para tumango na lang nang tahimik.

From the corner of my eye, I caught him glancing again pero tuluyan ko nang in-excuse ang sarili pagkatapos ng kanyang tugon.

He smiled.

"Not at all. Hope to run into both of you... in a moment," Mr. Giovanni made pauses in between.

Hindi ko na nasikmura ang sandaling iyon kaya nauna na akong pumasok kay Seka na natulala pa ata pagkatapos.

Habang nakikipagkaisa kay Luisa sa mga dapat asahan sa meeting, sinubukan kong isantabi ang mga bumabagabag sa akin kanina. Pero hindi epektibo.

Mula roon sa kakaibang tingin ni Mr. Giovanni sa lalaking noon lang din ay nasangkot sa isang malubhang food allergy.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now