Chapter 4: Carpool

8 0 0
                                    

Nina got picked up by her driver shortly after our breakfast/lunch.

"So, see you next weekend," paglalambing ni Nina kay Nyco.

Nagtinginan ang buong barkada, si Cip at Rambo napakamot na lang sa ulo, si Paul napahaplos sa leeg at kaming mga girls puro napa-irap.

Hindi sumagot si Nyco, he just gave Nina his signature smile and said good bye to her.

Ems walked forward to Nyco as he closed the door and gave him a big ol' smack in the head.

"Gago, will you never learn?!"

"Aray, ang OA," pagrereklamo ni Nyco.

Sumingit naman si Karen, "Hay nako, ikaw Manuel Cole de Roxas tumigil ka nga. Suko na ang buong barkada sa inyo ni Nina. Pagod na kami, sana mapagod ka rin."

"Bro, she ain't it. Hanap ka na ng iba. 'wag na kayong maglokohan ni Nina," dagdag ni Rammy.

Tumingin si Nyco kay Cip at Paul na parang humihingi ng saklolo.

"Bro, I agree," sambit ni Cip.

Si Paul naman tumatango lang.

Hindi na ang-expect ng pagkampi sa akin si Nyco dahil alam naman niya ang panig ko.

"Guys, uwi na tayo... may binyagan pa tayong pupuntahan bukas. 9am alis natin sa Makati... kailangan ko yata ng 20 hours para makarecover," pagiiba ko ng topic.

Nagayos na ang barkada para umuwi. Carpool si Ems, Rambo at Karen since magkakalapit sila ng bahay at sa kabilang carpool naman ay ako si Nyco at Cip.

"So, Ate... you and Tristan," nakangising tanong ni Cip sa sasakyan habang nagmamaneho.

"Hehe," kinikilig kong sagot.

"Anong meron," dagdag niya.

"Ahhhh... ehhh... crush na daw niya ako matagal na," sagot ko.

"Wehhhh," di makapaniwalang reaksyon ni Cip.

"Ay, wow?! Bakit, ganon kahirap paniwalan," kunwaring offended ko na sagot.

"Di naman, Ate Gel... so... what's the story," paguusisa niya.

 "Hmmm, next time na lang! Pag buong barkada na para isang kwentuhan na lang."

"It's okay, I don't mind hearing the story twice," singit ni Nyco.

"Same... para lang yang Avengers: End Game, you can watch it over and over again," pag-agree ni Cip.

"Eh... yun nga, college pa lang daw crush niya na ako pero nahihiya daw sya magpakilala sa akin... which I thought was a load of bullshit because he's freaking Tristan Young!"

"And you're Angelika Rodriguez!!!"

"Oh, eh ano naman? Parang nobody naman ako."

"Are you serious, Ate," tanong ni Cip na tumalikod pa to look at me nang tumigil kami sa stop light.

"Sobrang dami kayang may crush sa'yo nung college," pagpapatuloy ni Cip.

"Weh," sagot kong di naniniwala.

"Swear," sagot nya.

"Diba Nyco, crush mo si Ate Gel noon," pagbibiro ni Cip.

"Ha, hoy, wag mo ako isali dyan, crush mo rin si Ate Gel noon, crush nating lahat si Ate Gel," pagbubuking ni Nyco.

"Talaga ba? Awwww, cute naman ng boys ko... Sabi na eh, may hidden agenda kayong lahat sa akin," pagbibiro ko.

Sa totoo lang, alam ko naman na yung mga lower batch nagkacrush sa akin nung org president ako. Normal lang naman na magka-crush sa org president mo pag freshman ka! Ako rin eh, crush ko rin si Ate Marian nung freshman ako. Walang malisya naman sa'kin 'yun so kebs lang.

"Kadiri ka, Ate," nandidiring sagot ni Nyco.

Natawa na lang ako.

"So, are you seeing each other na ulit, Ate," tanong ni Cip.

"Sa Tuesday."

"Tuesday daw."

Sabay naming sagot ni Nyco.

Bakit niya alam? Akala ko ba wala siyang naaalala mula sa kagabi?

"Uyyyy, so pano na 'yan, Ate? Pag naging girlfriend ka ni Tristan... Kuya Tristan na ba siya," pagloloko ni Cip.

"Oo, show respect to your Kuya... simulan niyo na ngayon," pabiro kong sagot.

"Mukhang he's a good guy naman," sabi ni Cip.

"Sobrang mukhang player kaya," singit ni Nyco.

"Wow, nagsalita ang hindi player," biro ko, "Bastketball player lang naman siya, ikaw naman."

Nakatulog si Nyco at sinamahan kong gising si Cip habang nagmamaneho siya.

"Ate, alam mo feeling ko mahihirapan yang si Nyco pag nagka-boyfriend ka."

"Bakit naman? Di na siya ang number one guy sa buhay ko," natatawa kong sagot.

"Oo," seryosong sagot ni Cip, "alam naman naming lahat na pinaka-close ka kay Nyco... hindi yata 'yan sanay na shineshare ka sa iba. Kahit sa amin nina Paul, ramdam namin nagseselos yan pag may one-on-one dates tayo kahit di sya nagsasabi, or basta pag di siya kasama."

"Hay nako, makaka-adjust rin yan. Masyado ko yatang na-spoil throughout the years," sagot ko.

Nakarating rin kami sa QC, sa wakas... kept awake by all out biritan sa kotse, at as usual tulog mantika si Nyco at nagising lang nung nakarating na kami sa tapat ng building namin.

Pagkauwi, natulog lang ulit ako.

Nung gabi, dumating si Nyco kasi wala na daw pala siyang pagkain sa ref niya kasi di pa siya nakakapag-grocery. Typical. Hay nako, batang 'to talaga.

"Check mo yung fridge, nagpadala si Mama ng kare-kare. Initin mo na lahat, gutom rin ako. Sa kalan ha," pagpapaalala ko.

"I know, Ate Gel. Never the microwave for you, ewan ko ba bakit may microwave ka pa."

"Para sa..."

"Hot compress mo pag meron ka," pagtapos ni Nyco sa sasabihin ko.

"Alam mo naman pala eh!"

Habang iniinit ni Nyco yung pagkain namin inayos ko na yung living room para manood kami ng The Last Empress - yung current KDrama na pinapanood namin.

Usual arrangement na namin 'to na kapag kakain kami lagi kaming may pinapanood sa TV.

Sa unit ko, sa sahig kami nakaupo, may table tray type things kami na tig-isa at dun nakalagay plato namin, tapos nakasandal kami sa couch. Inaalis ko lang yung coffee table at inilalalgay sa tabi para may enough space kami to situate ourselves on the floor.

Kapag naman sa unit niya, dun kami sa kama niya nakaupo tapos nakasandal sa pader. Bumili pa ako ng picnic mat specifically for that para ilatag sa ibabaw ng kama niya para kahit may mahulog na pagkain hindi naman siya lalanggamin sa pagtulog niya.

Ininit niya na rin yung kanin ko sa ref. Habang iniinit ang lahat, kumuha na sya ng mga plato, kubyertos at baso at nilagay sa table trays namin.

We really are like a well oiled machine, sanay na sanay na sa kailangang gawin.

"WHAT THE FUCK?!?!?!" Sabay naming sigaw nang malaman namin kung sino ang nagplano ng downfall ng isa sa mga character sa The Last Empress (siyempre di ko kayo isospoil, wag kayo magalala).

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Late BloomerWhere stories live. Discover now