Chapter 8

2.3K 76 3
                                    

N/A: Alam kong mabagal akong mag update, wag nyo ng ipamuka.

••••••

Talagang kailangan kong mag pahinga pero ayaw ng katawan ko, alam ko kung anong ginawa nya kaso hindi ko maramdaman yung bakas ng kagat nya sa leeg ko. Diba dapat nag iiwan yon ng marka kasi sobrang lalim ng ginawa nya e, kaya imposibleng walang naiwan don pero sa tuwing kinakapa ko ang leeg ko ay wala naman. Konting kirot pero wala naman akong maramdaman. Weird.

Lumapit ako sa pinto saka pinihit ang doorknob na ikinatuwa ko. Ayos! Mukang nakalimutan nyang i lock ang pinto, makakatakas na kaya ako?

"Good morning po, sir" rinig kong bati ng isa sa mga maid, paniguradong hindi yon si Mr. Dane kasi nasa school na yon at nagtuturo na. Teacher sya e. Kaya sino naman ang binati ng isa sa mga maid?

"Where’s the girl?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa pagtanong ng lalaking hindi ko naman kilala ang boses. pakiramdam ko kasi, ako ang tinutukoy nya.

"Nagpapahinga po sya" sagot ulit ng maid. Alam kong ako yon, halata naman e. Hindi ko alam kung bakit binuksan ko ang pinto at humakbang ng dalawang beses, kaya pala rinig na rinig ko sila kasi malapit lang sila sa kwarto kung nasaan ako. Bakit ko ba kasi binuksan yung pinto? Nakita tuloy ako!

"A-ahm, hello?" Yan lang ang nasabi ko. Medyo naiilang ako kasi nakatingin sakin yung lalaki na kausap ng maid, tapos bigla syang ngumiti sakin bago ako lapitan.

"Come here" anito ngunit imbis na lumapit ako ay pagatras ang ginawa ko, bakit naman ako lalapit sakanya? Hindi ko naman sya kilala, he is just a stranger!

"Scared of me?" Tanong nya. Gusto ko syang sagutin na 'Hindi ba obvious?' pero ayoko. Napaka rude naman ng dating kung sasagutin ko sya ng ganon.

"Ah!" Malakas na tili ang lumabas sa bibig ko. Bigla nalang kasi syang sumulpot sa tabi ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Is he a vampire? Of course he is! Kitang kita naman yung fangs nya na handa na akong kagatin diba?

Napatakbo ako sa labas ng kwarto, hanggat sa makababa na ako ng first floor. Hindi ko naman alam kung saang direksyon ako pupunta kasi alam kong masusundan nya ako at isa pa, hindi ko alam ang pasikot sikot dito. Hindi ko nga alam kung saan ako napunta, basta ang alam ko ay nasa first floor ako.

"Im not going to hurt you. Bakit ka ba tumatakbo?" Nasa harapan ko sya. Lilinga linga pa ako para makaalis pero hindi ko makita yung dinaanan ko, naging pader na! Shit! Dead end na ba?! Hindi ko alam kung anong dapat na gawin ko, basta natatakot ako.

"Get off me!" Sigaw ko ng hawakan nya ang balikat ko, he is scaring the shits out of me! Nawala nga ng panandalian ang teacher ko pero meron nanaman! Wala ba akong karapatan mag pahinga? Hello! Ang sakit po ng katawan ko.

"I can smell your blood and it smells, sweet. I should taste it!" Para syang bata na tuwang tuwa dahil binigyan ng candy. Pero kahit naba! Dugo ko ang gusto nya! Hindi naman candy ang dugo ko para pag piyestahan.

"Don't touch me! Never lay your dirty finger on my skin!" Kahit na natatakot ay pinairal ko parin ang katarayan para masindak sya kahit papaano, pero imbes na yon ang mangyari ay nginisihan nya lang ako. Nakakakilabot. Nakakapanindig ng balahibo. Wala akong makita na pwede kong daanan dahil nagmistulang pader ang nakapalibot samin, papaanong nangyari yon?

"Do you think I'll listen to you?" Panghahamon nya pa at hinawi lang ang kamay kong nakaamba sa pagsalag sa mga gagawin nya, pero wala parin akong laban. Masyado syang malakas kumpara sa akin na ng hihina na. Tinulak lang nya ako sa pader at inilapit ang kanyang bibig sa leeg ko.

"Feel the pain, b'tch" mahinang bulong nya sabay ibinaon ang pangil nya sa leeg ko.

Mama! Wala ka bang balak na kuhanin ako dito?! Ayoko na dito! Puro sakit nalang ang binibigay nila sakin.

Paghikbi lang ang tanging nagawa ko habang pinipilit na tinutulak ang taong nasaharapan ko, alam kong wala ring saysay ang ginagawa ko pero gusto ko parin subukan. Ang sakit! Kulang nalang , sumigaw ako sa sakit at maglupasay sa pag iyak.

Sana makatakas na ako dito, Im not going to stay here, I need to escape from him and from this guy.

"Your blood is different. And i can't stop my self but to drink it. This must be mine." He whispered. Akala ko titigil na ang sakit pero hindi pa pala, muli nyang ibinaon ang matulis na pangil nya kaya naman ay napasigaw ako sa sakit. Lalo na ng pinulupot nya ang kanyang braso sa bewang ko para mas lalong bumaon ang kanyang pangil sa leeg ko.

"S-stop. I-im begging you, p-please" nanginginig kong pakiusap. My bones are shaking, baka kapag binitawan nya ako ay matumba nalang ako bigla.

"I know, you like it. So, shut your mouth!" bulyaw nya sakin saka muling ibinaon ang pangil pero hindi na sa leeg, kundi sa pulsuhan ko. Napasigaw nalang ako sa sakit, kelan ba ako mauubusan ng dugo? Kasi kanina pa umaagos yung dugo ko e!

"T-tama na p-po" pakiusap ko.

"Stop it, Rin. Lucas will get mad at you." paalala ng isang lalaki na kararating lang. Laking pasasalamat ko naman at tumigil na ang lalaking tinawag nyang Rin, yun nga lang ay natumba ako at diretso sa malamig na tiles. Nakakawala ng lakas ang ginawa ng lalaking may ngalan na Rin, hindi ko na nga yata kayang tumayo pa e.

"Damn! You just ruin the moment" sigaw nung Rin, naghahabol ako ng hininga para mapigilan ko ang pagpikit ng mata ko. Ayokong matulog ulit, gusto ko ng makaalis dito.

"Get out, Rin. I'll take care of her."  sabi nung lalaking hindi ko din naman kilala, kahit hindi ako nakatingin sa kanila. Alam kong pikon na pikon yung Rin kasi naririnig ko syang nag sasabi ng 'tss' pero ang mas kinakatakot ko ay ang lalaking kausap nung Rin. He will take care of me? I won't let him! What if, he is a vampire? Even if im weak, I'll punch his face!

Naririnig ko ang mga yabag ng paa, siguro doon yon sa lalaking Rin ang pangalan. Nanginginig lang ako pero hindi ako manhid, alam kong binuhat ako ng lalaking kausap nung Rin.

"You must be tired" saad nya habang patuloy sa pag lakad paakyat sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina, sa kwarto ni Mr. Dane. Bakit ang bait nya? Dapat lang, hindi na kasi kakayanin ng katawan ko kung gagawin nya rin yung ginawa sakin kanina nung Rin.

Inilapag nya lang ako sa kama at kinumutan bago mag salita.

"Get rest, lady. By the way, I'm Ryan"

Rin and Ryan. The first letter of their names are both starts with letter R. What's the big deal, Summer?

The Vampire's ObsessionWhere stories live. Discover now