Napabuntong hininga naman si Pirena at tila hindi pa rin kumbensido sa turan ng nakababatang kapatid, "Sana nga ay hindi ka nagkakamali. Dahil hindi ko batid ang aking magagawa sa tagalupang iyon sa oras na may mangyaring masama sa iyo," mahigpit na paghawak ni Pirena sa mga kamay ni Alena. "Kung maari ka lang namin tulungan sa paghahanap ay ginawa na namin nina Amihan at Danaya."

"Ngunit batid nating hindi maaari," pagsabat ni Alena dahil ramdam niya ang pag-aalala sa kanya ng kanyang kapatid. "Sapat na sa akin na pinagtatakpan niyo ako ngayon mula sa ating Ina. Kapag ginamit niyo ang inyong kapangyarihan upang tulungan ako ay tiyak na malalaman niya ang aking kalagayan. At ayokong madamay kayo sa aking suliranin. Hindi maaring malaman ng ating Ina dahil tiyak na magagalit ito, at hindi ko nais na mangyari iyon."

Gustuhin man ni Alena ang humingi ng tulong sa kanyang mga nakakatandang kapatid ay hindi maari. Dahil siguradong mararamdaman ng kanilang Inang Minea ang kawalan ng balanse sa kalikasan. At kapag nangyari iyon ay madadamay ang lahat kabilang ang mga inosenteng nilalang na wala namang kasalanan o kalaban-laban.

Muling napahinga ng malalim si Pirena at hinawakan ang magkabilang pisngi ng bunsong kapatid, "Ramdam kong batid mo ang iyong ginagawa ngunit gusto ko lang ipaalala sa iyo na wag na wag mong kakalimutan kung sino ka. Alena, isa kang sang'gre. Mahiwaga at makapangyarihan. At ang mga katulad natin ay mayroong iisang tungkulin na higit pa sa anumang nilalang dito sa mundo. Kaya wag na wag mo sana itong tatalikuran."

Akmang magsasalita pa sana si Alena nang may marinig silang mga hakbang mula sa loob ng mansyon. Nagkatinginan silang dalawa ni Pirena hanggang sa isuot muli ng huli ang kanyang pulang talukbong. "Avisala meiste, aking pinakamamahal na kapatid," paalam ni Pirena kay Alena at lumaho na parang apoy na bigla nalang naging abo.

Bahagyang nagitla naman si Alena nang marinig ang boses ni Vice mula sa kanyang likuran. Tinawag siya nito ngunit nanatili siyang nakatalikod, "Anong oras na. Anong ginagawa mo dito sa labas?"

Dahil dito ay unti-unti lumingon si Alena habang pilit na kinukubli ang anumang emosyong naramdaman niya kanina nang makausap ang kanyang kapatid. "Wala. Naisipan ko lamang magpahangin saglit. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

Napakunot naman ang noo ni Vice habang hawak ang isang baso ng tubig, "Sinong kausap mo kanina?" muling tanong nito sa halip na sagutin si Alena. Hindi naman agad nakapagsalita ang huli.

"Wala. Tulog naman na silang lahat, hindi ba?" hindi nais ni Alena ang magsinungaling sa kanyang kaharap ngunit hindi rin pwedeng malaman ni Vice na nakarating sa mansiyon nito si Pirena.

"Pero narinig ko na may kausap ka."

"May nakikita ka bang kasama ko?" walang emosyong giit ni Alena. "Mukhang guni-guni mo lamang iyon. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na," dagdag niya at nagsimula ng maglakad papasok sa loob upang makaiwas sa mga katanungan ni Vice.

"Sobrang hirap ba talaga akong pagkatiwalaan?" bigla namang napahinto si Alena sa naging tanong ng kanyang kasama. Kunot-noo niya itong nilingon dahilan para magtapat ang kanilang mga mata.

"Saan naman nanggaling ang tanong na iyan?"

"Kamahalan, hindi ako tanga. Alam kong hanggang ngayon, maraming ka pa ring hindi sinasabi sakin," walang emosyong sagot ni Vice dahilan para magsukatan sila ng tingin ni Alena.

"Ayan ba ang kinasasama ng iyong loob nitong mga nakaraang araw?" matapang na tanong ng sang'gre. Tila hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Vice kaya bigla siyang nakaramdam ng inis.

Napaiwas naman ng tingin si Vice. Bahagya siyang nadala ng kanyang emosyon kanina kaya hindi niya akalaing masasabi niya iyon kay Alena, at ngayon ay tila nagsisisi siya at hindi makapagsalita.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now