theo

963 30 23
                                    

this is his side— theo’s point of view.

theo

"madaya ka!" agad akong natawa habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko. her forehead creased but she's trying not to laugh. "sabi mo ililibre mo ako kapag nilibre kita!"

i smiled at her while staring straight in her beautiful eyes. halos mawala na ang mata ko habang nakatitig sa maganda niyang mukha. agad kong iniwas ang tingin ko.

hindi pwede.

napailing ako bago siya inakbayan at hinila patayo. ililibre ko naman siya eh. gusto ko lang yung pinipilit niya ako. natawa ako sa naisip ko.

gusto ko siyang kasama lagi.

"ililibre mo na ako?" tiningala niya ako kaya tinignan ko rin siya. nakangiti ang mala-pusong hugis ng labi niya. ang ganda ganda.

umiwas ako muli ng tingin saka tumango at akmang tatanggalin ang braso kong nakapulupot sa balikat niya. ngunit halos manlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ng brasong nakaakbay upang hindi yon matanggal sa pagkakakapit.

sobrang dalas ng pagsasama namin. yung tipong sa aming magkakaibigan, kami yung ayos lang na magkasama kahit dalawa lang kami. the eleven of us were friends since highschool. unang una kong nakilala si jiya. classmates kami at bagong estudyante siya noon. ganoon na katagal ang pagkakakilala namin hanggang sa nabuo ang kaming lahat.

hindi kami mapaghiwalay. o baka ako lang yung ayaw nang mahiwalay sa kanila. gusto ko yung paano niya ako i-trato. i love the way she cares for me. madalas ko siyang asarin. gustong gusto kong nakikitang nakangiti siya tapos ako pa yung dahilan.

gusto ko siyang mahalin habangbuhay. magmula pa noong nakita ko siya nung highschool kami. she entered our classroom with a beautiful smile plastered on her beautiful face. the moment i laid my eyes on her, i knew. i knew i'd love her.

pero maraming beses kong pinipigilan yung sarili ko. kasi ayaw niya. natatakot akong baka kapag sinabi ko yung nararamdaman ko, mawala na lang basta yung pagsasama namin.

it's better to stay as friends and admire her from afar. kahit hindi niya na lang alam na mahal ko siya.

heaven knows how many times i tried to date so many girls just to forget my feelings for her.

"theo! sinabi ko na sayo!" nakasigaw na namang bungad sa akin ni jiya. bitbit niya pa ang ilan niyang mga libro na malamang ay ginagamit niya sa nursing.

napaatras ako at natuwa sa reaksyon niya. malamang isinumbong na naman ako nila jim sa kanya. i bit my lower lip while looking at her getting mad.

"don't date a minor," aniya nang makalapit sa akin at bahagya akong sinabunutan. "i heard you went out with a highschool student?"

my eyebrows raised. umiling ako.

"edi ano pala 'to? gawa gawa?" iniharap niya sa akin ang phone niyang may picture ko at ng highschool student habang nakatayo kami sa labas ng university.

i love it when she acts like a jealous girlfriend. how many times have i told her to chill? she's mad. iniisip ko na lang na selosa siya pagdating sa mga babaeng dinedate ko.

"don't play with girls' feelings, anak.." i turned my head to where my mom was standing. of course she saw an article posted on this certain university files.

i just chuckled. naglakad siya palapit sa akin. naiiling na lumapit. "kailan ka ba magse-seryoso?"

lalo akong natawa sa sinabi ni mama. "ma, matagal na akong nagseseryoso." simpleng sagot ko na lang.

umangat ang kilay niya. "kay jiya?"

of course she knows. mama loves jiya. ang sabi niya pa nga, jiya gives off motherly vibes. aalagaan daw ako ni jiya. dapat daw si jiya na lang.

si jiya naman talaga.

my playboy image was just a show. i need to prove to myself na kaya kong hindi mahalin sa ganoong paraan yung bestfriend ko. si jiya.

mama educated me with all about love. she herself loves my dad so much. not until..

"sino sila?" pilit kumakalmang sambit ni mama. nakaturo ang daliri niya sa dalawang babaeng nasa likuran ni dad.

the perfect family image was ruined. dad has been hiding his daughters, my step sisters.

pumasok sa isip ko ang ginawang pagpilit sa akin ni faye na samahan siyang mag mall. she wanted a brother. there i met faith. tinatawag niya akong bunso kahit na ako ang kuya nila.

i didn't care about the image anymore. galit ako kay papa. nagawa niyang itago yon kay mama ng ilang taon. isa na lang ang gagawin ko, i wanted to spend times with them. sa tagal ba naman ng pagtatago sa kanila.

the time the eleven of us went to the paradise amusement park, sinama ko sina faith. tumanggi silang sumama sa amin kaya humiwalay sila.

i chose to spend the day with jiya. sa sobrang pagkainis ko, halos sumabog ako nang makitang kasama at kaharap niya si jino.

naiinis ako. may gusto 'to sa kanya eh. bakit niya ba kasama?

hindi ko alam ang pumasok sa utak ko nang umalis ako sa harapan nila at piniling huwag na lang munang pansinin si jiya.

ito naman yung gusto ko diba? kasi ayaw niya sakin. sayang daw yung friendship. hindi niya na kailangang malaman.

weeks passed by, i spent my time with my sisters. faye wanted a big brother. i became one for her. ganoon na lang ang pagkahulog ng loob ko sa kanilang dalawa.

"boyfriend yata ni jiya si jino eh," nangunot ang noo ko sa ibinalita ni namjoon.

i still look at jiya from afar. and that's when i almost lost it when i saw her hug jino. baka nga sila na at hindi talaga kami pwede.

nagkaayos sila mama at papa. sumama na rin sa amin sa bahay sina faith at faye. it felt like a perfect family again. one thing i would achieve once i'm ready to build my own.

"natakot ako jiya.." kausap ko sa kanya. nanginginig ang buo niyang katawan. fuck. ganoon ko talaga siya nasaktan?

halos matumba na rin ako nang sabihin niyang mahal niya rin ako.

mahal niya rin ako. jiya loves me too. she said it herself! i won! hindi niya napansin, pero mahal niya ako.

the moment our lips crashed, i never let her go. mahigpit ang kapit ko sa kanya. maingat at dahan-dahan ang pagtama ng labi ko sa kanya. she's precious.

she give in to me. hindi ko pagsisisihan yon.  masayang gumising sa umaga katabi siya. yun lang yung hiling ko.

sa dinami-dami ng naging babae ko, alam kong sa kanya pa rin ang bagsak ko.

out of all the options, she's my best choice. i don't care if millions of girls surrounds me, i'll still choose her. it's always been her.

———

what could beWhere stories live. Discover now