CHAPTER 8

465 25 5
                                    


DASHNEY PoV

I'm staring at Khiara while she's on stage. She's so beautiful tonight, she looks like a princess. Naputol lang ang pagtitig ko nang humarang sa harapan ko si Dark.

"Baka matunaw, pre!" nakangising kantyaw niya at tinapik pa ang balikat ko.

"Shut--" hindi niya na ako pinatapos, he cut me.

"Oh, oh-oh. Kanina pa kita tinitignan, halatang halata ka." umiiling-iling niyang sabi.

"I'm not." depensa ko, ngunit tumawa lang ang gunggong na 'to.

Umalis na din siya at nagtungo papuntang cafeteria. Tumayo din ako, natigil lang ng sumulpot si Ez sa harapan ko.

"Where are you going.?" tanong nito.

"Room." tipid ko'ng sagot. 

"Magsisimula na--Aalis ka?"

"I'll be back" sambit ko at iniwan siya.

Naglakad ako papuntang room. Ti-next ko si Shainna, alam kong may binabalak siya kaya pagsasabihan ko na siya bago niya pa magawa.

To: Shainna

-I'm warning you, Shainna. Don't move.-

Maya maya lang ay sumagot na siya.

From: Shainna

-What are you talking about? I don't understand you..-

Sasagot na sana ako ng may marinig ako'ng boses. Pamilyar. Sinundan ko iyon saka nagtago malapit sa kinaroroonan niyon.

"Make sure that she gonna be embarrassed, did you understand?" tinig ng babae.

"Yes--But why are you doing this!?" ani ng kasama nito, kapwa niya babae.

"Why the hell should I tell you!?"

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ng dalawang babaeng iyon. Tumakbo ako pabalik sa quadrangle at umupo sa pwestong nakalaan sa akin.

Pero hindi ako mapakali, dahil alam kong may gagawin na naman si Shainna and I have to stop her! Nag-speech na muli ang Dean pagkatapos ay nagsalita na rin ang emcee.

"Guys, may hawak kayong kapirasong papel, right?" aniya. Ang tinutukoy ay ang ipinamigay na maliliit na papel kanina lang.

"You'll gonna write the name of representative that you want to be the King and Queen of the Night." muling saad ng emcee.

Inanunsyo niya na rin na maaari ng sumayaw ang mga estudyante. Maraming lumalapit sa class-10 na babae at nagyayayang sumayaw kaya napipilitan din silang sumayaw. Ngunit ang iba ay hindi talaga mapilit nino man.

"C-Can we d-d-dance, D-Dashney?" nauutal na usal ng babaeng pumunta sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin sa kaniya at saka tumayo.

"Woah!!"

"For the first time!!"

"Go Dash!!"

"Hahaha!"

Kantyaw ng mga gunggong kong classmate. Si Kalila, Class-6. Habang naglalakad kami papunta sa gitna ay siya ding pagtayo nina Ashton at Khiara. Inilahad ni Ashton ang kamay niya kay Khiara at tinaggap niya naman iyon. Iniwas ko ang paningin ng magtama ang mga mata namin ni Ashton.

"Uh-you're not dancing, you're just standing in front of me." bumalik lang ang tingin ko kay Kalila ng mag salita ito.

"Oh." tangi kong usal.

Among The BoysWhere stories live. Discover now