TRES

34 29 1
                                    

Pagkatapos ko maligo namili na ako ng damit na susuotin ang napili ko ay sundress na color white na umabot hanggang tuhod ang haba saka nag doll shoes nalang ako na color brown after ko magayos bumaba na rin ako. Pagbaba ko napansin kong wala si mama sa may sala, nasa kitchen siguro si mama pumunta ako ng kitchen para tignan kung nandun si mama. Pagdating ko doon naabutan kong nagbabake siya. Nilapitan ko si mama at sinilip kung anong binabake niya, omg cookies! Hindi na ako makapaghintay na ubusin yung cookies. Yum!

"Ma, aalis na po ako, saka tirhan mo ako ng cookies ha."sabi ko kay mama.

" Oo titirhan kita, alam ko naman na favorite mo to. Sige na umalis ka na."sagot ni mama at nagsign na umalis na ako.

Nagtataka nga ako bakit nandito yata ngayon si mama sa bahay, tuwing weekends kasi lagi siyang nandoon kanila kuya para bisitahin yung mga apo niya. Si papa naman mas lalong busy yun pag weekend, minamanage niya yung pinaghirapan niyang itayong business, ang Bernardo Cuisine. Chef din si papa katulad ni ly, doon din nag-work si ly sa restaurant namin.

10 minutes lang naman na paglalakad simula sa amin hanggang kanila ly. Nang makarating na ako sa bahay nila nag doorbell na ako lagi kasing naka lock yung gate nila para hindi makalabas si athena. One time kasi naiwanan bukas ng maid nila yung gate nung nagtapon ng basura sa labas ng house nila, nakatakas si athena, kung saan saan pa namin hinanap, may nakapagsabi lang na nakita nilang nasa park ng subdivision si athena, kaya simula nun lagi ng naka lock yung gate. Pinipindot ko ng pinipindot yung doorbell wala lang trip ko lang pindutin ng pindutin para mabulabog sila. Luh ang bad ko hahaha.

Pinipindot ko pa rin ng pinipindot yung doorbell habang nagphone, napakatagal naman kasing buksan sensitive ang skin ko, naaarawan ako.

"Balak mo bang sirain ang doorbell namin." tanong sa akin. Tinignan ko kung sino yung nagsalita, bago kasi pandinig ko yung boses niya, pagtingin ko wow greek god ba itu?! Shemay ang pogi mo koyaaaa. Brown hair, pointed nose, magkaiba ang kulay ng mga mata niya sa right side brown yung kabila naman blue, ang tangkad din niya tingin ko 6'4, napansin ko rin na may scar siya sa may kilay niya nakadagdag sa appeal yung scar niya. Napansin ko rin na alagang gym yung katawan niya hapit na hapit kasi yung white tshirt na suot niya, ang lalaki ng muscles, for sure walo pandesal nito.

"Tita beshy!" sigaw ni athena pagkakakita niya sa akin. Tumakbo agad siya papunta sa akin, tinulak pa nga niya yung lalaki para makalabas e.

"Tita beshy! I miss you." sigaw ulit ni athena saka yumakap sa akin.

"Aww sweet naman ni baby beshy ko. Miss na rin kita." sagot ko sa kanya at binuhat siya. Tumingin naman si athena dun sa lalaki.

"Tito, ito tita beshy ko. Parehas kami maganda no?" humahagikgik na tanong ni athena, ito pala yung kapatid ni ly.

"Mas maganda ka baby." sagot niya kay athena, napairap nalang ako sa sinagot niya. Sana oil sinasabihan ng maganda.

"Aba hindi ka late ngayon a." asar ni ly paglabas niya ng gate, hindi manlang namin napansin na nakalabas na siya. Napairap nalang din ako sa pangaasar niya, hindi naman talaga ako nalalate e maaga lang talaga sila laging nakakarating pag nagkayayaan ng bonding.

" Kuya si Misha nga pala, Misha si kuya Lyrico Asher." pakilala sa amin ni ly ng kuya niya, tumango nalang kami ni asher sa isa't-isa. Nagyaya na rin si ly pumasok, pagpasok namin nakita ko na nanood pala sila ng movie, jumanji pala pinapanood nila na ang bida ay si Dwayne Johnson. Nagpaalam lang si ly sa amin na magluluto lang daw siya. Umupo nalang ako sa may sofa at inayos ng upo si athena sa kandungan ko, nakita kong umakyat lang si asher. Saan punta koyaaa? Sama ako. Chaarot hahaha.

"Tita beshy, bakit ngayon ka lang po pumunta? Miss kaya kita." tanong ni athena sa akin habang nilalaro yung may kahabaan kong buhok, nakalugay lang kasi ang buhok ko.

"Baby beshy, alam mo naman nag teach si tita diba? Need ni tita mag teach para marunong na yung mga kids mag count ng numbers saka Alphabet." sagot ko sa kanya habang inaayos yung pagkakatali sa buhok niya.

"Eh tita? Gusto ko play tayo lagi e."naka-ngusong sabi ni athena, ito talagang bata na na ito. Spoiled kasi to sa grandparents niya, lagi binibigay ang gusto.

"Baby beshy, play nalang tayo now tara doon sa playroom mo." sabi ko nalang sa kanya para maiba ang usapan. Bago pa kami makapunta ni athena sa playroom niya dumating si asher, yumuko siya para kausapin si athena.

"Baby, punta ka na ng playroom mo ha, susunod nalang kami ni tita mo." sabi niya kay athena at umayos na ng tayo, tumango lang si athena at patalon talon na pumunta sa playroom niya. Bumaling naman siya sa akin nung wala na si athena, saka niya ako hinawakan sa braso at hinili pa akyat. Napasunod tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.

"Ho-hoy! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya, pilit ko naman tinatanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" sabi ko ulit sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Nalagpasan na namin yung kwarto ni ly at ni athena, patungo kami dun sa dulo ng hallway kung saan may dalawa pang kwarto. Ang sabi sa akin ni ly room daw yun ng kuya niya yung isang room hindi ko lang alam kung kanino, bali nasa left side yung kwarto ng kuya niya. Napansin ko rin na doon kami papunta, pagpasok namin patulak niya akong binitawan papunta sa kama niya. Aray naman! Pwede naman bitawan nalang ng maayos e kailangan pang itulak. Umayos ako ng upo at tinignan yung braso ko kung saan niya hinawakan naman oh! Mag bruise pa!

"Ano bang problema mong lalaki ka ha?! Bakit bigla ka nalang nanghihila?!" sigaw na tanong ko sakanya. Nakatingin lang siya akin, maya maya nagsalita na rin siya.

"I like you." sagot niya. Nagdugtong yata yung kilay kong manipis sa sinabi niya. Hinila lang niya ako dahil "like" daw niya ako.

"Adik ka ba ha? May pa-like like ka pang nalalaman diyan."naka taas kilay na sabi ko sa kanya saka tumayo na para lumabas sa room niya. Wala naman kwenta sinasabi niya e. Like at first sight ganern?!

Bago ko pa mabuksan yung pinto, hinila niya ako at sinandal sa may pintuan saka niya tinukod yung dalawang braso niya sa may uluhan ko para hindi ako makatakas saka siya yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Nanlalaking mata tuloy na napatingin ako sa ginawa niya.

"A-anong ginaga-ginagawa mo? lumayo ka ngaa!" utal utal na sabi ko saka tinutulak siya palayo sa akin. Hindi siya natinag sa pagkakatulak ko sakanya, patuloy pa rin siyang nakakatitig hanggang sa bigla nalang niyang hinawakan yung bewang ko at hinila ako papunta sa kanya, saka hinalikan. Nanlalaking matang nakatingin lang ako sa nakapikit niyang mata. Shems! Hinalikan niya ako! Nung natauhan na ako sa pagkakahalik niya, tinulak ko siya palayo sa akin pero ayaw niya pa rin talagang magpatinag, kahit anong gawin kong pag tulak sa kanya wala naman epekto. Maya maya, linayo niya konti yung mukha niya sa mukha ko saka hinaplos ng thumb niya yung lips ko.

"You're mine." sabi niya saka ako binitawan at lumayo sa akin. Yung mga kamay niya nilagay niya sa bulsa ng pantalon niya.

"Excuse me Mr. Kiss Stealer, you don't own me!!" sigaw ko sa kanya saka padabog na lumabas ng kwarto niya.

May pa you're mine, you're mine pang nalalaman ang mokong!

----------------------

Okay lang ba tong chapter na to? 🙂

Please Follow me po. ❤️
Vote na rin kayo. ❤️ ❤️
Comment na rin yung mga opinion niyo po. 😊
Your opinion matters. 😊😊

1331 words.

Forever with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon