"Ang kapal mo ha! Pinapabigay lang yun ni mama sayo no, masyado kang assuming! Saka tigilan mo na nga yang kakatawag sa akin ng baboy!" asar na sagot ko sa kanya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, mahilig pa rin talaga akong asarin.

"Ayoko nga Baboy!" naka smirk na asar niya sa akin.

"Tse ! Makaalis na nga dito wala ka naman kwentang kausap!" kabadtrip yun ang ganda ganda na ng araw ko sinisira niya. Bibili pa nga pala akong pandesal lagot ako kay mama paguwi ko pag wala akong nabili.

"Ang sungit sungit mo pa rin talaga Baboy! Punta ako sa inyo ha!" Pahabol pa niya na sigaw. Hindi ko nalang siya pinansin, kahit ganyan yan si clyde matalik na kaibigan ko talaga yan, na-sad nga ako ng very very light nung bigla nalang siyang hindi pumasok, nabalitaan ko nalang kay mama na nag migrate pala sila papuntang America. Simula nun wala na kaming communication hanggang sa nakalimutan ko na siya. Mag best friend ang mga mama namin ni clyde kaya lagi kami magkasama pag pumupunta sila sa amin or pag kami ang pumupunta sa kanila. Inis na inis din ako diyan kay clyde dati paano kasi lagi niya akong inaasar natatandaan ko pa nga yung mga pang aasar niya sa akin nun.

"Misha-baboy! Ang takaw takaw mo talaga kakatapos lang natin kumain ng lunch tapos kain ka nanaman ng cookies. Oink oink." asar ng batang clyde kay misha habang papunta silang dalawa ni misha sa may garden para umupo sa may swing. Kakatapos lang kasi nila kumain ng pananghalian sa bahay ng pamilyang Bernardo, pamilya nila Misha. Magkasama kasi nung araw na yun ang pamilya nilang dalawa.

"Pakialam mo naman payatot! Kakain ako kung gusto ko no!" pairap na sagot ng batang si misha at humarap kay clyde.

"Wala ng magkakagusto sayo niyan kasi lalo kang magiging baboy! Hahahaha." asar pa rin ni clyde

"Hindi yan totoo! Sabi ni mommy marami daw magkakagusto sa akin kasi pretty ako kahit mataba!"

"Hindi yon totoo baboy. Baboy, Baboy, Baboy! Hahahaha." patuloy pa rin na asar ni clyde habang tinutulak si misha. Sa huling tulak ni clyde hindi niya sinasadya na naitulak niya ito ng malakas kaya napaupo si misha nabitawan niya rin ang hawak niyang cookies na paborito niyang kainin. Naiiyak na tumingin siya kay clyde dahil sa ginawa nito, nagulat naman si clyde na makitang naiiyak na si misha tutulungan niya sana ito ngunit tinulak siya ni misha, napaupo tuloy siya sa lakas ng pagkakatulak ni misha.

"I hate you! Bad ka! I hate you!" umiiyak na sigaw ni misha saka tumayo at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Napapailing nalang ako tuwing naalala ko yun, isa lang yun sa mga pang-aasar sa akin ni clyde. Nagpasya na rin akong umuwi 7am na rin kasi, for sure hinihintay na ni mama yung pinapabili niyang pandesal. Pagkauwi ko, nakita ko si mama sa may sala may kausap nakatalikod sa akin yung kausap ni mama, lumapit nalang ako para iabot kay mama yung pandesal.

"Oh anak, nandito ka na pala. Naalala mo pa si tita marga mo no?" Tanong ni mama. Si tita marga na pala ito mukha pa rin siyang bata ha, ang alam ko mas matanda siya kay mama. Well mukha pa rin naman bata si mama kaya laging napagkakamalang ate lang namin siya e.

"Hello po tita. Kamusta na po kayo?" tanong ko kay tita marga.

"Okay lang naman misha, eto maganda pa rin. Aba misha! Ang laki na ng pinagbago mo a, naaalala ko pa na ang chubby chubby mo pa noon." sagot ni tita, ngumiti nalang ako sa sinabi ni tita. Ang taba ko naman kasi talaga noon e, kaya lagi din ako tinatawag ni clyde na baboy.

"Oo mare, nung nag dalaga na yan babaeng yan naisipan niya na mag diet na at mag exercise!" natatawang sagot ni mama.

"Naalala ko pa nung mga bata kayo ni clyde, lagi kayong nagaasaran noon para kayong aso't-pusa hahaha. Teka! Naalala mo pa naman si clyde diba misha?" tuloy tuloy na sabi ni tita. Hindi ko na sinabi sa kanila na nagkita na kami ni clyde tanging tango nalang ang sinagot ko kay tita at bumaling kay mama.

"Ah ma, pupunta pala ako kanila ly mamaya ha dun na ako maglunch ipagluluto niya raw kasi ako, saka ipapakilala niya daw ako sa kuya niya."sabi ko kay mama pupunta ako ng maaga dun sa kanila para hindi malate saka maka-bonding na rin si athena.

"Nirereto ni ly yung kuya niya sayo? Aba kung oo sagutin mo na agad agad para magkaroon ka na ng boyfriend, tanda tanda mo na wala ka pa rin boyfriend." sagot ni mama sa akin. Luh I-broadcast ba naman na wala akong jowa. Nagpaalam na ako na aakyat na ako baka humaba nanaman yung sasabihin ni mama, kesyo nung ka-edad niya raw ako pinagbubuntis na niya ako ganoon.

"Aba mare single din si clyde, baka pwede na rin ireto kay misha."

Narinig ko nalang na sabi ni tita marga habang papalayo ako sa kanila. Ano yung patpatin na yun magiging jowa ko, no way! Umakyat na ako ng room ko, umupo muna ako sa may sofa na malapit lang din sa bed ko para magpahinga saglit. Simple lang naman ang ayos ng room ko. A mix of pink and gray ang color ng mga gamit dito sa room ko pati na rin paint sa walls, yun kasi ang paborito kong kulay, a queen size bed, study table sa left side, sa may right side naman kung nasaan yung closet ko nandun sa gilid yung 42 inches flat screen tv, may sofa na rin na kulay gray at pink na bean bag, malaki din akong white carpet na nakalagay sa both sides ng bed ko. Pagkatapos kong magpahinga, naligo at nagayos na rin ako para makapunta na kanila ly Miss ko na si baby bubwit e.

A person from the past ang nag come back huh.

----------------------
Okay lang ba? 🤔

Please Vote po. ❤️
Comment na rin yung mga opinion niyo with regards sa gawa ko. Your opinion matters. ❤️ ❤️

1711 words

Forever with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon