Chapter 1

6 0 0
                                    

(RYSIE POV)

"Tita alis na po ako" sabi ko kay tita na nagluluto ng almusal sa kusina.
"Hindi kana ba kakain?" tanong naman niya dahil sa hindi na nga talaga ako kakain malelate na ako.
"Hindi na po tita malelate na po kasi ako" sagot ko sakanya habang nagmamadali na bumaba ng hagdan.
"Oh eto dalhin mo na to" sabay abot sa pera na nasa mesa kanina.Kinuha ko na lamang yon at nagmadali ng lumabas ng pinto.

"Wataaaah!" Talon ko sa may gate.
Pumara na ako ng masasakyan ko dahil kung hihintayin ko pa yung sundo ko malelate na ako.

Habang nakasakay sa jeep nasisiksik ako dahil sa dami ng pasahero.

"Miss pwede ka bang umurong dyan?Ang sikip na kasi" sabi sakin ng katabi kong lalaki.In fairness gwapo pero lampake siya dapat ang umurong don.
"Nakikita mong masikip na din dito sakin diba?" sagot ko naman sakanya sabay balik ng tingin ulit sa bintana.

May sinasabi pa siya pero diko na siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya masyado siyang madaldal. Kalalaking tao naman kasi.

Pagkarating ko sa may gate ng university na papasukan ko tinitignan ko munang mabuti kung gaano ba kadami ang studyante dito?

Yung iba may mga sasakyan, yung iba naman umagang umaga palang may nag fefeeling queen bee na. Jusko apo mukhang hindi magiging maganda ang pagpasok ko dito.

Pumasok na ako ng tumatakbo.Akalain mong first day tapos late?Jusme.

"Waahhh!" Sigaw ni ateng malaki ang bunganga. Kita pa ngala ngala ha! WOW ang itim sis.

Pero dahil wala akong pakialam tinuloy ko nalang ang tumakbo hanggang sa diko alam kung paa ba yong naapakan ko or tae yak!

"Aray! Ano ba!" Sigaw sakin ni lalaking nakashades "where's the sun dude?"
"Peace yow" sagot ko at umalis na.Sumisigaw pa siya pero bahala siya mapasukan ng langaw yang mabaho niyang bunganga.

TWO SIDESWhere stories live. Discover now