Prologue

23 10 1
                                    

...

"Uuwi ka na talaga bes?" Malungkot na tanong ni Nix.

"Yep." Tipid kong sagot habang inaayos ang aking gitara at mga damit.

"Sayang naman ria, sikat na sikat kana. Sobrang paghihirap din ginugol mo maabot lang ito. Tapos ngayon iwan mo lang. " Si Raine na taimtim na nagmamasid sa akin.

Sa apat na taon ko ba namang pinaghirapan ito....sinong hindi sisikat?

Ang mang iwan...ang talikuran at kalimutan ang lahat para rito...sinong hindi sisikat?

" Pero sige na nga lang. Choice mo yan eh. Basta Ria kung magbago isip mo, balik ka ha? Welcome ka palagi sa amin . " Patuloy ni Raine at ngayon ay umiyak na.

Hinarap ako ni Nix at hinawakan ang aking siko. "Hindi ka na ba talaga mapigilan Ria? Diba masaya ka naman dito?"

Akala ko nga.

Kaso hindi pala. I was busy praising my beauty. Never knew that my beauty will only last if I have him.

Like a Moon cactus...kahit gaano ka ganda mamamatay pa rin kung walang rootstock.

I was busy chasing my dream. Never knew that my dream is him.

" Ang drama ng dalawang ito oh. Naku! Aalis lang naman ako sa banda at hindi mamamatay." Pagpapagaan ko ng loob sa kanila. Masyadong OA naman kasi may pahagulhol pa.

Ito ang eksenang pinaka ayaw ko. Ang aalis at iniiyakan. Dahil nagpapaalala sa aking katangahan.

Hindi ko sila masisisi. Apat na taon ba naman kaming nagsasama at saksi sa lahat ng kasiyahan at kalungkutan sa bawat isa. Maging sa hirap ng landas na aming tinahak at ang pagtamo sa kasikatang ito. Sinong hindi iiyak?

Sa lungkot at paghihinayang na nakikita ko sa mga mata ng dalawa... Naaalala ko siya.

Ang taong limang taon akong minahal. Naalala ko pa kung paano siya umiyak at nagmamakaawa sa akin. Kung paano lumuhod at humagulhol. Kung paanong...

Nadurog.

Kasi nga dito ako magaling...ang mang iwan.

Kaya babalik ako. Gagawin ko ang lahat...babalik lang siya sa akin.

" Ria, ibigay mo 'to kay ante Tessie ha, sabihin mo galing sa akin." Si Raine sabay abot sa akin sa pasalubong niya para kay mama.

"Ito naman sa'kin bes... wrap with love iyan ha, sabihin mo kay Alexander bilisan niyang lumaki para aasawahin ko na siya. " Natatawang sabi ni Nix.

Natawa ako sa kalokohan ni Nix. " Asawin mo lang lahat Nix, wag lang ang kapatid ko. " Pambabara ko sa kanya. Napasimangot siya agad.

" Damot nitong si ria! Pag malaman ko lang na may itinatago ka palang gwapo doon, aagawin ko talagang babae ka!" Nix said and dramatically flipped her purple hair.

Tinawanan ko lang siya at inayos ang shoulder bag at gitara sa aking balikat. Ngayon ang alis ko pauwing Pilipinas. Private plane ng kompanya ang maghatid sa akin kaya ok lang na hindi balot ang mukha. Hindi naman gaanong sikat ang aming banda dito sa America pero may pagkakataon na  dinudumog kami ng mga fans kapag mapunta sa public places. Walang problema sa akin doon sa Pilipinas kasi hindi kami masyadong known doon. Mabuti na rin yun para mamuhay akong mapayapa.

" Bes, facetime tayo palagi ha. Ingat ka doon. Yung beauty natin ha, wag pabayaan. Send my regards to Alexander bayaw." Si Nix na humalakhak pero naluluha na.

"Ria, yung sabi ko ha? Welcome na welcome ka sa banda pag bumalik ka. " Si Raine na nakayakap na sa akin.

" Bye Nix..bye Raine. Salamat sa lahat lahat at ingat din kayo ha. " Paalam ko sa kanila at mabilis na tumalikod. Naiiyak ako at ayaw kong umiyak sa harapan nila.

October 29,2012 I left him for my dream. Now October 29, 2016 I'll leave my dream to chase him.

Afterall he's my dream.

" Naku maam, I'm sorry but our boss is very strict when it comes to visitors. You need to have an appointment first maam. " Blade's secretary apologetically said said.

"Ganun ba? Uh, pwede pakisabing si Luna Hernandez ako. Please kailangan ko lang talaga siyang makausap. Magkakila-" Naputol ang dapat kong sabihin nang bumukas ang pinto sa opisina ni Blade.

God! He changed a lot. His presense, his aura, his atmosphere and even his features ...screams authority, rough and dark.

The way he darted his eyes at me howls coldness and unfamiliarity. Natatakot ako pero aaminin kong para siyang ibang tao. He's not... he's not my Zacharias Blade Herrero anymore.

" Sir, si Luna daw po. Ma-"

" Yes Ms. Hernadez? " He coldly said. Walang emosyon ang mga mata.

Pangungulila at kirot ng puso ang nararamdaman ko ngayon. Walang lumabas na salita sa aking bibig habang nakatingala sa kanya. Namamangha at gustong abutin pero ang layo.

" I have meetings Ms. Hernandez, if you have nothing more to say, I'll excuse myself. " He added.

Bigla nagising ang aking diwa. Nangangako akong gagawin ko ang lahat kaya kakayanin ko ito.

" U-uh..A-aano, nakita ko kasi Bla-..s-sir na naghiring kayo ng secretary at ano mag aapply sana ako." Nauutal kong sabi sa kanya.

Nilalaro ko aking mga daliri. Napatingin siya doon at umigting ang panga pero nang ibalik ang tingin sa akin ay halos malugmok ako sa sobrang intensidad. Ang lamig.

" I'm sorry Ms. Hernandez, but my company only needs a college graduate secretary and not an undergraduate musician. " He said straightly.

Para akong sinampal . Sobrang sakit. Parang pinunit ang aking puso. Gusto ng bumuhos ang aking mga luha pero pinigilan ko.... wala akong karapatang umiyak.

Ngumiti ako sa kanya. " Ah ganuon ba? Janitress nalang po o 'di kayay crew sa food sections ok lang po... uh Sir."

He sarcastically laugh. Nanliliit ako sa paraan ng kanyang tawa.

" My company were not hiring any of that Ms. Hernandez, besides the secretary position..
I already hired one. So try your luck in other company. " He said coldly at bumaling sa kanyang secretary. "...And Hazel, book a dinner in La Zula at 6 pm."

Nilampasan niya ako malaki ang hakbang palayo. Hindi ba sinabi kong hindi ako susuko?

"Blade! " Sigaw ko sa kanya at matulin na tumakbo papalapit. " Blade! Sandali lang! "

Nakahinga ako ng maluwag ng huminto siya. Malamig akong tiningnan. Ang layo...Hindi ko maabot ....Hindi ko mabasa.

"What? " Kaswal niyang tanong.

Naiiyak na ako pero iniisip kong wala akong karapatang umiyak at isa pa iiyak lang ako kapag kaya ko nang sumuko.

"Huwag naman ganyan oh... Alam kong may kasa-"

"Look Ms. Hernandez, if you meant about the past, forget it. It doesn't matter at all. I'm good and we're good, so please stop. Ok? I am a busy man and I am only interested in business." He said blankly.

Walang susuko Luna hindi ba? Gawin mo ang lahat hindi ba? Kaya sige maging matapang ka.

" I -Im sorry. Blade I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Tuluyan nang bumuhos ang aking luha. Hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil sa patuloy na pag-agos.

" Alright. I have to go Ms. Hernandez." Yumuko siya at tumalikod.

Umiiyak lang ako pero hindi ako susuko.

" Blade, parang awa mo na patawarin mo ako oh.. Mahal na mahal pa rin kita. Mahal na mahal Blade."

Malayo na siya pero alam kong narinig niya iyon dahil nakita ko ang bahagya niyang pagtigil. Nakatikom ang kamao.

Nakatalikod siya at hindi pa rin gumalaw kaya mabilis kong tinakbo ang distansya naming dalawa. Akmang hahawakan ko na siya ng bigla siyang nagsalita.

"Forget that Ms. Hernandez, I don't love you anymore."

Nadurog ako.

-NOMSS14

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thorn Series 2: Stabbed [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon