"Ay, salamat ho. Opo, noong nakaraang buwan lang. Kapatid ho ako ni Astrid." Sambit ng dalaga.

Oh, kaya pala she looks familiar. Kamukha niya pala ang yaya ko.

"Kaya pala komportable ako sa'yo." Sabi ko at nangiti pa.

"Ay, talaga ho ma'am?" Nangingiting sambit nito.

"Valerie nalang kasi." Ani ko at tinapik pa siya sa balikat. Ang kulit eh.

"Nakakahiya ho—" Pag-amba niya ng salita.

"Huwag kang mahiya!" Pagsangga ko sa mga sasabihin niya.

"Kasi po si Ma'am Allison, ayaw niya ho na hindi siya tinatawag na Ma'am o kaya Miss.... Kaya hindi lang ho ako sanay." Sabi niya. Napatango nalang ako.

Kaya naman pala, eh. Umupo muna ako sa kama ko.

"Upo ka muna." Aya ko sa kaniya. Pero tumanggi siya dahil nakakahiya raw.

"Hindi po kami pinapayagan ni Ma'am Avah na gamitin ang mga gamit ng amo namin, at kasama ho roon ang paghiga o pag upo sa kama ninyo." Sambit niya na ikinagulat ko.

"Hindi naman ako si Tita Avah, you're free to sit here. Uupo lang naman." Malumanay kong utas at ngumiti pero hindi talaga siya pumayag. Tumayo nalang ako at kinuha ang mga bagahe ko.

"Tulungan ko na ho kayo." Sabi ni Marah.

"No, it's okay ako nalang." Sabi ko.

"Sigurado ho kayo? Kung ganun po, aalis na ho muna ako. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo." Magalang niyang sambit.

"Can you stay here for a while? I just want to ask some questions..." Sabi ko, dahil may mga gusto akong malaman na hindi ko pa natatanong kahit pa kay Yaya Astrid.

"A-ano po 'yon?" Para siyang kinakabahan.

"Huwag kang kabahan, anuba! Hindi naman ako spy o mafia... Simple lang naman tanong ko." Sabi ko at binukas na ang isang luggage ko, ready to fix my things.

"Pasensiya na po. Hindi po kasi ako sanay makipag-usap ng matagal sa mga amo ko. Lagi lang ho kasi akong inuutusan rito." Aniya, nahihiya.

"Masungit ba sila rito? Strict? Mataray?" Tanong ko.

"Si Sir Ramon ho, strikto pero hindi naman po masungit. Pero yung asawa po niya, pati si Ma'am Allison. Naku, sobrang arte ho niyon—" Napatakip pa siya sa bibig niya na ikinatawa ko. Parang hindi niya napigilan ang sarili na magsumbong sa kung ano ang nakikita niya. "Pasensiya na po.... Hindi ko ho—"

"I like your honesty, though." Sabi ko at tumawa pa. "Walang makakalabas rito.... I just really want to know something about them, para alam ko kung paano ako gagalaw sa pamamahay na 'to." Sambit ko. Tumango lamang ang kausap ko.

"Si Ma'am Allison ho, spoiled yan at pasaway.... Halos lahat kami alam po ang mga ginagawa niyang paglabag sa mga magulang niya pero hindi namin siya maisumbong dahil matatanggalan kami ng trabaho. Kaya hinahayaan nalang po namin.... Hindi rin naman po kami papaniwalaan ng ina niya eh. Kami pa ang magmumukhang sinungaling." Sabi ni Marah na ikinagulat ko.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now