Chapter 4: Bloody Beginning

58 7 1
                                    

Silver's POV

A loud sound coming from the university bell startled us and caused Prof. Zenford to stop his teaching. 

"What's happening?" Aldwin exclaimed loudly

"That sound is so annoying" Stacey mumbled poutingly. Sa itsura niya ay mukhang maayos naman na ang kaniyang kalagayan.

"Duck, cover and hold" sigaw ni Jasbert na mabilis na yumuko habang tinatakpan ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang dalawang kamay.

"What are you doing Jasbert?" Prof Zenford asked.

"May Fire Drill tayo Sir 'di ba?" tugon ni Jasbert na kasalukuyang nakayuko pa rin.

"Fire prevention month has already done last October, you idiot!" taas kilay na wika ni Leeson. 

Mabilis namang tumayo si Jasbert at nakangiting humarap kay Leeson. "Practice lang para sa susunod na taon." wika niya na kinatawa ng iba. Sa inis ni Leeson ay pumilas siya ng isang pirasong papel at nilukot ito bago ibalibag kay Jasbert.

"Enough!" Prof Zenford commanded. "Let me check first what is happening outside." he added

Pero bago pa man makalabas ng classroom si Sir ay nakarinig na kami ng instruction na nanggagaling sa audio system na nasa taas ng kisame.

"To all freshmen students from all faculty, please proceed to the university gymnasium immediately."

"Anong meron ngayon Sir?" tanong ni Marika

"To be honest, I don't have any idea. Just leave your belongings and hurry up!" Mr. Zenford reply and he hurried out of the room.

Wala na kaming nagawa kundi ang lumabas ng classroom at tumungo papunta sa gymnasium. Habang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanilang mga gadgets. Sa totoo lang ay kanina pa ako naninibago sa nangyayari. Kung nung mga nakakaraang araw ay halos lusawin ako sa tingin ng mga nakakakita sa'kin, ngayon ay halos wala na silang paki-alam sa paligid. All of them are really enjoying playing with their phones.

Biglang nagvibrate ang phone na nasa bulsa ng pantalon ko na naging dahilan para mapahinto ako. Mabilis kong kinuha ang cellphone at tiningnan 'to.

"You have 1 unread message from Connor Reuger"

I immediately open his message which caused my heart to beat faster

Connor Reuger:
This is the beginning of the bloody activities of the Dungeon Master. Please ensure your safety. Stay away from anyone. Be  observant and mindful. Stay Safe!"

Callix Smith Verganza?
"What do you mean? Anong alam mo sa mangyayari? Ito ba 'yung event na sinabi ni SCORPIO Maldito kagabi?

Bago pa man siya makareply ay naramdaman ko na parang may bumangga sa'kin. 

"Wag kang haharang-harang sa dinaraan ko kung ayaw mong kumulubot ang buong mukha mo!" galit na sabi ng 'di pamilyar na lalaki.

"Anong tinitingin-tingin mo? Pulutin mo 'yong bag ko!" matigas n'yang utos na kinataas ng kilay ko.

"Sigurado kang ipapahawak mo ang bag mo sa kaniya? Hindi ka ba natatakot na mahawa? Alam ko malakas ang virus na taglay niya" pang-aalaska ng isang lalaking kasama niya.

"Pasalamat ka ayokong mahawa sa mukha mo!" wika nito sabay kuha ng bag niya sa sahig.

"Ayoko ng makikita 'yang mukha mong nakakadiri!" muling hiyaw nito na halos kainin na ako ng buhay sa nanlilisik niyang mga mata.

DECEITFUL WORLDWhere stories live. Discover now