Chapter 2: Role Play

35 9 5
                                    

Silver's POV

Kasabay ng pag-bagsak ng aking katawan sa'king higaan ay siya namang pag-bitaw ng kanang kamay ko sa hawak kong cellphone. Hindi ko na nagawa pang magbihis sa dami ng tumatakbo sa isipan ko.

Kahit na natapos na ang mag-hapon na klase ay palaisipan pa rin sa'kin ang nangyari kay Stacey. Kahit na sabihin nating nahulaan ko ang identity niya ay hindi naman sapat 'yon para sumuka siya ng dugo. Maaring nagkataon lang ang lahat. Tama! Nagkataon lang 'yon dahil hindi naman kayang kontrolin ng cellphone ang katawan ng tao.

"Enough Silver. You overthink things." I quickly grabbed the pillow and covered my face. "I deserved a peaceful sleep"

Even before I fell asleep my cellphone vibrated. I have no intention of picking it up pero dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate nito ay wala akong nagawa kundi ang  tanggalin ang unan na nakadagan sa mukha ko.

Walang emosyong kinuha ko ang aking cellphone na nasa kanang tagiliran ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sunod-sunod na notification na lumalabas sa screen ng phone ko.

Lahat ng notifications ay nagmula sa RPW Account ko. Biglang nag-bago ang mood ko ng makita ang bilang ng likes sa ginamit kong port.

"Vianne Calista and 1,000+ others reacted to your photo."

"Seriously?" hindi makapaniwalang usal ko sa hangin. Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ng makita 'yon. Halos lahat ng nag react ay gumamit ng heart emoticon maliban kay Connor Rueger na nag-react gamit  ang angry emoticon.

"Anong problema ng isang 'to?" taka kong tanong ngunit nawala din agad siya sa isipan ko ng makita ang higit limang daang komento sa ginamit kong port. Halos hindi na sumara ang labi ko sa matinding pag-ngiti. Napaka-sarap sa pakiramdam na pinupuri at hinahangan ka ng iba.

Nang mga oras na 'yon ay hindi ko na nagawa pang matulog. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kagalakan sa puso at isipan ko.

"Ito ang mundong para sa'kin. Role Play World is mine." masayang usal ko habang tinitingnan ang kabuuan ng account ko.

Ilang minutong nag taas baba ang daliri ko sa screen ngunit wala pa rin akong matipuhan sa mga nag-friend request sa'kin. Parang lahat sila ay walang dating.

"Maybe it's better if I don't accept anybody. After all, they didn't even accepted me in real world. Kaya tama lang na hindi ko sila pansinin." walang emosyon kong bulong sa'king sarili.

Isang notification naman ang nag-pop-up sa screen ng phone ko na naging dahilan para mas maging exciting ang pag-ro-roleplay ko.

"Dear RP'er Callix Smith Venganza. You have 678 unread messages. Now is the right time for you to know the other role players by simply replying to their DMs" 

Mabilis kong pinindot ang message icon na nasa lower right portion ng account ko. Sandamakmak na Hi, Hello at mga compliments ang bumungad sa'kin ng buksan ko ang message request box. Lahat sila ay gustong makausap at makilala ako ngunit wala ni isa man lang sa kanila ang nireplyan ko.

Hanggang sa muling nag vibrate ang phone ko at lumabas ang isang notification.

"I am now opening the Group Room for RP'ers who want to join different teams, families, and hoods. You only have until 12:00mn to choose the group that suits your personality. If you do not choose a group within the set time, you will be included in the Inferio's list. Best of Luck Roleplayers - Your Dungeon Master"

I raised my right eyebrow as I read the message from the creator of the world I entered. "Ano na namang pakulo 'to?"

Nagtataka man ay pinindot ko pa din ang "Group Room" na nag-pop-up sa screen. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang napaka-garang virtual room. Para akong pumasok sa opisina ng isang bilyonaryong CEO.

DECEITFUL WORLDWhere stories live. Discover now