Chapter 1: The Party That Started It All

20 3 0
                                    


Hello! Ako si Gel, ang "Ate-Ng-Bayan". Nabansagan na ako ng tile na yan since college days pa lang, at enjoy na enjoy naman ako na makita ang growth ng younger generation! Wow, akala mo naman sobrang tanda ko na?!

I've been friends with a barkada of younger kids for seven years and I'm at least three years older than all of them. Nakilala ko sila noong 16-18 pa lang sila at 21 naman ako. Freshman sila noon, at senior naman ako kaya automatic na Ate Gel ang tawag ng batch nila sa akin.

Back to present day... 28 years old na ako at sila naman ay 23-25 na... the age difference doesn't seem THAT big anymore, pero Ate-figure pa rin ako (minsan Nanay-figure, minsan Tita-figure).

Lagi akong tinatanong ng mga tao kung bakit wala pa daw akong jowa, at ang sagot ko ay busy na ako sa current commitments ko - work, family, friends... at sobrang walang oras na talaga ako sa kahit ano pang tipo ng relationship! Pero ang totoo, feel ko kasi di naman ako gustuhin? Biruin niyo, since 17 years old di na ako nagkajowa! Habang yung mga blockmates and friends ko from college noon ang dami nang pinagdaanang mga relasyon, yung iba may asawa at (mga) anak na!

Madalas kong kasama pa rin hanggang ngayon yung barkada na younger than me. Kahit matagal na kaming graduate nasustain yung friendship kasi kapitbahay ko ang isa sa kanila, si Nyco, kaya kahit nung graduate na ako kapag pumupunta sila sa unit ni Nyco (na nasa tapat lang ng university), palagi rin silang nag-e-end up sa unit ko pagkakauwi ko galing sa trabaho.

This weekend dalawang beses kaming may lakad: Friday night hangout/drinks at sa Sunday may binyag yung anak ng isa naming ka-org mate nung college.

Napag-desisyunan ng barkada na sa bahay na lang ni Paul, mag-hang out at inuman para makatipid/makapaglaro ng mga drinking games. Anim sila sa barkada, seven including me. Four boys and three girls kami. Si Nyco, si Paul, si Rambo, si Cip, si Karen, si Ems at ako.

Lahat sila tinatawag akong Ate Gel, at talaga namang itinuturing ko silang mga nakababatang kapatid. Nung maaksidente si Rambo at Cip, ako ang unang tinawagan nila - parehong taga Davao kasi sila at walang pamilya dito sa Maynila. Nung nagbreak si Ems at 'yung ex niya ako rin ang una niyang tinawagan at iniyakan. Si Karen naman kapag may mga kinaiinisan o kinaiinitan ng ulo, sa akin nagrereklamo. Si Nyco, kapag may problema sa bahay or walang pagkain palaging sa akin pumupunta. Si Paul, kapag may tanong tungkol sa pagiging adult (aka adulting) like pagbabayad ng buwis, mga bank stuff, etc. sa akin siya nagtatanong.

Dumating kami sa bahay ni Paul. Yamanin si Paul. Let me get that out of the way. Yung unit niya ay apat na condominium units na pinag-sama-sama. Basta malaki yung unit niya! Sila lang ni Aling Miding ang nakatira doon (yaya niya since baby pa siya), pero madalas magsleepover doon ang barkada.

"Guys, Trish just texted," sambit ni Paul habang nakatingin sa phone niya.

"She's asking if I'm out... do you guys mind if we invite her and her friends over," tanong niya sa amin.

Lahat naman kami ay nag-sure lang... kahit na alam naming baka kasama si Nina, former ka-friends-with-benefits ni Nyco. Ilang taon na kasing pinopormahan ni Paul si Trish, kaya sino ba naman kami para pigilan siyang makapag-pa-pogi points diba? Nasa bahay rin kami ni Paul, so siyempre siya ang masusunod!

Sinimulan ko nang ayusin ang drinking games area at tinulungan ako ni Aling Miding.

"Uy, Gel! Ako na diyan, makipagsaya ka na sa mga kaibigan mo doon," sabi ni Aling Miding sabay pag-agaw sa isang bag ng yelo na inilabas ko na ilalagay ko sa isang cooler.

"Aling Miding naman, konti lang 'to! Ako nang bahala, share na lang tayo sa gagawin," sagot kong nakangiti.

"Hay nako, Gel. Sana ikaw na lang ang matipuhan niyang si Paul," nakangising sabi ni Aling Miding.

Late BloomerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon