Prologue

86.9K 1K 48
                                    

"Ano ka ba, Iyah. Invited naman tayo sa party. Tsaka, birthday naman ni Miggy yun! Magi-greet mo sya ng personal." Tawa ni Mia habang nilalaro nya ang kanyang ballpen.

Diretso pa rin ang tingin ko sa board, nakikinig sa aming discussion. "Hindi ako papayagan ni Mama. Lalo na, pag nalaman nyang may inuman." Pabulong na sagot ko.

Kinalabit nya ako, hindi ko sya nilingon. Baka makita kasi kami ng teacher namin na nag uusap.

"E di wag kang uminom. Wala naman problema dun. Wag kang KJ."

"Mia, kilala mo naman si Mama, diba. Dapat bago mag alas sais ay nasa bahay na ako. Eh, alas otso palang mag uumpisa ang party ni Miggy."

Kita ko ang pag irap ni Mia sa akin. "Eighteen na tayo! God, Iyah. Hindi na tayo mga bata!" Tumaas ang kanyang boses. Hinarap ko sya at sinenyasan na wag ng magsalita pa. Baka kasi mahuli kaming nag uusap.

Gusto kong pumunta sa party ni Miggy, ngunit iniisip ko si Mama.

Si Miguel Sebastian Arevalo ang lalaking matagal ko ng gusto. Hindi ko na matandaan kung kailan ito nag umpisa. Basta ang alam ko lang, noong unang beses ko syang nakita noong first year high school kami ay nagustuhan ko na sya.

I thought it was just a phase. Iniisip ko na kaya ako nagka gusto sa kanya ay dahil sa kanyang kagwapuhan. Yan kasi ang nagiging basehan pag hindi pa kilala ang taong gusto mo, ang mukha.

Pero sa paglipas ng panahon, ang nararamdaman ko para sa kanya ay naging mas malalim. Kahit na makita ko lang sya, masaya na ako. Buo na ang araw ko. Ngunit sa kabila ng lahat, alam ko na hindi nya ako magugustuhan. Isang ordinaryong babae lamang.

Kilala sya bilang playboy. Papalit-palit ng babae. Walang nagtatagal sa kanya ng higit sa isang buwan. Lahat ng naging girlfriend nya ay magaganda, sikat, mayaman. Hindi kagaya ko na sakto lang ang lahat sa buhay.

Hindi ko nga lubos maisip kung bakit inimbitahan kami ngayon sa birthday nya. Sa mga nakaraang taon naman kasi, hindi kami invited ni Mia.

Masaya ako dahil napansin na nya ang presensya ko. Pagkakataon ko na ito para mabati sya, at maibigay ko sa kanya ang regalo ko ng personal. Taon taon kasi ay hindi ako pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng regalo tuwing birthday nya.

Kaso lamang, pinipigilan ako ng sarili ko na pumunta sa birthday nya dahil kay Mama. Dalawa na lang kami. Masakit mang isipin, pero anak ako ni Mama sa pagka dalaga. Alam ko ang mga dahilan nya kung bakit nagiging mahigpit sya sa akin. Ayaw nyang matulad ako sa kanya.

Pag uwi ko, ang birthday pa rin ni Miggy ang nasa isip ko.

Miggy...

"Ma.." lumunok ako, tumabi kay Mama habang abala sya sa panonood ng kanyang paboritong teleserye.

"Hmm?" Baling nya sa akin.

Muli akong lumunok para bawasan ang kaba sa aking dibdib. "Mamayang gabi po... birthday kasi ng kaklase ko. Inimbitahan nya kami. P-pwede po bang..." yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Pwede po bang pumunta?"

Mahabang katahimikan muna ang binigay ni Mama sa akin bago nya sagutin ang aking tanong. "Aaliyah, malaki ang tiwala ko sayo, anak. Alam ko, nahihirapan ka na sa pagiging mahigpit ko. Kaya ngayon, hindi mo na kailangan pa ng permiso ko sa kahit na ano mang gwain mo o saan ka man pumunta."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Hinarap ko sya, nakangiti sya sa akin at hinila ako para yakapin. Napangiti ako. "Salamat, Ma. Hindi ko po sisirain ang tiwala na ibinigay nyo.." buong puso kong sabi. Sa sobrang saya ko ay yun na lamang ang nailabas ng aking bibig.

Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon. Tinawagan ko agad si Mia. Gulat na gulat sya dahil sa pagpayag ni Mama sa pagsama ko sa party.

Sweetest Downfall (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon