Tumayo siya at nag-inat, naghilamos muna at nagbihis ng malaking tshirt at short bago ipinasyang lumabas. Sinuklay nalang niya ang buhok sa pamamagitan ng kamay.

"O nak? Nagising ka ba sa ingay namin?"

Ngumiti siya kay nay Lydia. "Hindi naman ho."

Isang gabi palang nagka-sama ulit ang mag-asawa pero iba na ang aura ni nay Lydia. Nagni-ningning ang mga mata ng matanda at bumata ito sa paningin niya. Guess that's love can do to people.

Lumapit siya sa mga ito at umupo sa upuang yari sa rattan. "Nak, kumain na kami, hindi na kita ginising at mukhang napasarap ang tulog mo."

Nay Lydia knew she usually wakes up at 5am. Or sometimes earlier than that.

"Okay lang, nay."

Binuksan ni nay Lydia ang malaking takip na yari sa may butas-butas na plastic. Kumalam agad ang sikmura niya ng tumambad sa kanya ang sinangag na kanin na may maraming bawang. May tuyo at tinapa. May sawsawan pang suka at sili. Nakahiwalay naman ang nahiwa-hiwang kamatis na may bagoong.

"Kape mo, nak. Yang paborito mo yang barako kapag umuuwi ka dito." Inabot sa kanya nit ay Emong ang mabangong kape na umuusok pa.

"Saan ka pupunta?" Puna ni nay Lydia ng bigla siyang tumayo.

"Maghuhugas lang ho ng kamay, nay."

Natawa naman ang matanda, alam na nito na balak niyang magkamay.

She was washing her hands ng lumabas si Raphael mula sa bahay. Kinukuskos nito ng towel ang basang buhok.

D*mn, he looks more delectable than the food.

"Good-morning." Anong sasabihin niya? Bukod sa good? Delicious morning? Yummy morning?"

"Morning."

Wow, It's a miracle, like her naging maganda din ata ang tulog nito.

Kahit mahirap ay pinilit ni Lou na bawiin ang mga mata dito.

"Kain na."

"Kay."

What? Akala ko ba ay tapos na sila? Inaya lang niya ito because nay Lydia taught her it's rude na hindi mag-alok ng pagkain kapag may ibang tao.

How can she eat properly? Mas masarap pa ang lalake.

She shakes her head. Este ng ulam.

Umupo ito sa kanyang harapan, kaya wala siyang nagawa kundi abutan ito ng plato.

"Thanks."

May bayad ba ang salita nito? Or wala lang talaga itong ganang makipag-usap sa kanya?

Gaya niya ay inabutan din ito ni tay Emong ng kapeng barako. "Kain kayong mabuti. Maiiwan muna naming kayo at kami ng nanay Lydia niyo ay mauuna na sa bukid."

"Nak, tinuruan na kitang magluto ng adobo diba?"

"Opo, nay." Nagtataka siyang tumingin sa matanda.

"Tutulungan ko muna ang tatay Emong mo sa bukid. Ikaw na ang bahalang magluto. Dalhin niyo nalang doon at sa kubo na tayo kakain."

Nanlaki ang mga mata niya. Bigla siyang kinabahan. Seriously? What if hindi masarap?

"Basta gawin mo lang lahat ng tinuro ko nak, mauuna kami."

Bakit ba ngayon siya nito naisipang paglutuin? Pwede bang saka na lang?

Gusto niyang tumutol sa sinabi ni nay Lydia ngunit nakalayo na ang mga ito.

Napainom siya sa kape ng wala sa oras para lamang maibuga ito. Inilabas niya ang dila at pinaypayan gamit ang kamay.

RedemptionWhere stories live. Discover now