PROLOGUE

8 2 0
                                    

Malakas ang simoy ng hangin at bumabadya ang malakas na bugso ng ulan dahil nangingitim ang kalangitan at nangangalit na kulog.

Hinahanap ng dalaga ang kanyang pusa sa loob ng kakahoyan at hindi iniinda ang lakas ng simoy ng hangin at kulog sa kalangitan.

"Snow! San kana ba!?" Sigaw ng dalaga habang paling linga sa paligid.

Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo dahil di niya mahagilap ang kanyang pusa.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa napadpad siya sa isang liblib na parte ng kakahoyan at naging malamig na ang simoy ng hangin.

"San na ba kase yung pusa na yun! Magdidilim na hindi pa umuuwi." Sambit ng dalaga sa sarili.

Patuloy parin ito sa paglalakad hanggang sa nahagilap niya ang kanyang pusa sa isang malaking puno na malapit sa sapa.

"Snow!? Andito ka lang pala! Anong ginagawa mo rito?" Kaagad na lumapit ang dalaga sa pusa at laking gulat nito nang may nakita siyang nakahandusay na tao sa likod ng puno na nakasuot ng puting bistida at duguan ang kamay nito.

Kaagad siyang lumapit rito at laking gulat niyang makitang malala ang natamong sugat nito at maging tagiliran niya'y puno na ng dugo.

"Ate? Ayos ka lang ba!?" Natataranta niyang turan sa taong nasa kanyang harapan.

Unti-unting binuka ng babae ang kanyang mga mata at tinulungan nya itong umupo at dahan-dahang sinandal sa puno.

"Stay here, I'll go get some help okay?" Akmang tatayo na siya nang pinigilan siya ng babae.

"You don't need to call some help, You're enough to save me!" Naguguluhan siya sa tinuran nito dahil hindi naman niya alam kung anong maitutulong nya rito.

"Sugatan ka! please let me go and i'll get some help to save you." Nag aalalang sambit niya dahil alam niyang hindi magtatagal ang buhay nito pag hindi ito naagapan agad.

"Ibang tulong ang gusto kong gawin mo para sa'kin." Sambit ng babaeng nasa kanyang harapan habang iniinda ang sugat sa kanyang tagiliran.

Nananatiling nakatingin ang babae sa kanya habang nag aalala na siya sa kalagayan nito.

"Sabihin mo ano yun? Malubha na ang sugat mo maaari kang mamatay ngayon kung hindi ka pa nadala sa hospital!" Sambit niya dahil bakas sa mukha ng babae na malapit na itong malagutan ng hininga.

"Give me your hand." Inilahad ng babae ang kanyang kamay at kahit naweweirduhan sya'y hinawakan niya ang kamay nito.

Pumikit ito at may inusal na kakaibang lengwahe at minamasdan niya lamang ang ginagawa ng babae at tanging sumasagi sa isip niya ay baliw ang babaeng nasa kanyang harapan.

Ilang saglit pa'y unti-unting lumiwanag ang kamay ng babae na siyang nagpagulat sa kaniya at nais niyang bumitaw sa kanyang pagkakahawak nito ngunit tila isang magnet ang kanyang kamay dahil di niya ito maalis.

Unti-unti niyang nararamdaman ang init sa kanyang katawan nang di niya malaman ang dahilan, Napapikit na lamang siya sa labis na liwanag sa kanilang kamay at kasabay ng paglakas ng simoy ng hangin.

-Beyond Magic

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond Magic: Peculiars FateWhere stories live. Discover now