So, instead of wearing heels, I chose to wear a rubber shoe. Hindi naman kita kung ano iyong suot ko sa paa kaya okay lang. Mas gusto kong maging komportable at hindi manakit ang mga paa kapag uuwi mamaya. Minsan lang naman kasi ako makasuot ng heels kaya ngayong gabi ay mas bagay ang rubber shoe. Jacob's not doing an inspection anyway.

I texted him that I am ready. Maaga pa ako sa napag-usapang oras. It's already 7:00 in the evening. Hindi naman ako nakatanggap kaagad ng reply sa kanya kaya hinayaan ko na ang sariling maupo ng matagal doon sa kama ko.

I don't want to flood him some texts. Baka sabihin, masyado kong minamadali. Hindi naman sa ganoon. I am expecting actually that he's with his family. Tapos naimbitahan niya lang ako sa kanilang salo-salo.

Medyo close kasi kami ng parents niya. My mom knew them well. Kaya iyong magulang niya ay hindi nagagalit tuwing sa amin nakakatulog si Jacob. Bukod sa may tiwala naman sila sa amin, alam naman nilang hindi mapapahamak kapag nasa sa amin si Jacob. Ganoon nila kami kung pagkatiwalaan.

His family is great. Mababait tapos walang kapintasan. Kahit na gaano sila kayaman, ni minsan ay wala akong narinig na salita sa kanila tungkol sa pagpupuna sa amin. It runs in their blood, I guess. Halos lahat naman sila ay mababait.

Sa panahon kasi ngayon, iyong ibang mayayaman ay parang pag-aari nila ang lahat kung kumilos sa mundo. They can buy and do anything they want. Pati ang minsang hindi dapat bilhin ay nagagawa nilang bilhin. They are totally different from that. The Valdemoras are different.

Sila iyong pamilya na kahit sino ay magawa nilang magkalaplit. They can be close to someone without interrogating you if you can reach their standard. Hindi na bago sa akin ang ideyang iyon.

When the clock struck at eight, I heard s horn sound from someone's car outside the house. Saktong-sakto na alas otso ng gabi iyon tumunog. Hindi na ako nagtanong pa ng kung sino ang may ari niyon dahil panigurado, si Jacob lang naman.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo bago lumabas ng kwarto. I only have my phone with me. Paglabas pa lang ay nadatnan ko si Mama na nakangiti habang nakatingin sa akin. I smiled back at her.

"Alis muna ako, Ma. Nandyan na ang sundo ko," sabi ko sa kanya. She nodded. I kissed her forehead and then hugged her before opening our main door. Sakto naman ang pagpasok ni Jacob doon.

He's wearing the same outfit he wore in our prom. Black tuxedo with a red shirt inside of it. Naka slacks din siya at clean cut na ang kanyang buhok ngayon. Naisipan niyang magpagupit ng ganoon kabilis para sa ganito.

Nagkasalubong kaming dalawa. Unang dapo pa lang ng kanyang mga mata sa akin ay hindi ako nagkamali sa naisip ko kanina.

He gulped hardly. His eyes were locked on mine as if there is some magic attached to it. Nakatitig lang siya ng diretso sa akin at hindi na naisipan pang itanggal iyon. His jaw dropped a bit. Kung hindi ko pa tinapik ang kanyang balikat ay buong oras ay ganoon lang ang kanyang gagawin.

"Laway mo, tumutulo," saad ko. He closed it and then faced my mother. Tuwid na tuwid ang kanyang tayo sa harap ng nanay ko.

Si Mama naman ay nakaharap na rin sa kanya. Hindi pa ito nagpapaalam kay Mama.

"Sorry po tita kung iimbitahan ko po ang anak ninyo para sa dinner ngayon. Pinapangako ko pong pagpatak ng alas diyes o alas onse ng gabi, depende po sa gusto ng anak ninyo, ay narito na po siya sa bahay ninyo. Mapagkakatiwalaan naman po ako," he said. Siniko ko siya ng mahina pero hindi niya man lang ako tinignan.

My mother looked at me. Bakas sa kanyang mukha ang pagtatanong kung ganoon din ba ang magiging desisyon ko. I nodded my head before she gave her attention to Jacob again.

Nakatayo lang ako sa kanyang tabi ngayon. I keep on poking his side but he's still standing straight. Walang balak na makagawa ng kung ano sa harap ng nanay ko. Nagseseryoso masyado.

"Lagi naman akong may tiwala sa'yo. Be sure to drop her safely, okay? Dahil kung hindi, ikaw talaga Jacob, makakarating sa magulang mo ito," my mother joked. Kahit ganoon ay sineryoso naman ito ni Jacob.

"Yes po, tita. Pwede na po kaming umalis?"

"Sure. Ingat kayo."

With that, he held my hand and dropped it off to his arm. Nakahawak na ako ngayon sa braso niya habang palabas na ng bahay. I gave a glance to my mother and winked at her. Hanggang sa makarating na kami ng gate at sa sasakyan ni Jake ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

There he saw the rubber shoe I'm wearing. Natawa siya ng dahil doon.

"Seryoso, sseb? Rubber shoe? Hindi naman ganyan suot mo noon, ah?" I showed it to him more. Mas lalo pa siyang natawa binabalewala na iyong pagseseryoso niya kanina.

"Dito ako komportable, eh. Para makalakad ako ng maayos mamaya," rason ko sa kanya.

"Grabe. Pero okay lang. Bagay naman sa'yo. Puro pa naman kasi paborito mo ang na-request kong i-serve. Baka madapa ka pa kung heels ang isinuot mo sa sobrang busog." He now closed the door and went to his place. Hindi man lang nagulo ng kaunti iyong ayos niya.

"Grabe talaga Jake, ano? Parang tayo lang dati iyong mga high school students na excited sa prom. Feels like we're going back to that moment now," sabi ko sa kanya. He fastened his seat belt first. Iyong mata ko ay nasa kanya nakatingin.

Bigla akong nanibago sa uri ng gupit na mayroon siya. Malinis naman siya sa dati niyang hairstyle pero ngayon ay mas lalong naging malinis lang. He looks... hot. Puro katotohanan, walang bahid ng kasinungalingan.

"Same old days. Hayaan mo, isasayaw kita ulit mamaya."

"Weh? Naks. Matapang ka na ngayon? Hindi ka na napipilitan?" asar ko sa kanya. He shook his head while smiling.

"Hindi. Pero may gusto lang sana akong sabihin sa'yo." He looked at me. Masyadong malambot ang uri ng tingin na kanyang ibinigay sa akin. From my eyes, he looked me down to my lips. Ngunit nang dumako lang sa labi ko ang kanyang mata, bigla niyang naibalik ulit iyon sa mga mata ko.

He looked away after that and started his engine. Nangunot ang noo ko dahil doon.

"What? What's that, Jake?" napailing siya.

"No, nothing. It's just that... you're beautiful tonight."

Since it is not that dark, I saw how his ears turned red. Kaagad na niyang minaneho iyong sasakyan patungo sa aming pupuntahan. 

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Onde histórias criam vida. Descubra agora