Nang maligpit kona ang mga gamit ko at naayos ko na rin ang mga maleta ko ay naligo na ako dahil nanlalagkit na ako, medyo pinawisan kasi ako sa pag-aayos. Pagkaligo ko ay nagbihis na ako ng pantulog. I wore a mint green soft cotton pajama coords.
Habang nagpapatuyo ng buhok tinignan ko ang orasan sa taas ng tv ko. Nakita kong alas onse pasado na. Gabi na pala, dapat matulog nako kasi may pasok pa ako bukas. Since first day palang naman ng college year ko, hindi pa masyado madami ang dadalhin. Bibili palang kasi kami ng mga gamit bukas dahil sasabihin ng mga teachers kung ano ang mga kailangan.
Matutulog na dapat ako kaso nakaramdam ako ng uhaw. Ayaw ko namang tawagin si Marah para lang kumuha ng tubig. Alam ko naman kung saan ang kitchen dahil ilang beses narin naman ako napunta dito noon kahit hanggang ngayon, kaya hindi na ako maliligaw kung sakali. Medyo madilim na nga lang kaya dapat ay dahan dahan lang ako pababa.
I am now taking steps down stairs. Nakasindi nalang ang ilaw sa labas ng bahay at ang sa loob ay halos hindi na nakasindi. Isang bumbilyang may katamtamang laki na lamang ang nakasindi malapit sa dining area. Nang makarating ako sa kusina, kumuha ako ng baso binuksan ko kaagad ang ref kaya't ang liwanag na nagmumula sa loob nito ang tumatanglaw sa akin.
Habang umiinom ng tubig nagulat ako dahil biglang bumukas ang pintuan sa may kusina. Kinuha ko kaagad ang vase na nakapatong sa island counter at handa na akong manghambalos ng kung sino man ang papasok nang nagulat ako dahil nakita kong si Marah iyon.
"Marah?" Tanong ko na ikinagulat naman niya. "Ba't nandito ka?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Sinindihan ko po yung ilaw sa labas." Sabi naman niya. Tumango lang ako.
"Akala ko kung sino na yung pumasok..." Sambit kopa habang ibinabalik ang pitsel ng tubig sa ref. "Anyways, may mga guards naman dito diba? So secured naman ang village?" Tanong ko.
"Opo, ma'am. Kaso minsan may mga nakakapasok pong mga may sakit sa pag-iisip dito sa village. Hindi po magnanakaw ang binabantayan ng mga guards, yung mga pulubi pong may problema sa isip." Salaysay niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paanong may sakit sa pag-iisip?" Tanong ko sa kaniya.
"Kumbaga yung utak po nila nasa ibang planeta." Describe niya pa. "Yung iba po kasi umaakyat sa mga matataas na gate ng mga bahay dito sa village. Tapos maliliksi po sila, yung iba nga po nakakapasok pa ng bahay kasi kaya po nila sumira ng mga lock ng bahay. Yung iba naman sa mga bintana dumadaan. Tuwing gabi halos sila nakakaakyat ng mga gate kasi alam nilang tulog na ang mga tao. Kaya tuwing gabi rin nagroronda yung mga guards para mabantayan nila. Pag naman sinita na sila ng guards at may dalang pamalo, matatakot naman sila eh." Sambit ni Marah.
"Saan sila kadalasan natutulog? Naninirahan?" Kuryoso kong tanong.
"Sabi ng mga guards, may silungan daw sila sa mga bakanteng lote dito sa village. Hindi naman nila mapaalis dahil nananakit daw, kaya hinahayaan nalang nila. Saka hindi naman mananakit 'yon kung hindi rin sila sasaktan.... Pumapasok lang naman sila sa mga bahay dahil humahanap ng pagkain, pero kapag gutom na gutom na sila kaya na daw nilang manakit... Yun ang sabi ng guards." Turan pa ni Marah.
Tumango lang ako at pilit na inaabsorb ang mga sinabi niya. This village is safe from robbers and culprits naman pala. Kaso kawawa naman yung mga may sakit sa pag-iisip, kailangan pa nilang magnakaw para makakain.
ANDA SEDANG MEMBACA
My Only Exception
CintaEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 2
Mula dari awal
