"At bakit? Pipigilan mo ba ko?" sabi niya.

"Hindi. Paki hanap na lang muna yung pake ko. Nawala ata." sabi ko. Tinarayan niya ko. Aba gaga to ah.

"Ang sama mo!" sabi niya.

"I know, now get out." sabi ko. naiyak si ate at umalis.

Pumunta ko sa kusina at kumain, kasabay ko kumain ang driver ko kasi sabi ni dad. Iba nga siya sa mga utusan dito e. Para siyang bisita. -.- 

"ANG PANGIT NG LASA! NASAN NA ANG CHEF?! MANANG PAKI TAWAG ANG CHEF!" Sabi ko.

"Ma'am diba po tinanggal niyo na?" sabi ni Manang.

"Tinanggal ko?" sabi ko.

"Opo ma'am." maid.

"Ah ganon ba? Sige mag impake ka na." sabi ko.

"Bakit po? Lilipat niyo na po ko sa chef room? Masarap po ba luto ko?" sabi niya na mukang excited. Ang pangit.

"Hindi. Lalayas ka, sisante ka na." sabi ko. at nagpagpag na ng kamay at umakyat na. Pwe lasang basura pagkain na niluto niya.

2 maids down, 1 to go. 

Pag pasok ko sa kwarto ko, may maid na nag lilinis ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito hampaslupa?" sabi ko.

"N-Nililinis ko lang po mam." sabi niya na mukang natataranta.

"Nililinis o nanderekwat ka ng pera o alahas? Mga anak mahirap talaga tss, magimpake ka na." Sabi ko. "Lalayas ka din." 

"Mam?" sabi niya.

"Bingi lang? Bingi lang? Sisante ka na, kaya mag paparty ka na." sabi ko at kinaladkad ko siya palabas. 

Love At First FightWhere stories live. Discover now