Redemption-7

629 36 38
                                    

"Hi, nandiyan ba si doc?"

"Nasa OR pa ma'am, upo muna kayo."

Hawak ang dala-dalang tupig at tumbler ay umupo siya harap ng mesa nito. Nagbigay din siya kanina sa nurse station at sa secretary nito.

Ang tupig ay gawa sa malagkit na bigas na nilagay sa dahon ng saging at iniihaw. It is a delicacy from Laoac, isang maliit na bayan sa Pangasinan. Ng matikman niya ito ay hindi niya napigilan ang sarili na bumili ng marami. Masarap i-ipartner sa barakong kape ni tay Emong.

"Hi." Tumayo siya ng makita ang doctor na pumasok sa pinto ng office nito.

Lumiwanag ang mukha nito ng makita siya. "Thought you'd be home tomorrow."

Ngumiti siya sa doctor. "Tumawag sila sa La Constancia, napaaga yung delivery ng mga mga tents."

Since that night, everything had change?

Or you can say she got back on her normal self.

"How's the oldies?" Term nito kay nay Lydia at tay Emong. "Upo ka."

Umupo muna siya. "Still in love with each other." Natatawa niyang sagot.

He chuckled. "What do you have in there?" nguso nito sa dala niya.

Oo nga pala. "Tupig, it's great promise." Binuksan niya ang kahon.

Kumalat sa office nito ang masarap na amoy ng tupig. Kumuha siya ng isa at binalatan tsaka inabot sa lalake.

"What do you think?"

Kumagat ito ng malaki. "Hmm, masarap nga."

Kinuha niya ang tumbler at binuksan ito. "Surprise!"

Napapikit ito ng malanghap ang kapeng barako na ipinabaon nit ay Emong.

"This is heaven." Bulalas nito matapos uminom. "I miss-"

Namula siya ng magtagal ang titig nito sa kanya.

"This." Tukoy nito sa kape.

Pinilit niyang hamigin ang sarili. Even though they became closer, hindi niya mapigilang mamula sa tuwing nasa-salubong niya ang mga mata nito.

"Mauuna na akong umuwi."

She was about to stand ng hawakan nito ang kanyang braso at muling maingat na pinaupo.

"Can you stay for 5 minutes more?"

Nagtatakang muling bumaling siya dito. "Why?"

Binitawan nito ang braso niya at nangalumbaba sa mesa nito at tumitig sa kanya. "I want to rest."

Kumunot ang noo niya.

Anong connect?

Naiilang man ay hinayaan na lamang niya ang trip nito.

Ayaw man niyang aminin, she wanted to stay too. Hindi din niya alam kung bakit, just by looking at him takes her tiredness away.

How could that be possible?

Hindi mabilang ni Lou kung ilang beses na siyang napabuntong hininga. She was so nervous that she can't help to bite her pencil.

It's La Constancia's opening. They're fully booked pero hindi niya maiwang nerbyusin. What if the customers won't be satisfied?

What if it won't go according to their plans?

Hindi sila magandahan?

Hindi sila mag-enjoy?

"Ma'am, nakahanda na po ang lahat. In any minute magda-datingan na po ang mga customers natin."

Kagat labing tumango siya. Hindi niya alam kung tatayo o uupo. Maglakad pabalik-balik.

RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon