UNO

50 29 4
                                    

I'm currently waiting for my Bestfriend here sa Park, bumili kasi siya ng milktea na paborito naming inumin habang naghihintay ako nakikita ko ang mga couple na nakatambay din dito sa park. Hays mapapa sana all ka nalang talaga tuwing may nakikitang couple, I'm already 25 years old at wala pa rin akong boyfriend tinalo pa ako ng bunso kong kapatid 22 lang siya pero may girlfriend na sana all diba. Hindi ko alam kung pangit ba ako or ano pero sabi naman nila maganda daw ako maputi, parang hindi na nga daw ako naarawan sa puti ko,5'5 ang height, Long Brown hair na hanggang bewang, Black eyes, pointed nose at sexy. Hay Lord sana naman magka jowa na ako ang tanda ko na po, ayaw ko na po maging taga sana all ng mga lovers na kaibigan ko diyan.

"Huy te, anong ginagawa mo diyan? Nagdadasal ka ba? May pa pikit pikit ka pang nalalaman diyan te" tanong agad ng bff ko na si Lyrica, mas matanda ako ng 2 taon kay Ly.

"Pumipikit pikit lang nagdadasal na? Hindi ba pwedeng masakit lang sa mata makita yung mga mag jowa diyan." biro ko sakanya sabay inirapan siya. Inabot naman niya sa akin yung binili niyang milktea.

"Hahaha. Bitter lang te? Dami naman lumalandi sayong mga lalaki yun nga lang hindi mo pinapansin, wag ka ngang magpaka-choosy. " tawang tawa pang sabi ni Ly sa akin habang umiinom ng milktea.

"Aba. Marupok lang pero choosy pa rin no." natatawa ko ring sagot sa kanya at tinignan siya. Minsan hindi ko rin maiwasan na hindi mainggit sa kanya e, may 4 years old na siyang baby girl na si Athena at 7 months na siyang preggy baby boy naman. Halos lahat ng kaibigan ko may asawa't - anak na, yung iba naman engaged na. Taga sana all nalang ata talaga ako sa mga kaibigan ko e.

"Te may ipapakilala nga pala ako sayo." sabi ni ly habang hinihimas ang may kalakihan na niyang tiyan. Napansin ko rin wala ng laman yung milktea na iniinom niya, Ang tagal ko na yatang nakatingin sa kanya kaya hindi ko napansin na naubos na agad yung milktea niya. Buti nga isang milktea lang yung ininom niya ngayon e, dati nakaka-dalawa or tatlo pa yan ganoon siya ka-adik sa milktea.Ininom ko na rin yung milktea ko naalala ko tuloy si ate gurl na nag viral sa tiktok na sinusuyo ng boyfriend pag nagtatampo. Melkti lang binili? Sayang walang borger at prays sana all sinusuyo ng juwa hahahaha.

"Sino nanaman yang ipapakilala mo ha? Ang dami mo ng pinapakilala sa akin ha parang lahat na yatang kilala mong lalaki pinapakilala mo sa akin dahil sa pag ala kupido mo. " naalala ko tuloy yung mga blind date na pinuntahan ko. Meron saksakan ng yabang, napaka-presko sa sobrang presko tinatangay na ako ng hangin, meron naman payat yung tipong konting tulak ko lang sakanya tatalsik na siya, may chubby naman na ang sarap gawing kutson. Laging palpak mga pinapadate nitong ly na ito.

"Don't you worry te, yung kuya ko ang ipapakilala ko sayo nakauwi na kasi siya galing singapore. Single and ready to mingle na nga pala si kuya hahaha."

"Ay nako tigilan mo ako sa mga pa-ganyan ganyan mo ha, teka beke nemen sa pasalubong." biro ko sakanya kahit na totoo naman na sana may pasalubong na ibigay sa akin hahaha.

"Meron yang pasalubong nagsabi ako kay kuya na ibili kang chocolate, kaya pumunta ka bukas. Doon ka na rin mag-lunch magluluto ako nung mga favorite mong food."

Yun naman pala may pasalubong e. Pag may pasalubong gora na agad hindi na kailangang pagisipan pa yun charooot! Hahaha.

"Bet ko yan pupunta talaga ako kaya sarapan mo yung lulutuin mo ha.Tara na juntis uwi na tayo. Mag gagabi na o." yaya ko sa kanya pauwi. Kanina pa kasi kami nandito sa park kasi nagyaya siyang lumabas wala daw kasi siyang magawa sa kanila wala kasi si athena at ang mama niya ngayon sa kanila namasyal kasi ang mag lola. Nagsasawa na rin kasi siya kakanood ng series or movies yung husband naman niya wala ngayon sa kanila may business trip yata.

"Baka naman malate ka pang pumunta sa amin ha ang lapit lang ng bahay niyo sa bahay namin, lagi ka pa naman din nalalate." paalala ni ly sa akin

"Opo hindi ako malalate bukas. Sige na pumasok ka na. Bye na."sabi ko sakanya hinintay ko lang siyang makapasok sa gate nila bago ako naglakad pauwi na rin sa amin. 25 na ako pero nakatira pa rin ako sa bahay namin sa may antipolo kahit binilhan ako ng condo ni papa sa may pasig hindi pa rin ako nag-sstay doon kaya pinaupahan ko nalang kaysa naman walang nakatira doon. Mas gusto ko pa rin kasing kasama sila mama sa bahay nakakalungkot din kasi pag magisa ka lang sa bahay kaya hindi ko bet umalis dito. Pagkauwi ko sinalubong agad ako ng mga alaga naming pets, marami kasi kaming alagang pets kasi pag may nakikita akong kuting inuuwi ko tapos yung ibang dogs naman bigay sa amin pinakain ko muna sila mukhang wala pa kasi si mama na laging nagpapakain sa mga alaga namin,wala kasi kaming maid, sinanay kami na maging independent kaya hindi na kumuha ng maid. After ko silang pakainin umakyat na rin ako sa room ko, pagpasok ko derecho agad ako sa closet ko para pumuntang cr, connecting door kasi kaya need muna na pumuntang closet bago makapuntang cr. Nakasayanan ko na kasing maligo bago matulog saglit lang ako naligo at pumasok sa connecting door papuntang closet ko magkatapat yung pinto ng cr ko at pinto papuntang room ko. Pag pumasok ka sa closet ko para kalang nasa isang boutique, nasa right side naka display yung mga dresses, gowns, jeans, skirt or yung mga need isampay, tapos may mga drawers din para sa mga need ituping damit at underwears, left side naman nandun yung vanity ko may mga drawers din para sa accessories or make-up ko, sa may right side naman ng door ng cr doon nakadisplay yung mga bag ko, sa left side naman may malaking mirror na nakalagay. Sa middle part ng room naman meron dun mga istante kung saan nakadisplay yung mga watches and jewelries ko. After ko magbihis lumabas na rin ako. Bukas ko nalang tatapusin yung lesson plan na ginagawa ko.

Knock knock

"Who's there?" biro ko sa kumakatok habang nag facebook.

"May pa who's there, who's there ka pang nalalaman diyan, oh eto pinapabigay ni vreni." sabi ng masungit kong kapatid na si mike. Kinuha ko naman ang inabot niya at tinignan, si vreni talaga may binigay nanaman na kung ano. Girlfriend ng kapatid ko si vreni, make-up artist siya ng ilan sa mga sikat na artista, may business pa sila ng kapatid ko na clothing line na ang name ay Creed. Mahilig talaga si vreni magbigay ng kung ano anong bagay sa akin nung nakaraan lang binigyan ako ng eyeshadow palette e hindi naman ako marunong maglagay nun puro powder, lipstick at eyebrow lang naman ang nilalagay kong kolerete sa mukha ko. Ang binigay naman niya ngayon facial foam, isang brand ng sabon na palagi kong ginagamit yung brilliant skin.

"Pakisabi kay vreni thank you nag abala pa siya, kakabili ko lang din ng ganito kahapon." sabi ko sa kapatid ko tanging tango lang ang sinagot niya at lumabas na sa room ko, mukha lang kaming hindi close ng kapatid ko, paiba-iba kasi yung mood nun, minsan madaldal, minsan tahimik pero madalas masungit pero close na close talaga kami niyan mas close ko pa nga siya kaysa sa kuya ko e. Ito kasing si mike ang partners in crime ko sa mga kalokohan, sa kanya ko rin nasasabi yung mga secrets ko. Only girl lang kasi ako sa amin magkakapatid, 32 years old na ang kuya namin na naka bukod na may pamilya na kasi siya kasi maagang nag asawa. Dalawa na rin ang anak niya isang 10 years old na lalaki na si Micko at 9 years old na babae na si Rachelle, tapos ako na 25 years old at si mike na bunso.

What an unproductive day today.

----------------------
Since this is the first story that I'll be publishing. I decided na maikli lang per chapter and this would be 10 chapters only plus the Ending. Please bear with me sa mga chapters na waley kwenta hahahaha.

Vote and Comment lang po sa mga opinion niyo regarding sa story ko. ❤️

Sana magustuhan niyo yung gawa ko. Love love love. ❤️ ❤️

1438 Words.

Forever with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon