“Fifty million cash.. at kapag hindi niyo na ibigay agad ang gusto ko.. BOOMMMMM! Magpaalam na kayo sa pinaka mamahal ninyong Probinsyana BWAHAHAHAHAHAHAHAHA.” dagdag pa niya.

“Pero masyadong malaki ang hinihingi mo, hindi ako agad makakalabas ng pera sa bangko lalo na kung ganyan kalaki.” saad ko naman.

“Sige. Madali naman ako kausap ehh.. kaya simulan niyo na magpa alam sa babaeng ito.” At ipinarinig naman niya sa akin ang boses ni Czarina.

“ARGGGGGHHHHHHHHH! HAY*P KA EUNICE NAPAKA SAMA MO, DAPAT KANG MAPUNTA SA IMPYERNO.. HAY*P KA!” sigaw naman ni Czarina sa kabilang linya.

“Oh ano Kian, mamili ka.. buhay ng pinaka mamahal mo o ang pera na hinihingi ko?” diretsahan tanong niya sa akin.

“Sige ibibigay ko ang hinihingi mo basta huwag mo lang sasaktan si Czarina.” seryoso sabi ko.

“Hahahaha madali ka naman pala kausap eh, kung sabagay nandyan naman nga pala sila Kendrick at Caden na handang tumulong para sa Probinsyanang ito hahahaha.” Nang aasar na sabi pa niya na lalong ikina-init ng ulo ko.

“Manahimik ka! Eto ang tatandaan mo, sa oras na saktan mo si Czarina pag sisisihan mong nabuhay ka pa dito sa mundo.” galit na sagot ko sa kanya.

“Okay, sige.. basta ibigay mo ng buo ang kailangan ko para hindi masaktan ang pinaka mamahal mo hahaha. Magkita na lang tayo mamayang 8:00pm sa *********.” dagdag pa niya.

At agad na pinatayan naman niya ako ng tawag.

Pagkababa ko ng cellphone ay agad na inusisa naman nila ako.

“Anong sabi ng dem*nyetang Eunice na yan?” galit na tanong ni Hailey sa akin.

“Anong gagawin natin? huhuhu.” umiiyak pa din na sambit ni Venice.

“Fifty million cash ang hinihingi niya sa akin at hindi ako makaka labas agad ng ganon kalaking pera sa bangko.” saad ko naman.

“Tutulong ako.” presenta naman ni Caden.

“Ako din.” saad naman ni Kendrick.

“And also me.” naka ngiti sambit ni Hailey.

“Halaaa! Paano ako makaka tulong? Wala akong pera ganyan eh.” malungkot na saad naman ni Venice.

“Don’t worry Venice.. dahil kami ng bahala sa lahat.” pag papagaan naman ng loob ni Kendrick sa kanya.

“Salamat sa inyo.” saad ko naman.

“You’re welcome! Basta tulong tulong tayong lahat para mailigtas natin ng buhay si Czarina sa dem*nyetang Eunice na yun. Hmmp!” ani Hailey.

“Bwisit talaga ang babaeng yun eh. Kahit kailan mukhang pera talaga.” galit na saad naman ni Kendrick.

“Tama ka dyan, Dude. Mukhang pera talaga si Eunice dahil isa din ako sa mga na biktima niya dati.” pag amin naman ni Caden.

“Manloloko at manggagamit din ang impaktang babaeng yun.” gatol pa ni Hailey.

“Pero paano tayo makaka labas ng ganon kalaking pera?” tanong ko naman sa kanila.

“Ako ang bahala.” saad naman ni Caden.

Buti na lamang ay nandyan sila para tulungan akong mabawi si Czarina.


» CADEN'S POV «

— LUMANG BODEGA —

Pinag planuhan na namin ang lahat bago pa kami pumunta sa lugar na sinasabi ni Eunice.

Napagka sunduan namin na si Kian na muna ang magpakita sa kanila at kausapin si Eunice.

Nakatago lamang kaming apat sa isang madilim na sulok habang pinakikinggan ang mga pinag uusapan nila.

𝑴𝑨𝑵𝑰𝑳𝑨 𝑩𝑶𝒀 𝑴𝑬𝑬𝑻 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 1) Where stories live. Discover now