Napangiti naman ako at hinahaplos ang buhok niya. Kita sa kinalulugaran ko ang mga magagarang sasakyan na naka-park sa tabi ng sasakyan ko

'Hindi pa sila naka-alis?' Tanong ng isip ko

Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang? Sumasakit ang ulo ko dahil sa pinagsasabi ni Mr. Alessandro Von Knight. I actually can't believe him. For pete's sake, he is a playboy. Madami na rin siyang babaeng naikama. How did I know? Well, may pagkakataon kasing pinag-uusapan namin------ I mean, ni Ana si Mr. Alessandro. Madaming alam si Ana. She's a chismosa. Kaya mabilis makakalanghap ng balita. Kaya kay Ana ko nalalaman ang tungkol sa bagay-bagay na yan

I will avoid him as long as I can. I don't want to be part of his life. Never

"Ate Reign, may problema po ba?" Tanong sa akin ni Mike

Binalingan ko naman siya ng tingin at ginulo ko ang buhok niya na hinahayaan niya naman ako. Hindi kasi ito nagpapagalaw sa buhok ng iba

"Wala naman Mike" Nakangiti kung sagot sa kanya

"Nga pala Ate Reign. May bisita ba tayo? Bakit po ang daming magagandang sasakyan na naka-park sa tabi ng sasakyan mo?" Tanong ulit ni Mike sa akin

Sasagot na sana ako pero dumating si Mother Superior Divina kasama ang lima (Alessandro, Stephen, Luke, Ethan and Daniel)

"Mga bata. Ipapakilala ko sa inyo ang bagong nag-donate ng Angels Orphanage. Si Kuya Alessandro *sabay turo kay Mr. Alessandro na naka-poker face lang*, si Kuya Stephen *sabay turo kay Stephen na katabi lang ni Alessandro na sobrang lawak ng ngiti*, si Kuya Ethan *sabay turo kay Ethan na kumakaway sa mga bata habang may malapad na ngiti*, si Kuya Daniel *ngumiti lang si Daniel sa mga bata*, at si Kuya Luke *matipid lang ngumiti si Luke*" Pakilala ni Mother Superior Divina sa kanila

"Hello po mga Kuya" Sabay na bati ng mga bata sa lima

"Yey! May Kuya na tayo" Natutuwang sabi ni Lala

Napatingin naman ako kay Mike na seryoso lang. Kaya napakurap-kurap ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakita si Mike na seryoso. Palangiti kasi si Mike

"Mike, may problema ka ba?" Tanong ko kay Mike

"Ayaw ko sa kanila" Nakasimangot na sagot nito sa akin

"Bakit naman?" Tanong ko ulit sa kanya

"Hindi ko alam kung bakit Ate Reign, basta ayaw ko lang sa kanila" Nakabusangot na sagot nito sa akin

Napangiti naman ako. Mas lalo lang nagiging cute si Mike

 Mas lalo lang nagiging cute si Mike

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.
The Mafia Boss PossessionKde žijí příběhy. Začni objevovat