Nanatili akong nakikinig habang kumakain.
"For the house rules, ayaw kong may nag-aaway sa bahay. Kahit maliit na bagay o malaki, kung alam mong mag-aaway kayo, ayusin niyo na. Ayokong tumira sa bahay na hindi nagpapansinan. We have differences as a person but since we are all living under the same roof, matuto kayong mag-adjust. The maids are there to help, but it doesn't mean that they are there to be your slaves. Ayokong may mistreatment akong mababalitaan, dahil siguradong hindi 'yon makakalagpas sa akin. You have the power to say what food do you want to eat, and you are also free to request whatever you want but it doesn't mean you will abuse that power. You're free to help them, mas maganda kung ganoon.... Pero the least thing you can do is to treat them right. They are maids, not slaves." Sabi ni daddy. Tumango naman ako dahil naiintindihan ko naman ang mga 'yon.
"Also, may mga utos rin kami sa maids so alam nila kung hanggang saan lang sila." That is Tita Avah. Mukhang alam ko ang sinasabi niya, yun ang sinabi ni Marah kanina.
"For the rules na para sa inyo ng ate Allison mo...." Mas sumeryoso si daddy ngayon. "Ayokong may pumupuntang lalaki dito na hindi ko kilala. Kahit sino pa 'yan, kahit boyfriend niyo o kaibigan, kapag hindi niyo ipinakilala sa akin hindi sila welcome sa pamamahay na'to. I don't care kung anak sila ng presidente, basta hindi niyo sila ipinakilala ng maayos sa akin, huwag silang tutungtong sa bahay na'to." Matigas na sambit ni daddy. "You are allowed to enter in a relationship as long as....." Tinignan kami mata sa mata ni daddy na para bang nagbabanta. "As long as ipapakilala niyo sa akin yung boyfriend ninyo, or even girlfriend. I don't mind. Pero isa sa pinakaayaw kong gagawin niyo, ang magtatago kayo at gagawin niyong hotel place tong bahay na'to at iba ibang lalaki ang dadalhin niyo. This is a decent home with decent inhabitants. Huwag niyong dungisan ang bahay na'to. Kung may dadalhin kayong lalaki or boyfriend niyo, be it. Basta alam kong seryoso kayo sa relasyon niyo, hindi yung papalit palit kayo! Magtigil kayo sa mga ganong plano niyo, lalo na kayo at mga babae kayo."
"It's okay for them to explore, they are teenagers." Sabi naman ni Tita Avah.
"Explore and learn, hindi yung puro explore lang walang natututunan. Know your limitations, kapag sumobra kayo sa limitasyon, you must know the consequence. Be responsible!" Iyon ang mahigpit na bilin niya. "And for you Valerie...." Tumingin siya sa akin.
"Po?" Sagot ko.
"You're free to visit your mom and your aunties as long as you will sleep here at night. Kahit saan ka pa pumunta, ang gusto kolang umuwi ka dito ng gabi at dito ka matulog. Wala akong pakialam kung mapunta kapa sa ibang bansa sa umaga, basta pagdating ng gabi ay dito ka matutulog. Kung may pupuntahan ka naman na ibang lugar, you must inform me or anyone in this house para hindi kami mag-aalala. You're allowed to go anywhere as long as alam namin kung saan at sino ang kasama mo. You get that?" Tanong niya pa.
"Opo daddy." Turan ko.
"Incase na makalimutan niyo 'yon, rules are posted in your rooms and in the kitchen. Simple rules were not stated, basahin niyo nalang sa alloted place. Marah will show it to you later." Si Tita Avah iyon.
This house is truly organized, huh? May maganda naman palang quality tong bahay nato bukod sa interior and exterior design.
After our dinner, umakyat na ako sa kwarto. Inayos ko ang bedsheets ko at iba pang mga gamit. Inilagay ko na ang mga damit at undergarments ko sa drawer, yung mga panglinis ng mukha, mga accessories and make ups. Iniayos ko narin ang mga sapatos at sandals na dala ko, hindi naman ganoon karami iyon kaya hindi ako nagtagal ayusin iyon. Inilagay ko sa itaas ng tukador ang mga bag ko para hindi ako mahirapan hanapin. Dalawa lang naman ang bag ko, isa para pang gala at isa para pamasok. Sabi ni mommy huwag na daw ako magdala ng maraming bag dahil tiyak na bibilhan daw ako ni daddy kapag nakitang wala ako masyadong dala. As if namang bibilhan ako ng hindi ako nagsasabi?
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 2
Start from the beginning
