Chapter 4

4 0 0
                                    




Hindi pa ko tuluyang nakakabawi sa pagkindat ni Dev nang tumawag siya ng waiter para umorder ng mga inumin.

So he'll be sitting with us huh? sabi ko sa isip ko na nagpakilig nanaman sakin. I never thought that I'll get to experience this.

Maya't maya ay pasimple ko siyang tinignan habang may inaayos ata sa phone hanggang sa dumating na yung mga inorder niyang drinks.

May isang bucket ng beer, at dalawang bote ng iba pang alak. I'm not really familiar with alcoholic drinks dahil minsan minsan lang din ako uminom. Sa mga family gatherings lang ganun. May iba't ibang drinks din na pang chaser at yelo.

"HAAAAYYYY AT LAST!" sabi bigla ni Dev kaya napabaling agad ang tingin ko sa kanya. nakita kong nakababa na ang phone niya sa lamesa at napaka relaxed na ng itsura niya sa inuupuan niya. "Some free time!" sabi niya pa.

Siguro nga ay masyadong packed ang schedule dahil halata sa mukha niya ang pagod pero ang pogi pogi parin talaga niya.

"How's life, kuya Von?" sabi ni Isa habang nag bubukas ng isang bote ng beer. nilapag niya yun sa harap ko at kumuha din ng kaniya atsaka uminom.

"Eto, ang daming projects kaya minsan nalang din magka free time." sabi niya sabay lagok sa beer din na iniinom niya. "Actually hanggang bukas pa dapat yung shinoshoot naming commercial pero minadali ko lahat kanina para maka attend ako sa party ni Chris at maka-uwi din sa bahay."

"You've been that busy huh?" sabi nalang ni Isa. He just shrugged and turned his attention to me.

"You're Christa's friend from school?" tanong niya sakin bigla. Nagulat pa nga ako kaya medyo natulala pa ko bago tumango.

"ah... oo" sabi ko dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko. Masyado parin akong na-ooverwhel sa presensya niya.

"Buti may kaibigan yan si Christa?" palokong sabi niya sabay tawa kaya awkward na tumawa nalang din ako. Si Isa naman ay masama ang tingin sa kanya at umamba pang babatuhin niya si Dev ng boteng hawak niya.

"Hey! What do you think of me? Some weirdo?" sabi ni Isa na lalong ikinatawa ni Dev.

"Same program as hers?" tanong niya ulit sakin kaya nagulat nanaman ako. Pakiramdam ko ay magkaka sakit ako sa puso pagkatapos ng gabing toh.

"Yeah, archi" sabi ko sabay inom sa beer.

"Taga saan ka?" pang-uusisa niya pa. Wow naman Dev. Masyado ka atang nagandahan sakin at balak mo pang puntahan ako. *char*

"I'm from Laguna. Pero sa condo ako nag stastay malapit sa school namin." Sabi ko. Medyo humahaba na ang sagot ko dahil medyo nakaka bawi bawi na ko sa sobrang kilig dahil sa presence niya.

"Ohh.. you don't go home during weekends?" tanong niya pa habang kumukuha ng bagong bote ng beer dahil naubos na niya iyong una. Hinay lang tayo babe at baka malasing ka hahahahahah.

"I do go home, actually. Wala lang ang parents ko sa bahay this week kaya hindi ako umuwi." pagsagot ko sa tanong niya.

"Hello nandito ako." pagsingit bigla ni Isa. "Kuya Von, you seem so interested with Dana ah. Baka kiligin yan." medyo pabulong yung huli niyang sinabi kaya hindi narinig ni Dev pero sinipa ko ng pasimple ang binti niya sa ilalim ng lamesa kaya napa aray siya.

Dev just shrugged his shoulders sa sinabi ni Isa habang umiinom. Pagkatapos nun ay nag-usap sila ni Isa sa mga bagay ne medyo hindi ako nakakarelate. They were talking about people na kakilala nila pero hindi ko kakilala. pero okay lang dahil sapat ng nakikita ko si Dev.

Tuloy tuloy ang inom nilang dalawa lalo na si Dev kaya malapit ng maubos yung mga inorder ni Dev kanina. Samantalang ako ay nasa pangalawang bote palang ng beer dahil hindi naman ako sanay ng madaming iniinom. Hindi ko din inexpect na heavy drinker si Isa pero mukhang hindi pa naman siya lasing. Siguro ay high tolerance siya pero si Dev ay lumalakas na ang boses habang nagkwekwento at mukhang medyo lasing na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding: Way to his heart (Limelight Series # 1)Where stories live. Discover now