Prologue

18 1 0
                                    


We can't predict the destiny. Sabi nga nila lahat ng nangyayari ay may dahilan. All you need is the acceptance. Hindi mo mapipigilan dahil yun ang itinadhana.

The most important for our life is we learned the lessons of our mistakes. Nag kakamali man tayo pero hindi ibig-sabihin ay hanggang doon lang tayo. We need to stand up and continue to fight.

Lahat ng tao ay may kamalian din. No man is an Island. Kung huhusgaan ka ng ibang tao, don't listen to them. Ang importante ay kilala mo ang sarili mo.

In our life, a lot of people leave us and someone's coming to replace them. Pero hindi lahat ay kayang palitan lalo na kung isa ito sa mahahalagang tao sa buhay mo.

Inis akong bumangon mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa ingay ni Manang na kanina pa kumakatok. Tiningnan ko ang wall clock and it's damn 6 am.

May matino bang matandang gigisingin ka ng kay aga aga? Tsk sa bagay ngayon ang unang araw ng summer vacation naming.

Ang bilis talaga ng araw, parang kahapon lang grade 4 pa ako tapos ngayong pasukan Grade 5 na. haysst saka ko na nga iisipin yun.

" Opo manang ! palabas na!" inis kong sigaw.

" Dalian para maka pag almusal ka na rin." Sagot niya mula sa labas.

Dapat nga mag pupuyat ako dahil bakasyon namin eh. Si Manang talaga. Dali dali akong nag tungo sa banyo ng aking kwarto para makaligo.

Napasigaw pa ako dahil sa lamig ng tubig. Hindi na ako nag laro pa sa loob at mabilis kong tinapos ang pag ligo ko.

Nang makalabas ako ay agad akong pumasok sa isang pinto kung saan ang walk in closet ko.

kakaayos lang ng mga gamit ko kahapon dahil sobrang gulo nito. Napangiti ako dahil sa linis ng mga damit ko at naka lagay sa tamang lalagyan.

Kinuha ko ang puting t-shirt at isang sando saka ang itim kong sweat pants. Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako at lumapit sa vanity.

Sinuklayan ko lang ang buhok ko saka lumabas nan g kwarto. Pababa ako ng hagdan nang may biglang may humawak sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

" Kuya ano ba?!" singhal ko sa kaniya.

Isa pa tong panira ng umaga. Tinawanan lang ako at nauna ng bumaba at pumasok sa kitchen.

Sumunod ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. As always, kami lang dalawa ng kuya ko dahil nasa Manila sina Papa for business matter.

Tahimik naming tinapos ang agahan. Nang makapagpahinga ako ng konti sa sala ay lumabas ako at nag isip kung saan ako pupunta.

Maaga pa naman kaya mag lilibot na lang ako sa plantasyon naming.

Inilabas ko ang bisikleta ko mula sa garahe saka nag simulang mag bisikleta papunta sa plantasyon naming ilang kilpmetro ang layo nito dito sa mansyon.

Sa likod lang naman ako dumaan para hindi na makalabas pa ng gate dahil may daanan rin naman dito.

Di pa man ako nakakalayo ay natatanaw ko na ang mga taong nag tatrabaho sa tuboan namin. Binilisan ko ang pag bibisikleta para batiin ang matatanda.

" Oh Hera? Bakit ang aga mo nagyon hija?" nag tatakang tanong ni Aling Nita.

" Eh ginising po ako ng Manang eh" naka busangot kong sagot .

Tinawanan niya ako saka kinurot ang pisngi ko. Lumingon lingon siya na para bang may hinahanap.

" doon ka muna sa kubo at baka mainitan ka dito hija" saad niya sabay turo ng kubo.

The Love that I LostOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz