Dos

29 0 0
                                    


"Tnagina Lia! Sabihin mo paniginip lang ang lahat ng 'to!" Sigaw ko, obviously frustrated. Sinabunutan ko pa ang sarili kong buhok.

"Why? did you do something stupid again?" Tanong sa akin ni Lia habang nag m-make up. She sounds like it's no big deal and it happens everyday.

"I mean.. you always do something stupid, so is it worse or.. uh... wait, you told me you were gonna stay at your parent's house?.. what are you doing on my bed right now?" taka nitong tanong. I let out a sigh.

"Kaya nga ako andito eh, because of that." Halos pabulong na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na I really did that. Ano ba naman kasi. Ba't ba kasi uminom?

Tinigil niya ang kanyang ginagawa at tumingin sa akin.

"Bakit? Ano ba nangyari?"

Napabuga ako ng hangin.

"I met Sione there."

Tumalikod siya sakin at nagpatuloy sa pagmmake-up.

"Obviously. Asawa siya ng ate mo. Malamang, makikita mo siya don!" Natawa siya. Habang linalagyan ng kung ano anong kolorete ang kaniyang mukha.

"So ano nga, wag mong sabihing nagdabog ka d'on? You've spent years in Canada to move on, don't tell me, nasayang lahat ng 'yon kagabi?"

Napayuko ako.

"Uhh, may konting naganap sa bahay. Pero hindi yun eh!" Naiinis na sigaw ko.

Just thinking about it makes my head spin. Ano ba naman pumasok sa ulo ko at nasabi ko yun?!

"Eh ano nga?"

"I told them, I'm married"

Napalingon siya sakin.

"HAHAHAHAHAHA OH MY GOD! Did they really fall for that? Maui, ni isang lalaki wala pang may lumalapit sa'yo.."

Humalakhak siya. Tinapon ko sa kanya ang isang unan na nasa tabi ko at natamaan naman siya 'non.

"Aray ha! The hell, Maui?"

"Nakakainis ka!"

"Ang tanga mo kasi, Maui. For real." sabi niya nang natatawa. Inirapan ko naman siya.

"Eh kasi naman. Napuno na ako kagabi. So kung ano ano nalang lumalabas sa bibig ko."

"Edi maghanap ka nalang ng lalaki tapos papagpanggapin mo na asawa mo "kuno". Maraming isda sa dagat, Mau. We just need to choose one."

"No, hindi pwede kasi ano.."

Napakamot ako sa ulo habang nakatingin naman sa akin si Lia nag aantay sa susunod kong sasabihin.

"I told them my surname was Suàrez. I can't just bring any guy sa pamamahay ng parents ko..."

Lumapit sa akin si Lia at binatukan ako. "What?" Irita kong tanong sa kanya. Ang lakas pa naman nung batok niya.

"Ang detailed mo rin no? Nagdagdag ka pa ng apelyido? Eh saan ka naman hahanap ng Suàrez ha?"

"Madami namang Suàrez sa Pilipinas eh. Pero iisa lang yung Cohen Grey Suàrez?"

Napayuko ako at dahan dahan tiningnan si Lia na gulat na gulat sa sinabi ko. "Don't tell me you told them na asawa mo si Cohen?"

"Sana nga panaginip lang..."

Isa nanamang batok ang natanggap ko. "What the hell, Maui?! Drop it. Sabihin mo nalang ang totoo kina Tita. There's no way makakausap mo si Cohen."

Napakamot ako sa ulo hindi alam ang sasabihin.

"Eh diba nga, artista ka.."

"Oh tapos?"

Un Bello Desastre (TRES #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora