"Why? Do you think, we'll end up as a couple?" hamon ko sa kanya. He's now holding the baby in his arms. Iyong kanyang labi ay naging tuwid kaagad sa pagkakasabi ko niyon.

I now have the power to ask him that. Tila naging mabagal sa kanya ang pagpatak ng segundo. I witnessed how he stopped his breathing. Parang nahirapan ito kaagad sa naging tanong ko sa kanya.

Gusto niya ako. Walang naging problema iyon sa akin kasi alangan namang utusan kong pigilan niya? Hindi naman kasi napipigilan ang pagkagusto sa isang tao. Once you've fallen in love, you cannot do anything. You can't force yourself to totally get over that person. Kasi habang sinusubukan mo, mas napapaigting lang iyong nararamdaman mo.

Sa amin nga lang, mas pinili niya lang itago sa akin for the sake of our friendship. Kahit ano naman ang nararamdaman niya sa akin, wala akong balak na iwan siya.

Jacob is that person I ran to whenever I need something. Siya ang nagiging sandalan ko sa lahat and he didn't question me about running to him as always for help. Sa halip na magreklamo, tinanggap niya ako ng buo.

"Hindi ba, sinabi ko sa'yo na kung kailan ka lang handa? I won't force—"

"What if I am?" pagpuputol ko sa kanya na ikinagulantang niya.

He gulped. Nanatiling nakatitig ako sa kanya habang kalmado lang.

Sa ganoong paraan ba napapayanig ko ang mundo niya? He was shocked and his expression says that. Walang takas sa paningin ko ngayon.

I shook my head and then stood up again, started whistling to call for some air. Masyadong mainit saka parang bigla akong tinamaan ng ilang pagkasabi niyon.

He also stood up and then joined me. Karga niya pa rin iyong bata sa kanyang bisig. Unlike earlier, the baby's not that crying creature anymore. Parang naiiintindihan nito kung ano ang pinag-uusapan namin.

"Sigurado ka? Baka talk shit 'yan?" he made sure of it. Hindi ako sumagot saka pinanatiling nakatingin lang ako sa harap ngayon.

He waited for me for about years. Itinago ang nararamdaman sa akin sa halos ilang taon, naging torpe at naging saksi sa lahat ng pag-iyak ko noon. It's like he's the living witness of all.

"You know what? It's always okay to take some risk," sabi ko sa kanya. Kinuha niya iyong feeding bottle ng bata saka pinadede iyon. Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

Now, he looks like the responsible father here. Bagay na bagay sa kanyang tignan kapag may hawak na bata.

"You mean, getting you is a risk? Alam mo bang makulay na ang mundo ko? Baka pwedeng padagdagan mo naman?" My brows furrowed at that. Ako naman ang tila naging blangko ang utak.

"What do you mean?" I asked him, being curious on what he have said.

Namula siya ng kaunti dahil doon.

"Having you as my friend gave color to my life. Baka naman, sa kahit ganitong pagkakataon, mas lalo mong patingkarin ang mga kulay na iyon?" Natawa ako ng bahagya.

Seryoso ito pero bakit parang mas lamang iyong nakakatawa para sa akin? Is this really what you feel when hearing those lines?

"Sira. Lakas talaga ng loob mo, ano?"

"Nagiging matapang na nga ako, eh."

I shook my head and then licked my lip.  Iyong kanyang mga mata ngayon ay nakatitig sa malayo.

For me, his features are perfect. Malapit sa standards ng mga babae sa ngayong henerasyon. Who knows that this guy beside me, didn't experienced loving a woman in his entire life? Except for his mother. Parang ang lungkot para sa iba ng kanyang buhay kung ganoon.

He's shy and coward when it comes to his feelings. Inaabutan ng kaba at takot sa ganoong usapan. Hindi nagkakaroon ng tyansang makaamin kaagad kaya nahuhuli sa pila, kung minsan ay wala na ngang pag-asa.

I've asked him many times about the girl he likes. Hindi ko naman namalayan na ako pala iyong tinutukoy niya.

"Then, better be brave as always. Huwag mong isipin na kapag sinabi mo ang lahat ng nararamdaman mo tapos na-reject ka, hindi ibig sabihin n'on na hindi mo deserve na mahalin. Life is not life without experiencing rejection. Tandaan mo 'yan."

I hope that he'll apply my advice to him. Kasi naniniwala ako sa ganoong kasabihan. And it really proved something. Hindi ka naman magiging tagumpay kapag hindi ka nakaranas ng rejection.

"Ang dami ko naman kasing gusto, eh. Mga ikaws," he joked and I punched him not that hard. Naroon na naman ang kanyang mapang-asar na tawa.

Seeing him laughing as always is good. Pero sana, kapag tumanda na kaming dalawa, maging ganito pa rin katatag ang samahan namin.

He has his friends also, but I am his closest friend. Minsan, mas gugustuhin pa nitong makasama ako kaysa mga barkada niya. Ganoon siya ka-loyal sa akin na para bang ako ang nagbibigay ng lahat sa kanya.

Kahit na hindi ko naman hiniling na maging ganoon siya sa akin, kusa niyang ginagawa. Ang palaging rason niya, kaibigan niya ako kaya dapat na lagi siyang nandyan para sa akin.

Nailanghap ko ang sariwang hanging tumama sa akin. My hair flew with it. Tanging kaming dalawa lang ang narito sa sala ng bahay ng kanyang pinsan, kasama ang anak nito na nasa kanyang bisig, nakatitig na ngayon sa kanyang mukha. I can see how the baby's eyes adored his face like he's seeing the image of his father. Na parang nakatitig ito sa tila kakambal ng kanyang ama.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Kapag naging matanda na tayo, sana, maging ikaw pa rin si Jacob na kakilala ko. Iyong laging hyper tapos bumabato ng mga malokong linya. I'd probably miss that when we grow old," saad ko sa kanya ng may ngiti.

He smiled at me; his sincerest smile appeared.

"Hindi naman mawawala sa akin iyan. Parte na ng buhay ko ang inisin ka kaya bakit ko iwawala iyon?"

Sana nga kasi, kung ako ang tatanungin, kung pwede lang sanang walang makakapagpigil sa aming dalawa na mabuhay hanggang sa dulo ay mas gugustuhin ko. I'd still choose him to be my friend in my second life. Wala namang makakapalit sa kanya.

"Just promise me that if the time comes, if I leave this world, please be strong. Don't cry and don't you ever make your life miserable just because I'm gone. Make sure of that," paninigurado ko sa kanya. Inilapit ko sa kanya ang nakakuyom kong kamao, hinihintay na idikit niya rin ang kanyang kamao roon.

He hesitated at first. Naroon sa kanyang mukha ang tila pagkagulat at hindi pagsang-ayon sa ideyang naibigay ko.

Hindi niya gugustuhing mawala ako. Kasi kung hindi ko siya pagsasabihan, kabaliktaran ng sinabi ko ang mangyayari.

"Okay, I promise." Then, we made a fist bump.

Right here, on his cousin's house, we made a promise for another years to come. I hope that we'll both live for long because our life is connected to each other.  

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now