(Messenger)
Armmond Theseus Zamora
09.xx.20xx
9:58 AM
Jameiko:
Sorry late
wala rin muna kong joke
Seen, 10:02 AM
Kwento muna
Medyo nagkaron ng away sa mga kaibigan ko
May kaibigan akong ilag kase sa babae
As in SOBRA!
Inaaway-away namin siya lagi tungkol don.
Tinatawanan lang niya kami most of the time.
Seen, 10:08 AM
Pero alam namin deep inside...
Deep inside nasasaktan pa rin siya.
Isa siya sa pinakamaloko sa tropa.
Pero malaking sugat sa kanya ang iniwan ng babaeng minahal niya.
First time ko siyang makitang umiyak non.
As in hagulgol iyak.
Niyakap namen siya non ng mahigpit.
Kailangan niya talaga kase non.
Di kami sanay na ganon siya.
Seen, 10:12 AM
Isa sa joker ng tropa eh.
Kuya na rin kahit halos magkaka-age kami.
Kaya saludo ako sa kanya.
Nagagawa pa niyang tumawa at patawanin kami.
Kahit alam naming may mga pinagdadaanan siya.
Feeling ko ang harsh ko madalas sa kanya.
Hay.
Di pa rin ako sanay na nagsi-seen ka!
Seen, 10:17 AM
Pero keri lang.
At least binabasa mo na.
Feel ko may nakikinig na saken kahit papano.
Kahit minsan pakiramdam ko mag-isa talaga ko.
chos
Laters, may class na ko!
Seen, 10:20 AM
************
If you like this story, please support and don't forget to vote, comment, follow and share this story. 🤗
Twitter: @KarellMarine
STAI LEGGENDO
Echo
Romanzi rosa / ChickLitMy name is ECHO and goodbyes for me are HELLO. Say yo to Echo, a popular student of Phoenix Heights University as she deals with life full of hellos and goodbyes. Debuted @ #110!🔥 (11/09/17) Peaked @ #69 (11/10/17) @ #64 (11/11/17) @ #59 (11/12/17)