Looking for Adventure?

Start from the beginning
                                    

 Sa likod naman namin sina Khloe, Yaya ni Khloe at si Stan. Nakakatawa lang ang hitsura ni Stan, hindi kasi makadikit masyado sa girlfie nya, may asungot kasi na yaya sa pagitan nila. Haha.

Sina Tita Kathy, Tin at Lola Melinda naman ang nakaupo sa unahan namin while si Tito Marcus sa passenger seat.

Biglang na lang lumingon si Tito Marcus sakin and then smirked at me, yung nakakalokong ngiti. Tinitrip yata ako ng matandang ‘to ah, sinadya nya ‘tong arrangement. Akala ko pa naman bumait na talaga sya sakin.

Haaayyy. Makatulog na nga lang, malayo pa naman ang Batangas. Salpak earphones sa tenga, shuffled music playlist.

Now playing: ******.

Next.

Now playing: ******.

Next. Now playing: ******.

Next.

                Aish! Hindi ako mapakali. Wala bang matinong kanta sa ipod ko?

Nagulat na lang ako nang huminto yung coaster. Don’t tell me, dito yung rest house nila? Gubat kaya ‘to.

                “Where are we?” tanong sakin ni Reesh. Nagising na din sila nang huminto ang sasakyan.

                “Malay ko. Kakagising ko lang din noh.” ako.

                “Weh?  Nakatulog ka ba talaga bugoy? Malamig dito sa coaster, wala kang kayakap.” Eid. Yumakap pa si bugoy sa baywang ni Reesh na parang nangiinggit.

HINDI AKO NAIINGGIT. HINDI!!!!

                Bumaba si Tito Marcus sa coaster kaya nagsibaba na din kami. Walking distance na lang siguro yung rest house mula dito, baka hindi na pwedeng pumasok ang sasakyan.

                “Here.” Tito Marcus. May iniabot sya sa aming mga maps at mga gamit for hiking.

                “Appa!!!” reklamo ni Tin.

                “Di ba sabi mo gusto mo ng thrill? Eto na yun.” Tito Marcus.

“Paunahan na lang kayong makarating sa bahay, ang mauuna may malaking premyo. Sundan nyo lang yang mga mapa nyo, hindi kayo maliligaw.” Tita Kathy.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now