(CHAPTER 38)

1.1K 46 0
                                    

— CHAPTER 38 —

» HAILEY'S POV «

Pagkatapos ng klase ay dumiretso muna ako sa parlor upang i-check ang mga parlorista ko pati na din ang shop ko.

Mag a-alas otso na ng gabi kaya naman nagsasara na kami at pagkatapos namin ayusin at isara ang lahat ay umalis na ako.

Papunta na sana ako ng parking lot ng makita ko naman si Caden na naka sandal sa kotse niya at mukhang hinihintay ako.

“Hi, good evening.” Bati naman nito sa akin.

“Anong ginagawa mo dito, Caden? Baka may makakita sa’yo, wala ka man lang suot na hood and cap pati na din mask.” nag aalang sabi ko naman.

Delikado na baka may makakita pa sa amin at paniguradong malaking issue ang kahaharapin ni Caden lalo na at sikat ang couple nila ni Czarina ngayon sa buong Asia.

“Gusto lang sana kita yayain mag dinner date sa labas.” naka ngiting saad naman niya.

“Pero baka may makakita sa atin dalawa, at maissue ka pa.” nag aalalang sabi ko pa.

“Don’t worry.. pina reserve ko yung restaurant for us.” naka ngiti saad pa niya.

“Ay wow lakas mo naman at talagang pinasara mo pa yung restaurant para sa atin ah.” natatawa sabi ko sa kanya.

“Syempre, ikaw yung babaeng pinaka special para sa akin.” aniya pa.

Masyado naman akong pinapa kilig ng lalaking ito.

Sa kotse na niya ako sumakay at pagkatapos ay pumunta na kami sa restaurant na pina reserve niya para sa amin dalawa.

Sa kalagitnaan ng pagkakain namin ay may nag patugtog naman ng sweet songs ang restaurant, at agad na tumayo si Caden at inilahad sa akin ang kamay niya.

“Can l dance the most beautiful girl in front of me?” he asked while smilling at me.

“Uhmmm.. s-sure.” kinakabahang saad ko naman at pinaunlakan ang alok niya.

Hindi ko malaman pero kinikilig ako habang kasama ko siyang sumasayaw ngayon.

Sobrang na appreciate ko ang lahat ng mga ginagawa din Caden para sa akin, hindi ko pa siya boyfriend pero sobrang dami na agad niyang na gawa sa akin.

“Why are you crying, Hon?” he asked.

“Wala. Sobrang saya ko lang dahil nakilala ko ang isang katulad mo.” Hindi ko namamalayan na kusa na palang pumapatak ang mga luha ko.

“Don’t cry, Hon! Always remember that l’m always by your side, l’ll never leave you, no matter what happens. l love you Hailey Park .” He said with a serious face.

“Thank you so much for everything that you’ve done to me, Caden.” saad ko naman habang unti unting nag babagsakan ang mga luhang kanina pa umaagos sa mga pisngi ko.

“You’re always welcome, dahil deserve mo lahat yun.” naka ngiting sabi niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at isang mahigpit na yakap naman ang iginawad ko sa kanya.

Niyaya naman niya akong pumunta sa itaas ng building ng restaurant. (rooftop)

Pagkarating namin sa rooftop ay nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

“Anong gagawin natin dito?” nagtatakang tanong ko naman.

“Look at the moon right now Hon, it’s so beautiful as you are.” Sabay turo naman ni Caden sa buwan.

Tiningnan ko naman ang buwan at bilog na bilog ito at sobrang laki.

“Hahahaha ikaw talaga bolero ka.” tumatawang saad ko naman.

𝑴𝑨𝑵𝑰𝑳𝑨 𝑩𝑶𝒀 𝑴𝑬𝑬𝑻 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 1) Where stories live. Discover now