But when I finally saw this other side of him, my perspective to him changed also though there is still part of me that hates a bit of his personality. Nanaig pa rin naman iyong kung anong totoong turing ko sa kanya.

Nagising na lang ako nang madinig ang kaunting ingay. So, when I finally opened my eyes, I saw him preparing the foods on the table. Pansin ko pang dinadahan-dahan niya iyong kanyang kilos pero nadinig ko naman.

I stood up and then went inside the bathroom to wash my mouth. Pagbalik ko ay doon ko lang natignan ng maayos iyong kanyang mga dinala.

He ordered chopsuey, chicken and some shrimps. He has also some iced teas for our drinks. May rice din iyon saka iyong mesa ay nakapwesto malapit sa kama namin.

Napatingin siya sa akin habang inaayos iyong plato para sa amin.

"Nagising ba kita? Sorry. Alam ko kasing gutom ka na kaya bumili na ako ng pagkain," saad niya. I sat in front of him and then he served me with the right amount of food.

"Hindi naman. Sakto nga, eh. Gutom na ako." And I started eating. Ganoon din ang ginawa niya.

I don't know what he did the entire hours. Siguro ay nagtanong-tanong lang din sa mga residenteng narito tungkol sa lugar.

The ambiance inside the room is good. Mula sa pwesto namin ay natatanaw kung gaano ka-kalmado ang dagat hanggang ngayon. Wala pa ring ibang mga turista at mukhang kami lang talaga ang narito.

"What time do you want to swim?" he asked me. Masyado naman yata siyang seryoso ngayon.

"Kapag dumilim na. We can drink beneath the sea if you want. Kaunting shots, ganoon lang tapos maglunuran tayong dalawa," biro ko sa kanya pero napailing lang siya. "Why you look tensed? Hindi ka na masyadong nagbibiro, ah?"

It's true. Nanibago lang ako sa kanya kasi syempre, mukhang wala naman sa kanya ang ganitong ugali. Medyo hindi lang ako sanay.

"Nope. I just felt awkward because this is the first night that we'll be together. As in a single place and room."

Nahinto ako sa pagnguya.

"Bakit? Ano namang problema? Lakas kaya ng tama mo sa akin."

He scratched the back of his head shyly. Naroon na naman ang pagbabadya ng pamumula ng kanyang tainga.

"Baka kasi mahalikan kita ng wala sa oras tapos hindi ko makontrol sarili ko. Damn this mind of mine. Let's just eat. I don't wanna talk-"

I silenced him. Napainom ako sa iced tea bago tinutok ang tingin sa kanya.

"What? You're scared? Grabe ka naman, Jake. Akala ko ba gusto mong magkapamilya?" I teased him.

"Oo naman. Tapos ikaw asawa ko pero huwag na muna ngayon. We're still young."

"You can use condom. Hindi ka marunong gumamit?" Natawa ako sa tinuran. Naging mapula na ang kanyang tainga ngayon, hindi sanay sa pinag-uusapan namin.

Napahilamos siya sa mukha saka hindi na kinakayang marinig mula sa akin ang mga katagang iyon.

God. How innocent is he? O kung inosente nga ba talaga?

"Stop talking about that. Hindi ako sanay."

"Sa alin? Sa pag-uusap tungkol dito o sa paggamit ng condom?" napangisi ako sa kanya. He shook his head and then stood up slowly and went to his bed. Uminom muna ako ng tubig bago ito sinundan. Napainom na rin ito ng tubig habang hindi nawawala iyong pamumula sa kanyang tainga.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora