I was on the edge of finishing this task ng maalala ko kung saan ko nakita yung lalaking kasama ni Shara. I immediately look at her sabay turo sa kanya at sa kasama niya. "Wait, hindi ba siya yung sinasabi mong lalaki dati sa rooftop dun sa Observatory, yung cru..."


"Hehe ang cute mo talaga Selene." Nagulat ako ng mabilis na salpakan ako ni Shara ng pagkain sa bibig ko sabay ngiwing ngiti nito samin. She even widens her eyes on me and mouthed that I should be quiet.


"Binubuking mo siya." bulong sakin ni Kim kaya dun ko lang nagets ang ibig sabihin nito kaya mabilis kong natakpan ang bibig ko dahil sa katangahang taglay ko. Napaka naive mo talaga Selene kaya wala kang lovelife eh.


"Tapos na 'ko!" Zed declare after he compiled the remaining papers beside him. Nag unat na rin ako ng kamay ko ng matapos ako sa ginagawa namin. I looked at my watch to see the remaining time I have before my next class. "Shoot, mag rereview pa pala ako."


Mabilis akong tumayo sa upuan ko at kinuha ang bag ko. "May next class pa ako, kita nalang tayo sa dorm." Paalam ko sa kanila kaya tumango naman sila sakin. Dumaan pa ako sa gilid kung saan nagpaalam sakin si Shara at ang kasama nito. He looked nice anyway. 


I tapped Blade's shoulder as I passed him dahil mukhang kanina pa siya naiirita sa kasama ni Shara.


Mabilis akong nakarating sa last class ko since malapit lang sya sa Academy's Library. Unfortunately, this is one of the class that I felt awkward the most.


Wala pa ang prof namin so I'm still safe. I got straight to my seat where Rance sat beside mine, as usual, he is reading another book.


"Hi." I manage to greet him pero tinapunan lang nya ako ng tingin bago siya nagbalik sa harap ng libro niya. It's my class in Humanities like what Shara had and to my dismay, I was with Keiran and Rance. Speaking of Keiran, he's still not here.


Since wala pa si Keiran, I put my bag on his seat. Iniilabas ko naman ang notes ko. I'm taking an exam later at my Math subject due for being absent for days since I was quarantined in my dorm for observation. Feeling may virus lang ako.


I tried to practice and memorize some formulas and solved example problems right now para sa exam ko later. Even though I don't have class later, I still have to take exam. Akala ko makakaligtas na ako sa Math pero pati sa mundong 'to eh puro math parin.


"You got the wrong value of X." Nagulat ako ng magsalita sa tabi ko si Rance sabay turo nito sa notes na trinatry kong sagutan.


"Bakit? Tama naman ah, dapat 5 yan kasi nandito yung linear niya." Tsaka niya kinuha mismo ang notebook na sinasagutan ko at nagsimula na siyang mag solve ng walang kahirap-hirap. "See? you will get this as a product if you use 5 as an X."


Iniharap nito sakin ang notebook ko at ng tignan ko to ay tama nga. "Wow, ang galing mo naman po pala sa math." Namamanghang puri ko sa kanya habang triny ko ulit ang same problem na ginawa niya.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicWhere stories live. Discover now