Bayan Ng Del Miranda, April 30, 2006
Malalim Ang Gabi. Maingay ang paligid dahil sa mga tao na namamasyal sa perya. Sabay ang pagyapak ng dalawang pares ng mga paa sa sementadong daan. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Iah habang hawak ang kumpol ng cotton candy sa isang stick at inililibot ang tingin sa paligid dahil sa mga nagagandahang dekorasyon para sa araw ng pista.
Kasalukuyan silang nasa bayan at kakatapos lamang manood ng mga palabas sa perya. Kasama nya si Andrio.
Si Andrio ang kaibigan nya simula ng lumipat sila ng kanyang mga magulang sa Baranggay Costudio na sakop ng Bayan ng Del Miranda. Limang bahay lamang ang pagitan ng tirahan nila Iah at Andrio kaya madalas silang magsama sa paggala sa bayan.
Ang sentro ay ang Bayan ng Del Miranda. Nagsimula na kasi ang pagtayo ng perya sa bayan at mga tindahan dahil sa bukas na ang pista, para sa buong bayan na gaganapin sa mismong Del Miranda.
"Iah, may bibilhin kapa ba?" Tanong ni Andrio sa kasama.
"Bakit? Ililibre mo ba ko?" Ngisi ni naman ni Iah.
"Tsk. Hindi, kasi kung wala na umuwi na tayo. Gabi na baka hinahanap na tayo sa bahay." saad ni Andrio habang patuloy sa paglalakad
"Sige na nga, babalik nalang ako sa mismong araw ng Fiesta, siguradong mas masaya" iniisip ni Iah ang mga magiging ganap sa Fiesta. Siguradong mas madaming tao, palaro,tindahan at mga pailaw ang pupuno sa bayan.
Lumiko na sila ng daan para puntahan ang maliit na sari sari store na pagmamayari ni Manong Dong kung saan iniwan at pinahabilin nila ang dalawang bike na ginamit nila para makapunta sa bayan.
Naabutan nila si Manong Dong sa labas ng tindahan habang nagiimis ng kalat sa isang maliit na mesa na ginamit ng magiinom kanina sa tapat ng tindahan nya.
"Manong Dong, magandang gabi po" bati ni Iah na nagpalingon sa nagwawalis na matanda.
"Oh, kayo pala nandoon sa loob ang bisekleta nyo. Itinabi ko muna doon, pinakikielaman kasi ng mga binatilyong tambay kanina. Akala ata'y nagpaparenta ako ng mga bisekleta" natatawang saad ng Manong saka nagpatuloy sa pagwawalis.
Ngumiti naman ng kaunti at tumango si Iah habang dumiretso naman na pumasok sa makalawang na gate si Andrio. Sumunod naman agad si Iah at sabay nilang kinuha ang bisekleta bago nagpaalam sa Manong.
"Manong, uuna na po kami. Salamat po" pagpaalam ni Iah, hindi naman umiimik si Andrio dahil likas na kilala ito sa pagiging tahimik at suplado. Tutuloy na sana sila, ng marinig ang matinis na boses ng asawa ni Manong Dong, si Aling Tes.
"Iah, kayo ba iyan?" Sinilip sila nito mula sa bintana ng bahay at natuwa ng makitang hindi lamang si Iah ang nandoon kundi pati si Andrio.
"Ako'y intayin nyo diyan at may ibibigay ako ha, saglit lamang" sigaw nito mula sa loob ng bahay at nagmadaling pumunta sa kusina para kunin ang ibibigay sa dalawa. Di nagtagal lumabas na si Aling Tes dala ang dalawang plastic bag na naglalaman ng tig anim na balot ng sumang malagkit.
"Oh, ipasalubong nyo sa inyong mga magulang. Sabihin nyo'y espesyal iyan na gawa ko. Ako kasi'y naggagawa niyan at dinadala ko sa perya para ipabenta sa mga magtitinda doon." natutuwang sabi ng matanda. Nginitian naman siya ni Iah.
"Salamat po" magiliw nitong Sabi
"Naku walang anuman. Atsaka ako'y natutuwa't kasama mo itong si Andrio, kay gwapong binata" pinisil pa nito ang pisngi ni Andrio. Napangiwi naman si Andrio hindi dahil sa pagpisil sa pisngi nya kundi dahil sa pagtawag sa kanyang buong pangalan.
Natawa naman si Iah sa reaksyon ni Andrio. "Sige po mauna na po kami, magandang gabi po sa inyo" muling banggit ni Iah bago sila sumakay sa bisekleta. "Magiingat kayo sa daan!" Habol pa na sigaw ni Mang Dong ng tuluyan ng pinaandar ng dalawa ang mga bisekleta.
ESTÁS LEYENDO
Fall In Love, Again
RomanceIah Anyz, a woman of faith and success. Her life can be described as a success. A good work and career, happy life with her loving boyfriend. But it will all changed when her boyfriend suddenly....fall out of love. That made her asked "What is love...
