I just shrugged my shoulder on that. Hindi na ako nagbalak pang magkwento sa kanya tungkol sa nagiging estado namin ngayon ni Jake. Our story's not yet finished. Mahirap nang magsabi ng kung ano kahit na wala pa naman.

Instead of not doing anything, I just prepared myself. Hindi na ako ulit nakatanggap pa ng text mula kay Jacob pagkatapos kanina. Maybe he's preparing the venue? O 'di kaya naman ay masyadong pinapakalma lang ang sarili.

Alam naman niyang mas okay lang sa akin kahit saan. Hindi naman ako mapili sa mga lugar.

Hinanap ko iyong dress sa cabinet ko. Nakasilid iyon sa isang box at naka-separate sa iba kong mga damit kung saan mas madali kong makikita sakali.

When I opened the box, the dress welcomed me, still new and not that old looking though it has been years. Ilang taon na rin namang lumipas pero mukhang bago pa rin ito hanggang ngayon.

The quality is still in good condition. Ilang oras ko lang naman kasing naigamit ito noon sa prom. I bought this because I can't find anything that can fit to our theme that time. Wala akong naging choice kaya pumunta na lang ako doon sa pinakasimple.

If this dress can recall the moments that year, I am sure that it will show me all of that. Lahat ng nangyari noong prom, sigurado akong pwede nitong maipakita sa akin kapag makapagbibigay lang ng ebidensya ito.

Hindi naman masyadong kahabaan. Sa totoo lang ay sakto lang sa taas ko iyong kanyang haba. The color is still in brilliant red. Wala pa namang sira at nang naisukat ko na ay hindi naman masyadong maluwag. Sakto pa rin ang sukat sa katawan ko at kasyang-kasya pa sa akin.

I stared at my reflection in the mirror. Parang ako iyong high school student na simple lang ang itsura para sa isang event na pupuntahan. I have no make-up; my hair is in a bun style and I still have that aura who screams how beautiful I am.

Tandang-tanda ko iyong minsang pagkatulala sa akin ni Jacob noong mga panahong iyon. Maswerte siya kasi hindi ko pa alam noon na may gusto ito sa akin, kung hindi ay baka mas napaaga ang paglayo ko sa kanya.

Lucky for him because he got a chance to know me more. Sundan ba naman ako hanggang sa kung saan ako nag-aaral. Masyadong mapaghabol para sa isang babaeng katulad ko. Maswerte na ba ako dahil sa gusto ako ni Jacob? Should I consider myself as lucky?

Hindi ko na inaksaya pa ang oras at inayusan na ang sarili. I applied a light make up and then made a bun style on my hair. Hinayaan kong may kakaunting mga hibla ng buhok ko ang natira upang hindi naman masyadong pormal iyong dating ko. Kahit sa lipstick ay iyong hindi masyadong matingkad ang kulay na inilagay ko. Nakuntento na ako sa kung saan mas komportable akong tignan iyong kulay.

I also wore some of my jewelries. Tanging kwintas saka bracelet lang naman iyon, saka ko na nilagyan ng pabango ang ilang parte ng katawan ko. It took me an hour before I can finally say that I finished working on myself.

Mabuti't hindi masyadong mabigat dalhin iyong dress. I bought this before because of that. Magaan lang siya dalhin tapos hindi masyadong enggrande ang dating. Iyong sa parteng dibdib ay hindi naman masyadong kalaliman. Hindi naman uhaw sa laki ng dibdib iyong si Jacob.

He respects me so much. Pagdating sa mga ganoong bagay ay wala naman interes.

Malalim ang hiningang pinakawalan ko saka napabalik sa salamin. And there, I saw how I look like. Hindi pa man ako nakakasuot ng sapin sa paa ay kitang-kita ko na kung gaano kabagay pa rin sa akin iyong damit. And damn, I don't know what Jacob's reaction will be later for this. Nagsusuot naman ako ng mga ganitong damit pero sa mga piling okasyon lamang. To think that I am wearing this kind of dress for a private dinner. Masyado akong handa.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now