Ilang segundo pa kaming nakatayo sa kusina nang may narinig kaming kumaluskos. Nagkatinginan kami ni Marah.
"Ano 'yon?" Tanong ko ng pabulong.
Kibit balikat lang ang sagot niya sa akin.
"Hindi kaya yung mga pulubi?" Tanong kopa.
"Posible po... Sandali titignan ko ho." Sabi niya at dumiretso sa may bintana. "Wala akong makita ma'am." Aniya habang nakadungaw sa may bintana.
"Dito ka nga! Baka sa bintana dumaan yung mga 'yon." Aya ko sa kaniya at hinila siya pabalik sa kusina.
Narinig namin ang pintuan na pilit na binubuksan kaya nagkatinginan kami. Hinawakan ko ulit yung vase na nasa island counter para ipamalo sa kung sino man ang nagtatangkang pumasok sa loob ng bahay, at si Marah naman ay kumuha ng kutsara.
"Ba't kutsara?!" Tanong ko sa kaniya.
"Di ko ho kaya manaksak eh...." Sabi niya pa. Kumunot ang noo ko.
Nabaling ang atensiyon ko sa maingay na pagkalansing ng doorknob, parang pinipilit talaga iyong buksan.
"Ako muna ang pupunta sa may pintuan, tapos sa likod kita ha?" Pabulong kong sambit kay Marah. Tumango naman siya bilang pag-sang ayon.
Ilang segundo ang hinintay namin at tuluyan nang bumukas ang pintuan. Handa na akong ipalo ang vase na hawak ko sa kung sino ang papasok nang maaninag kong naghahalikan ang dalawang ibig pumasok. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Hindi ko maaninag ng mabuti kung sino ang naghahalikan pero nang humarap siya sa akin ay nakita ko kung sino iyon.
"Ate?!" Gulat kong tanong. Napatigil ang dalawa sa paghahalikan.
Halatang nagulat pa sila dahil nakita kami ni Marah na may hawak na kaniya kaniyang bagay na handang ipamalo sa kanila.
"What the heck?" Paunang sambit niya at kumalas sa lalaking kahalikan niya.
"Sino 'yan?" Tanong ko sabay bigay ng titig na naaasiwa sa kasama niya.
"None of your business. Get out." Sabi niya sabay hawi sa akin para makadaan sila nung kasama niya.
"Ate, sabi ni daddy bawal magdala ng lalaki dito sa bahay nang hindi niya alam. Kasama sa rules yon." Sambit ko.
"Naniniwala ka sa mga stupidong rules na'yon?" Umirap pa siya. "Marah, patulugin mo na nga 'yang batang 'yan. Istorbo." Aniya saka hinila ang lalaking kasama at pumunta patungo sa itaas, malamang ay sa kwarto ni ate.
"Gisingin natin sila daddy." Sabi ko kay Marah at ambang papanhik na sa itaas para gawin ang binabalak ko pero bigla akong hinawakan ni Marah sa braso. Napatingin ako sa kaniya.
"Huwag na po ma'am..." Aniya. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakita huwag? Hindi tama ang ginagawa ni ate. Don't tell me you would tolerate her?" I said unbelievably.
"Matatanggal ho ako sa trabaho.... Iyon ho ang sinasabi ko sa inyong ginagawang pagsaway ni Madam Allison sa mga magulang niya. Ilang beses na rin po namin siya nahuling nagdadala ng lalaki rito sa bahay kahit malinaw naman ho na pinagbabawal ni Sir Ramon iyon." Salaysay niya.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 2
Start from the beginning
