Chapter 02

177 34 2
                                    

"Vivian"

"Everyone, gother please, I have an special announcement." Pagtitipon ni Mr. Marasigan sa aming lahat nang makapasok ito sa classroom namin. May dala itong fish bowl na walang tubig. Nangangamoy bunutan ang magaganap, para saan naman kaya?

"Everyone, attention-" Naputol ang sasabihin ni Rochelle nang senyasan siya ni Sir na hindi na kailangang bumati sa kaniya.

"Mabilisan lang itong announcement. We have no class for today, because all of the professors are attending some meeting about this field trip in Intramuros next week and as of that... you need to pick your partners. So boys, write your names on a scratch paper and then put it here in the fish bowl."

Naglabas na ng mga papel at ballpen ang lahat ng mga lalaki naming kaklase habang kami namang mga babae ay nanonood lang at naghihintay ng susunod na mechanics na ipapagawa ni Sir. Ang katabi kong si Zoren ay nagsulat na ng name niya sa papel and then he put it inside the fish bowl na nakapatong na sa desk sa harapan. We're quite close kase nagkakausap naman kami minsan. Like seatmates usually do.

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Sir sa lahat ng mga lalaki tsaka kinuha ang fish bowl saka ay inikot ikot nito ang kamay sa loob para magkagulo gulo.

"Yes, Sir." Sagot nilang lahat kay Sir.

"Okay, starting from you Ms. Alvarez, pick one and magtatapos tayo kay Ms. Yuno, don't open it yet."

Tumayo 'yong babaeng nasa unahan, the Alvarez one. I don't memorize everyone in here by surnames or names in general, 'di ko sila kilala but familiar ang mga mukha nila. Hindi ko lang talaga gawaing mag-memorize ng mga names nila. Pero kilala ko 'yung iba.

Sumunod na ang lahat hanggang sa matapos na ang bunutan. I'm holding a folded piece of paper while hoping na sana kahit sila Justine or Yam na lang ang mabunot ko. Naging kagrupo ko sila twice sa isang project sa magkaibang subject and nagkausap na rin naman kami kaya walang dead air sa bus or sa Intramuros mismo. I want to be beside the person that I know.

"Girls, open the papers and kayo boys, humanay kayo rito sa harap para puntahan kayo ng mga girls kapag pangalan niyo ang nabunot nila." Utos ni Mr. Marasigan sa mga lalaki. Tumayo ang mga lalaki't naglakad papunta sa harapan at luminya.

"Sino nabunot mo, Viv?" Nilingon ko si Kristelle nang tapikin niya ang balikat ko. Binuksan ko naman ang naka-fold na papel at tumambad ang pangalan ng hindi pamilyae na pangalan.

"Fourth Santiago." Basa ko sa nakasulat. Napaisip ako nang mabasa 'yon. Sounds familiar.

Fourth Santiago? Fort Santiago of Intramuros, Manila? Seriously?! That name is so lame! Ngayon ay gusto kong makilala ang magulang niya para maitanong kung bakit iyon ang ipinangalan nila sa anak nila.

"I picked Yam Ventura, 'di ba nagka-group na kayo 'non sa Science and Mathematics? You want, switch tayo?" Alok niya sa akin, tumango naman ako't nagpalit kami ng papel.

"Ms. de Casteo and Ms. Severo, no switching papers! Come in front and go to your assigned man." Pagalit sa amin ni Mr. Marasigan, halos mapatalon pa nga ako nang sumigaw ito sa amin. Napakamot naman ako sa batok at saka hinila ako ni Kristelle sa harapan habang siya naman ay lumapit kay Yam. Nakatayo lang ako 'ron. "What's the matter, Ms. de Casteo?" Si Mr. Marasigan.

"I don't know this guy." Pakita ko sa papel ko na may nakasulat na name ni Fourth.

"Fourth Santiago? Ayon siya, katabi ni Justine Perez." Itinuro ni Mr. Marasigan ang lalaki'ng katabi ni Justine na nasa kanang side. Lumapit ako rito't tumabi sa kaniya.

"Hi." Bati nito sa akin tsaka kumaway.

"Hi." Bati ko naman pabalik rito tsaka ngumiti at tumango sa kaniya.

Kuwento Natin Sa IstoryaWhere stories live. Discover now