CHAPTER 2

10 1 0
                                    


I thought it's bad of having a social media account. Madalas kong mapanood ang mga krimeng nagaganap at laging may koneksyon sa social media.

Naiintindihan ko si Kuya Jaleel kung bakit hinihigpitan niya ako masyado sa bagay na ito. But somehow, there's a positive thought about this. You can easily communicate to your important person far from you.

"Try to join in pageant " kuya suggested.

It's Saturday morning at nag aalmusal kaming dalawa. Napag usapan namin ang nalalapit na intramurals sa school namin at nasabi kong wala pa akong maisip na salian.

"Nope..I'll go with sports kuya, mas enjoy yun" sabi ko habang busy sa paghigiwa ng bacon.

"What's sport is it?"

" Soccer" sabay tingin ko sa kaniya at agad nag salubong ang kilay niya sa sinabi ko.

"At kailan ka pa natutung mag soccer?"

"Tinuruan ako ni Eris dati and we played sometimes"

" matagal na yun.. that's two or three years ago Hera." Giit niya

Nako naman. I think this is hard for me to convince him. Hindi ko rin naman gustong sumali sa pageant na gusto niya. Mas gugustuhin kong sa cheerdance ako sumali kesa doon.

Nakipagtalo pa ako kay Kuya Jaleel about sa mag sali ko sa Soccer. Hindi rin nag tagal ay napilitan din siyang pumayag.

Naligo na ako saka nag review sa mga previews lesson namin at nag advance reading na rin.

Mahigit tatlong oras akong nag aral kaya nang maka ramdam ako ng gutom ay bumaba na ako para mag hanap ng meryenda.

"Si Kuya po Manang?" Tanong ko sa kaniya habang nagluluto na siya ng pangtanghalian namin.

"Kanina pa yun umalis hija.. may bibilhin lang daw"

" mga anong oras po siya umalis?"

Lumingon sa gawi ko si Manang at sandaling nag isip.

"Mga ilang minuto matapos kayo mag almusal" sagot niya saka bumalik sa kiluluto niya.

It will be about his school projects. Kuya Jaleel is also a consistent student. Minsan ay naiinis ako sa kaniya dahil gusto niyang dapat ako lagi ang manguna sa mga classmates ko. Na dapat hindi ako maagawan sa pagiging Rank 1. But I don't like that thought. Ang gusto ko ay mag enjoy while nag aaral ako. Hindi ako nag aaral to compete, I studied because I Want to learn. Naalala ko nung last year nung mag top 2 ako.

"What have you've done Hera?! Bakit naging ganito?!" Galit na tanong ni Kuya sa akin habang pabalik balik ng pag lalakad sa harapan ko habang naka upo ako sa single sofa dito sa livingroom namin.

"Kuya Rank 2 din naman ako... it's ok na yan.."kinakabahang saad ko.

Nilingon niya ako at matalim na tiningnan. Pakiramdam ko todo na ang pag pipigil niya para lang hindi mapunit ang card ko.

"Hindi ito pwede Hera.. you need to be a valedictorian of your batch! Simula ngayon hindi ka hahawak ng ano mang gadgets!" His voice echoed at our livingroom.

"Leel, wag mong higpitan ang kapatid mo hijo" mahinahong sabi ni Mommy nang makarating siya galing kusina.

"Mom, it's for her sake. Ayokong pagtawanan siya ng iba. Dahil baka ipagkumpara nila kami." Saad ni Kuya sa mahinahong tono na ngayon.

Kuya's right. Lagi kong naririnig ang pagkukumpara ng iba sa amin. Bakit hindi ko daw kayang abutin ang lahat ng kaya niya. Si Kuya na ang dali lang sa kaniya ang maging una sa lahat habang ako daw ay hindi. I need to work hard pa daw para mapantayan siya. I don't mind them either. Bakit ko papansinin ang mga sinasabi nila kung wala namang magandang naidudulot ito sa akin? Wala rin naman silang ambag sa buhay ko.

The Love that I Lostحيث تعيش القصص. اكتشف الآن