I was just about to say thank you for befriending me.

She's weird. Nakipag-friends tapos biglang umalis?

Tinapos ko na yung pagkain ko at saka tumayo. Nagmasid pa ako sa paligid ng canteen at baka makita ko si Ryan na kumakain. Alam kong pupunta 'yon dito, laging gutom 'yon eh.

Pero kahit na tinalasan ko pa yung mata ko, wala akong nakita. Hindi naman kasing laki ng isang barangay itong school kaya bakit hindi ko siya makita?

Nagsimula na lang akong maglakad pabalik sa room. Wala pang ilang minuto, nakakita na naman ako nang ikakasira ng araw ko. Joke.

I saw Kian talking with two girls. Mukhang sobrang interested siya sa usapan at nagagawa pang tumango-tango.

Wow, he can't even reply to me asking him for the assignment but when these two girls are talking to him, he's suddenly interested?

Playboy alert. Tsk.

Noong umalis na yung dalawang babae, ako naman yung lumapit sa kanya. Naglalakad siya kaya humahabol lang ako.

Aba, anong ilalagay ko sa essay kung wala akong information na makuha kahit na hobbies man lang?

"Hoy Kian!" I called him aggresively.

Hindi siya natinag. Parang walang narinig kahit medyo malakas naman yung pagtawag ko.

"Hoy Kian!" inulit ko, mas malakas sa nauna.

Gano'n pa rin. Walang epekto.

"Hoy Jefferson!" malakas na talagang pagtawag ko. Maingay naman sa hallway kaya hindi ako agaw atensyon.

Huminto siya kaya huminto rin ako. Second name lang naman pala dapat itawag, nagpakahirap pa ako. Medyo malayo siya sa'kin dahil gusto ko may distansya at baka kung anong gawin nito.

"Pahingi naman infos, para doon sa assignment." sabi ko agad.

"No. Leave me alone." he said and started walking again.

"Anong no?!? Para yon sa essay baliw!" sagot ko habang hinahabol pa rin siya sa paglalakad.

Huminto siya ulit. "So now I'm the one who's crazy? How about you asking about someone else's informations?" sinabi niya yon nang hindi tumitingin sa gawi ko.

Luh. Baliw nga talaga.

"Eh anong ilalagay ko sa assignment ko?!" galit kong tanong.

"Not my problem anymore." he said and he went to the right side of the hallway, na for sure papunta sa library. 

Aba'y siraulo talaga siya! Alam niyang may assignment tapos ayaw makipag-cooperate? Well, bahala siya hindi ko rin ibibigay infos ko!

Nakakainis!

Galit akong bumalik sa room papunta sa upuan ko.

"Sarap itapon nitong bag niya na 'to oh! sabi ko sa sarili ko noong nakita ko yung bag niya sa katabi ng upuan ko.

"Anong itatapon? tulungan kita." biglang sabi ng kung sino sa likod ko.

"Ay gagi!" napatalon pa ako sa gulat!

Natawa pa siya nang malakas dahil nagulat ako. Isang minuto rin yata siyang tuwang-tuwa sa akin?

"Adi ikaw pala." sabi ko saka umupo sa upuan ko, tumabi naman siya sa'kin.

"Jaycee bakit parang galit ka yata? Hindi mo nga napansin na lumapit ako sa'yo." tanong ni Adi.

"You can just call me Jay." sagot ko na hindi tugma sa tanong niya.

Hindi kasi ako sanay at ayokong tinatawag akong Jaycee. Wala lang, ayoko lang.

"Oh, I'm sorry." sagot niya.

"Hindi okay lang, hindi lang ako sanay." sabi ko with a big wide smile for assurance na okay lang talaga.

"I will only call you Jay if you tell me what's wrong." sabi niya sabay ginantihan yung malaking smile ko.

Luh. May kondisyon pa?

"Someone is just pissing me off. Isang baliw." sabi ko.

"Ehem." sabay pa kaming napatingin nung may tumikhim sa gilid.

Ayan oh, ayan yung bwisit.

"Hi Kian!" bati ni Adi sabay tayo, obvious naman na uupo na 'tong Kian na 'to.

"Hi." simpleng sagot niya pagkatapos umupo sa tabi ko.

Bumalik na yung tingin ko sa harap at nanahimik na ulit ako. Nandito na naman yung asungot.

Papalit-palit yung tingin ni Adi saming dalawa ni Kian. Parehas kasi kaming tahimik na parang may dumaang anghel.

"Ah sige, talk to you later Jay, bye Kian!" sabi niya sabay alis at balik sa unahan kung saan siya nakaupo.

Pagkatapos no'n ay naging tahimik na ulit dahil dumating na yung next teacher. Nakinig na lang ako nang maayos at hindi na kumibo.

Wala rin namang ginawang kakaiba 'tong katabi ko kaya hindi ko na lang siya pinansin, gano'n din naman siya sa'kin.

Sobrang tahimik lang tuloy banda sa'min. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong siya nung katabi niya. Nakinig talaga ako nang maayos para ma-gets ko lahat nang gagawin. Ayoko magtanong sa kanya.

Lumipas naman nang mabilis yung oras kaya nag-uwian na.

Hindi na ko naghintay ng kung ano pa, lumabas agad ako. Hindi ko naman napansin si Adi kaya tumuloy na lang ako sa paglabas.

Hanggang sa paglalakad ko sa hallway at school grounds eh panay ang linga ko sa buong paligid ko. Uwian na lang kasi hindi ko pa nakikita si Ryan.

Wala tuloy akong mapagkwentuhan! Tss.

Marami na ring lumalabas kaya sumuko na ko sa paghahanap. Icha-chat ko na lang siya mamaya pag-uwi para bukas alam ko na kung nasaan siya.

Naglalakad ako nung makita ko ulit si Kian sa parking, binuksan niya yung pinto ng kotse saka sumakay.

Dito kasi, madadaanan mo muna yung parking bago ka makarating sa gate.

Wow. Yaman ni asungot, naka-sasakyan.

Hindi ako sigurado kung mamahalin o hindi yung kotse niya. Wala naman akong alam sa mga sasakyan, yung kulay lang ang napapansin ko at yung sa kanya ay itim pero dahil sa itsura no'n, halatang mahal.

Pumara na ako ng jeep pauwi. Hindi ko alam kung napagod ba ako o nainis lang buong araw.

Invisible String [BxB]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant