CHAPTER 9

446 22 7
                                    


XIANN PoV

I'm one of Ashton's bestfriend.

Nag-init din ang dugo ko ng makita ang ginawa ng mga babaeng 'yun kay Khiara, and Shainna asked them to do it! Nakita ko ang paglapit ni Ashton kay Khiara para tulungan ito.

After that incident, inuwi na namin si Khiara. Ni hindi na kami nagpaalam sa adviser namin, buong Class-10 ang nagtahid kay Khiara. Takot lang nila kay Ashton.

Isa ako tatlong bestfriend ni Ashton kaya may lakas ako ng loob na asarin siya, pikunin siya at makipag-biruan sa kaniya. Pero ang iba? Wala--takot lang nilang makatikim ng bagsik ng isang Davidson. Hahaha!

Dumaan kami nina Ace at Blaze sa convenience store dahil mag ce-celebrate daw kami sa bahay nina Khiara. Pero nag desisyon din si Ashton kanina na mag-ce-celebrate parin daw bukas, sa bahay nila I mean.. Mansion nila.

"Pre, tawagan mo nga ang Class-10. Tulungan tayo nito, oh. Andami kaya!" naiirita ko'ng sabi ng nasa convenience store na kami. Napadami ang bili namin.

"Psh." singhal ni Ace pero kumilos din siya.

"Blaze? Kuha mo nga ako'ng chuckie! Wala ako'ng nakuha eh!" pag nguso ko pa. Inirapan naman ako ng loko.

"Ano ka, baby?" pang-aasar pa niya.

"Tss! Kuha mo na ako!"

"Ayoko! Mukha mo!"

"Blaze!"

"Say please muna hahaha!" tumatawa niya pang saad.

"Tsk. Ako na nga, nakaka-bwisit ka naman eh!" pagmamaktol ko at bumalik sa refrigerator, narinig ko pa ang pagtawa niyang nakakainis!

Malakas nga ako'ng mang-asar pero pag si Blaze na ang nang-asar, talo ako!

Pagbalik ko ay nando'n na ang iba sa Class-10, syempre.. wala si Ashton, Dashney at Ezekiel, nagpaiwan 'yon sigurado! Nabubugnot nilang mga mukha ang sumalubong sa 'kin. Halata na nainis sila dahil hindi kaagad namin sinabi sa kanila. Malay ko bang marami na nabili namin!

"Ano asan na?!"

"Kanina hindi niyo sinabing mga gunggong kayo--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Drew dahil napatingin sa kaniya si Ace.

"I-Ikaw lang pala--Xiann!" sabay bawi nito.

"Psh." singhal ko at naglakad patungong counter.

Binayaran ko ang tatlong chuckie na binili ko at ang mga kakainin namin. Pero hindi saki'ng pera 'yun! Kay Ashton, galante ang loko!

"Oh, kaniya-kaniya na kayong bitbit niyan. Lagay niyo sa mga kotse niyo." utos ko at binitbit ang tatlong chuckie na nakalagay sa paper bag.

"Ano!? Ikaw! Magdala ka rin kaya!"

Nagpahuli ako dahil tinignan ko pa talaga kung may hindi magdadala.. Nang kaming tatlo na lang nila Blaze ang natira ay saka ako umalis at dumeretso sa kotse ko.

Sumakay ako sa drivers' seat at in-on ang makina. Napatingin ako sa rear mirror na kita ang backseat ko at nanlalaki ang mga mata ko ng nakalagay do'n ang ilan sa pinamili namin.

Nang bumaba ako sa sasakyan ay huli na dahil pinaharurot na nila ang mga kotse nila! Mga siraulo!

"Hoy, bumalik kayo dito! Mga siraulo!" sigaw ko, napatingin naman sa 'kin ang guard sa convenience store.

"Malilintikan kayo sa 'kin," pabulong ko'ng asik at bumalik sa kotse.

Halos lumipad na ang sinasakyan ko sa bilis ng pagpapatakbo ko, passed 10 na kaya wala ng masyadong tao. Narating ko kaagad ang bahay ni Khiara. Para ako'ng makikipag-away sa datingan ko!

Among The BoysWhere stories live. Discover now