CHAPTER 1<FIRST DAY>

4K 114 0
                                    

CHAPTER ONE

Dracia's pov

< first day>

kring! kring!

Pinatay ko na agad ang alarm clock na
nasa side table ko.

Hay, may pasok pala ako ngayon kaya dali-dali akong tumayo para gawin ang morning rituals ko tapos bumaba na ako ng hagdan at naglakad papuntang kitchen. Nadatnan ko ang mama ko na busy sa pag-aayos ng mga niluto nya.

Napangiti naman ako habang papalapit sa kanya. Nakatalikod sya sa akin kaya di nya ako nakita. Niyakap ko sya mula sa likod at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Good morning, Ma." sabi ko habang nakangiti. Nakita kong napangiti din sya. Iniangat niya ang kanyang kamay at hinihimas ang ulo kong nakapatong sa balikat niya.

"Good morning din, anak. Kain ka na para di ka malate."

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo na ako sa upuan. Umupo na din si mama.
Nasa kalagitnaan kami ng agahan nang magsalita si mama.

''Hanggang kailan ka ba mag-aayos ng ganyan anak? Bakit di mo na ginagamit ang kotse mo papuntang school?" Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Mama.

"Ma alam niyo naman po ang dahilan diba? At sa suot ko naman, disente namang tingnan a"sabi ko habang sinisipat ang sarili ko napangiti naman si mama.

"Basta anak pag may problema ka sa bago mong school sabihin mo agad ha?" napangiti na lang ako sa sinabi nya at tumanggo.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama. Siguro nagtataka kayo kung bakit kami lang ni mama ang nandito sa bahay no?

Ganito kasi yun

Only child lang kasi ako.
Papa ko? Ayun may ibang pamilya na , naghiwalay kasi sila ni mama nung nakaraang taon eh kaya kami lumipat dito ni mama. Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa din si mama pero itinatago lang niya sa akin.

Sustento?

Walang sustento kahit isang sentimo na nanggaling sa bulsa ng papa ko. Buti na lang may kompanya si mama na namana pa niya kay lola.
Ang kompanya na yun ang siyang bumubuhay sa amin pero kahit na busy si mama sa trabaho, may oras parin siya para sa akin.

*school*

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school na papasukan ko ay tinging ulo hanggang paa agad ang sumalubong sa akin kaya napailing- iling na lang ako.

'' Ang panget naman niya.''

'' Hindi siya bagay dito.''

Yan ang bulungan na naririnig ko habang naglalakad sa hallway ng bago kong school. Di ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang Ang paglalakad. Pakialam ko sa kanila.

Ako nga pala si  Ma. Dracia de Vega. Mayaman at maganda. Junior student at transferee sa school na inaapakan ko ngayon. As usual pinagtitinginan ako ng mga students dito. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ang bulung-bulungan nila.

''NERD'' yan kasi ang ayos ko ngayon. Pakialam niyo ba? Maganda pa Rin Naman ako kahit ganito Ang ayos ko ah.

Ayan na malapit na ako sa room ko. Tiningnan ko ang oras. 7:21am pa pala buti di pa ako late. 7:30 kasi magstastart ang first subject ko eh.

Nang mapatapat na ako sa mismong classroom ko ay napakunot ang noo ko. Sarado? Bakit kaya? Sumilip ako sa bintana at nakita kong nasa loob pala ang mga kaklase ko kaya nakahinga ako Ng maluwag. Di na ako nag- abalang kumatok at pumasok na lang ng diretso. Natigilan sila lahat pero diretso lang ako sa sa bakanteng upuan katabi ng isang babaeng tulog.

Mayamaya pumasok na ang teacher namin parang nas late 30's na ata. Nakangiti siya sa buong klase. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng classroom na parang may hinahanap hanggang sa mapako ang tingin nya sa akin.

Bakit kaya?

Ngumiti siya at pumunta sa table niya. May hinalungkat siya sa envelop niya pagkatapos makita yung anumang hinahanap niya, bigla siyang nagsalita

'' So you are Ms. De Vega? Come here on front and introduce yourself''
Ay oo nga pala transferee nga pala ako at kailangan pala magpakilala.Tumayo na ako at pumunta sa harap.

'' Hi! My name is Ma. Dracia de Vega. Pleased to meet you''  Pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa upuan ko nang di tumitingin sa kanila.

Pagkatapos ng dalawang subject ay dumeretso na ako sa cafeteria. Pagpasok ko palang marami nang nakatingin sa akin. Bibili na sana ako ng pizza ng may humarang sa akin.

Tiningnan ko sila ng matalim at dun ko lang narealized na di ko dapat ginawa yun.

'' Ow? Matapang!'' nakataas na kilay na sabi ng mga babaing nasa harap ko kaya dali- dali kong binago ang expression sa mukha ko.

'' Ano po bang kailangan niyo?''

'' Ikaw!'' Napakunot ang ang noo ko sa sinabi niya.

''Po? Sorry pero di ko po  kayo kilala. Mauna na po ako'' sagot ko sa kanila at maglalakad na sana palayo sa kanila pero nakakadalawang hakbang palang ako ng may humila sa buhok ko.
Napadaing ako sa sakit. Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at itinuon ang atensyon sa amin.

''Wag na wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita. Umayos ka! At ito ang tandaan mo, habang nag-aaral ka dito gagawin kong miserable ang buhay mo!"

At doon niya lang binitiwan ang buhok ko at buong lakas akong itinulak kaya naman napasubsob ako sa sahig habang minamasdan silang naglalakad palabas ng cafeteria

Bakit ginagawa nila sa akin to? Gusto ko sana silang sigawan pero di ko magawa.

Tumayo na ako at dali-daling bumili ng pagkain. Nagtungo ako sa bakanteng mesa at agad inubos Ang pagkaing binili ko. Gusto ko nang pumasok sa classroom. Lumabas na ako ng cafeteria at dali-daling tumakbo papuntang classroom.

Natapos ang araw ko nang walang naiintindihan sa mga lessons. Sino ba namang matinong studyante ang makakaconcentrate sa klase kung ang mga taong nakapaligid sayo ay lagi kang ginagambala?

Katulad kanina habang nagdidiscuss yung teacher namin may humihila ng buhok ko, may nanunundot sa tagiliran ko at higit sa lahat may nambabato sa akin ng crumpled paper .

Hay naku! Ganito ba ginagawa nila sa mga nerd? Bahala sila.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway pauwi. Madami pa namang studyante eh.

May sari-saring pinagkakaabalahan. Yung iba naglalaro ng kung ano-ano, may magkakabarkada namang nagtatawanan sa field habang kumakain. Nakakainggit tuloy. Wala kasi akong kakilala dito o kaibigan man lang.

Nabalik ako sa pag-iisip nang may malamig na likidong dumadaloy sa katawan ko, parang malamig na softdrinks ata.  Tumingin ako sa harap at dun ko nakita ang grupo ng babae na naka smirk sa akin

Seriously? Ano ba ang kasalanan ko?

'' Ano bang kasalanan ko sa inyo??''

Di ko mapigilang itanong sa kanila. Ngumiti lang ang babae na nasa unahan ng nakakaloko.

''Ay loko pala to eh! Di pala nakikinig kanina so it means nagmukha akong tanga dito?''at akmang sasabunutan na niya ako pero di natuloy nang may magsalita sa likuran ko.

''Don't you dare touch her'' napaismid na lang sila nang mapagtanto kung sino ang nagsalita at naglakad palayo magpapasalamat na sana ako sa taong nasa likod ko pero nang lingunin ko siya wala na siya.

Magdidiwang na sana ako ako ng lumingon ang leader nila.

''Prepare yourself NERD dahil hindi kita tatantanan'' sabi nya nang nakasmirk sabay talikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Ayy hindi pa pala sila nakalayo!

''I will'' bulong ko sa hangin.

Naisip ko first day na first day dalawang grupo na agad ang kaaway ko. Paano na kaya pag tumagal ako?
Sa totoo lang takot ako,
takot kung ano ang magagawa ko behind their back.

The show is about to start.

So prepare yourself bitches.

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now