Chapter 01

359 40 4
                                    

"Kaliks at Javier"

Nakabalandra ang tatlong mga babae sa hallway na dinaraanan ko't mukhang nagtsi-tsismisan sila. Nagtatawanan ito sa kasalukuyan pero nang makita ako ng isa sa kanila, bigla silang tumahimik at tumingin sa akin ng masama.

"There she goes. Si Vivian."

"Argh! I can't even look at her in the face! What a slut!"

"Agree, tara na lang sa classroom."

Isa-isa kong tiningnan 'yong mga babaeng nagbubulungan pero mukhang ako talaga ang pinaparinggan. Hindi ko na magawang mairita o mainis dahil sanay na ako. Oo, ako ang tinutukoy nila't pinagbubulungan. Tinaasan ko na lang silang tatlo ng kilay kahit hindi na nila nakita kasi nakapasok na sila sa classroom nila.

Umagang umaga pero 'yon agad ang madadatnan ko. I won't let them ruin my day. Not even once.

I'm that Vivian they've mentioned. Vivian de Casteo to be exact, also known as the Bitch of the campus. I've heard so many rumors and kuwentos galing sa iba't ibang sulok ng campus. Maging sa labas ng campus, naririnig ko 'yan.

I'm infamous here inside and out of the campus. And that's the image na dala-dala ko kahit saan ako magpunta, that Bitch. But it's better than a Spoiled Brat kase I'm earning my own money and everything.

I work in some freelancing even though I don't need to dahil mayaman ako. Well, not me, but my family. My family owns so many businesses here and outside the country. I can get whatever I want and need in just a snap of my fingers.

Lumiko ako ng hallway at nakaharap ang saradong pinto ng classroom namin. Bubuksan ko na sana ito nang may maunang magbukas nito mula sa loob. It's someone who I somehow cherish in life.

No wonder, it's Kristelle— my friend. Well, we don't address ourselves as friends kase it's too plastic and not natural for us. We're just acquaintances with friendly connections. Basta ang hirap ipaliwanag. I smiled at her then I entered the classroom. Siya lang ang close ko rito sa classroom.

Rinig ko pa ang malalakas na boses ng mga kaklase kong biglang humina nang pumasok ako sa loob. Iba't ibang grupo ng mga estudyante na may iba't iba ring mundo. Lahat sila ay nagbubulungan at nakatitig sa bawat anumang galaw at gagawin ko.

Ba't sila huminto nung pumasok ako? Kailangan tumigil sa tsismisan tuwing nandito ako? Or, is it because ako ang topic nilang lahat? Pinasadahan ko silang lahat ng tingin, lahat sila yumuko't umiwas sa tingin ko.

Tangina, seryoso?! Ako pa rin 'yong topic nila? Two years na 'yan ah?! They won't even move on!

"Hayaan mo sila, inggit lang sa'yo 'yan, upo na tayo." Saad ni Kristelle at ipinulupot ang braso sa kaliwang braso ko't hinila ako palapit sa pinakahuling section at row ng upuan. Where the bobos' seats daw kuno. That's the assumptions you may hear from a lot of students.

Pero mali kayo lahat ng iniisip. I'm straight A plus student and I never failed any subject, I am also a dean's lister. In short, I am an academic achiever. Katabi ko si Kristelle na siyang tinutukoy nilang lahat at nararapat dito sa last row and last section ng mga upuan. She's the complete boba, h'wag na kayong magulat. And alam niya na sa sarili niya 'yon. At saka wala lang talagang vacant seats kaya rito ako naupo.

After a while, dumating na si Mr. Marasigan, our homeroom teacher, the most boring teacher ever. I swear and you'll know why. Ang subject na itinuturo niya kasi ay ang nangunguna sa listahan ko ng mga boring na subject. Ang History, kasunod naman sa listahan ay ang Filipino. Para ngang iisa lang sila ng itinuturo, e. Well, I'm not good at geography and history, bilang nga lang ang kilala kong Philippine heroes e. But to be fair, I'm still able to get high grades from him.

Kuwento Natin Sa IstoryaWhere stories live. Discover now