"Really? Paanong pasaway?" Curious na tuloy ako. Never kong nalaman ito.

"Diba po nag-aaral siya para maging flight attendant? Madami ho siyang nakakasamang mga—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang tinawag ni Binibining Quezada.

"Marah! Kaytagal mo naman riyan! Yung pinalilinis ko sa'yo dito!" Sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko.

"Andyan na ho, Binibini!" Sagot naman ni Marah. "Naku, pasensya na ho miss.... Mukhang may iuutos po si Binibini sa akin. Tawagin niyo nalang ho ako kung may kailangan pa ho kayo, ah? Nasa ibaba lang po ako." Sabi niya saka dali daling lumabas ng kwarto ko.

Tumango lang ako sa kaniya bago siya umalis. Naiwan tuloy ako rito sa kwarto na napapaisip sa kung ano iyong sinasabi niya. Pero naalis rin iyon sa isip ko nang inayos ko na ang mga gamit ko.... Naligo ako matapos ayusin lahat ng mga bagahe ko. Nag-ayos ako ng mukha saka nagbihis ng bestidang pambahay bago ko marinig ang phone ko na nagriring.

Tinignan ko kung sino iyon, at nakita kong si mommy ang tumatawag.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Anak, nakarating ka na ba riyan?" Pambungad na tanong niya sa akin.

"Opo, mommy." Sagot ko.

"Kamusta? Anong trato nila sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang naman ho. Huwag po kayong mag-alala." Sabi ko. Alam kong naiisip lang ni mommy na baka hindi maganda ang trato sa akin ng Valdez dito.

"Dapat lang. Yung palagi kong sinasabi sa'yo ha.... Tandaan mo 'yon. Huwag kang papatalo! Pag may nang-away sa'yo diyan sabihin mo agad sakin. Pupuntahan ka namin ng mga tita mo." Sabi niya na para bang handa ng sumugod rito. Naririnig ko pa sila tita sa kabilang linya na nagsasabi na "oo nga!". Natawa tuloy ako.

"Mommy, huwag na po kayong mag-alala.... Alam ko ho ang gagawin ko kapag dumating ang ganyang sitwasyon." Sambit ko ng may lakas ng loob.

"Dapat lang...." Aniya. Ilang minuto pa kaming nag-usap at nagkamustahan bago ako tinawag ni Yaya Astrid para kumain.

Dali dali akong bumaba at dumiretso sa hapag kainan. Dad is sitting on the center as always, katabi niya sa kanang bahagi si Tita Avah at katabi naman ni Tita Avah si ate Allison. Dumiretso akong umupo sa tabi ni daddy sa kaliwang bahagi, katapat ni Tita Avah.

We all prayed before eating, and while we are eating daddy started to tell some rules that I should know.

"Valerie, anak?" Tawag ni daddy.

"Po?" Sagot ko saka kumuha ng fried rice. Tinusok ko ang ham na nasa harapan ko at inilagay sa plato ko. Kumuha rin ako ng ilang pirasong bacon. This is new. Hindi ganito palagi ang ulam namin sa bahay, pero ayos lang dahil ang importante nalalamanan ang tiyan namin.

"I know it's not easy for you to adjust here, since ngayon ka palang talaga titira sa mansiyon na kasama kami. But I hope you would still feel comfortable and at home." Paunang sabi ni daddy.

Ngumiti lamang ako sa kaniya.

"Pero bilang ama mo at bilang may-ari ng bahay na'to, may mga iilan akong bilin sa'yo...." Napatingin ako kay daddy. "Your Tita Avah and I have some house rules and since you will live here from now on, gusto naming sabihin sa'yo yon. You and your Ate Allison is our top priority here, at ang mga rules ay ginawa para mapabuti kayong dalawa at lahat ng tumitira sa bahay na'to." Sambit ni daddy.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now