Napabuntong hininga ako saka marahang kinuha iyon sa kanya.

I smiled when I finally felt his weight. Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilang hindi mamangha lalo sa batang hawak ko. Mula sa pagiging malamlam na mga mata, napalitan iyon ng kaunting galak.

I tried my best to at least give smile to him. Sa totoo lang, kaunti lang din naman ang alam ko pagdating sa ganitong bagay. I have no siblings. Hindi rin naman ako humingi sa magulang ko. Masyadong malabo naman na kasing mangyari pa iyon.

Nasanay naman akong mag-isa kaya si Jacob ay tinuring kong parang kuya ko na. He's my friend and family now.

Sinubukan kong aliwin iyong bata sa pamamagitan ng pagpapatawa rito. I guess, my plan worked because I can now see him giggling at what I'm doing. Natigil lang iyon nang sandaling makadinig ng tunog ng camera.

By that, I knew that Jacob took a photo of us. Napabaling ako sa kanya saka tinigil ang ginagawa. He's smiling while looking at his phone. Nilapitan ko ito saka napatingin sa litratong kanyang kinuha.

"Naks. Pwede ka nang maging ina, sseb. Bagay na bagay sa'yong may hawak na bata." I raised my left brow at that. Maganda ang kanyang naging kuha tapos marami pa iyon.

"Tsk. Tapos ikaw ang tatay? Style mong bulok."

He widened his eyes. Napaismid ako sa naging kilos niya kaagad, dahilan kung bakit napaupo na rin ako.

"Nababasa mo ba naiisip ko? Grabe. Superpowers mo na 'yan, sseb?" He joined me sitting and then gave me this interested look. Naroon na naman ang kanyang pagiging makulit.

Alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating kaya inunahan ko na. Hindi ko naman inaasahang ganito ang kanyang magiging reaksyon sa sinabi ko.

He really is a pro when it comes to hiding his real emotion. Katulad ngayon, na kahit alam kong gusto naman niya, mas pinili niyang ipakita ang pagiging maloko. Ginawa niyang biro lang iyon.

And what I've said was just a joke also. I'm his crush and I like to throw jokes at him as much as I can. Hindi naman ako obligadong bigla na lang hayaang mahulog ang nararamdaman sa kanya.

"Alam mo, bawas-bawasan mo 'yang pagiging maloko mo. You're too old for that shit, Jake. I know that it's your nature pero sana naman, magseryoso ka kasi mas nakakagwapo kaya 'yon sa'yo," I told him. Iyong daliri ko ay nasa kamay ng bata.

He bit his lip and then stared at me. Tanging mata ko lang ang kanyang natititigan at hindi ang kung anong parte pa ng katawan ko. Nanliliit ang mga iyon.

"Bakit? Tayo na ba?" Nahigit ko ang hininga ko pagkarinig niyon. I automatically froze for a moment and then I almost dropped the baby. Kung hindi lang dahil sa pagkaalarma niya, baka umatungal na ang bata.

Just by hearing the seriousness on his voice, I know that he's expecting for something. Something that he knows that I know.

Sa lahat ng tao, iyong kaibigan ang mahirap mahalin. You'll never know that when the time comes, you'll lose both friendship and relationship. Tapos kapag nangyari iyon, pareho kayong mahihirapan sa pag-usad, especially if you both spent half of your life being together as friends.

Para sa akin, mahirap kapag iyon nga ang nangyari kasi halos simula noon pa man, magkasama na kami ni Jacob. From our high school life up to this day. Hindi na kami naghiwalay pa simula noon.

And mind you, we don't have a single common trait. Magkaiba kami sa halos lahat. And we still treasured our friendship despite of all our differences.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now